mmmm... im still tired... saturday, i went home. then on sunday, i gotta get back here sa dasma at 6am, sa alam ko... my nanay woke me up at 5am and hurried me.. grabe! well, kaka enjoy naman ang byahe namin ni nanay.. we kept on chatting and laughing.. heheheh.. cool noh??... kaka miss na tuloy siya... tapos ayon, we we rode a jeep pa binan and gma.. tapos dasma... tapos sa la salle.. kakapagod! as in! and then we came here at 6:30 am... we ate at the lugawan sa labas.. kulang pa nga yun eh.. kaka bitin! tanga ko, hindi ko naisip na magugutom kami sa pagpunta namin dun.. ang tagal ni mark.. siya na lang ang hinihintay namin.. galit na nga si nanay eh.. kaso i have to wait for him.. napag usapan na kasi namin na sasama siya. at isa pa, 13 months namin kahapon.. at kailangan talaga na kasama siya pra lam niyo na, icelebrate namin yun... heheheh... galit na galit na si nanay nun .. at nung dumating na siya.. naka kunot pa rin ang noo ni nanay.. ako naman,nasigawan ko agad siya.. sabi ko, bakit ngayon ka lang? galit na si nanay! mag sorry ka! ayon.. nag kinausap niya si nanay at nag sorry siya.. sa jeep, nilibre niya kami.. kasama namin si joyce at mark david.. nagkita kita kami sa 7 11 dito sa may school eh.. ayon... nung bumaba na kami , nauuna na ko sa lahat.. si mark naman, kinakausap si nanay.. aba, bumabawi ah! heheheh... parang sila ang nga ang mag nanay pag magkasama eh.. heheheh...
tapos pag dating sa 7 11 sa highway sa dasma, wala pa si george.. siya na lang ang hinihintay.. ayon... yosi muna...
may van na dala ang kasama namin dahil friend niya yung may ari at siya rin ang driver... ayon... sa likod ng driver seat, nakaupo dun si hermie, lovely at george.. tapos sumuno, ako, si mark at si aya.. sa likod naman si mark david, joyce at abi... so excited na kami lahat until sa dulo pala, nagkanda ligaw na kame.. hindi nila alam kung saan ang daan papuntang talisay batangas.. weird.. heheheh.. anywayz, si george, laging naka on ang camera siyempre... naka docu na yon.. heheheh...
tapos sa byahe, naglalaro kami ni mark.. ang aking nieko... natatawa pa nga sila sa min kasi sweet namin MAGBUGBUGAN... heheheh... tapos ayon... nung pababa na kami pa talisay, grabe, nakakatakot! ang tarik kasi! tapos nangamoy pa yung break ng van! pagbaba namin! grabe! umuusok! takot nga ako eh kasi baka mawalan ng break.. delikado...
pag dating namin dun... daming dumalubong na mga nag aalok na mag boating... hinahabol kami... parang sa mga resort sa batangas din na unahan sa costumer pag nag aalok sila... until nakipark lang kami saglit.. yun pala, bawal yun.. business is business... dun kami nakipark, sa kanila na rin daw kami kukuha ng bangka.... mejo nagkaron pa ng aberya sa kin dahil shiyet! P300 per person ang bangka back and fort! eh P600 lang ang dala ko! as in! buti na lang sinobrahan ni nanay yung baon ko at kumuha ako ng P100 sa budget ko! leche nga eh.. ayon, tinawagan ko muna sila nanay.. sinabi ko na nasa batangas na kame.. sinabi ko rin yung problem ko na wala na ko per.. si mark naman, nagpapa iwan para hindi daw maubos ang pera ko.. hello! hindi naman pede yun kasi siya lang maiiwan! okay lang raw sa kanya yun.. eh hindi nga pede yun eh!
tapos mayamaya tumawag ulit sila nanay.. sabi niya ibigay ko na raw yung P600... manghiram daw muna ko ng P200.. ayon, kinapalan ko na mukha ko... kay aya ako nanghiram.. buti na lang, may mga dala pa silang pera..
pagdating sa boat.. hinati kami sa dalawang grupo... 11 persons kami eh... parang tean A at team B! HEHEHEH... team A: len, hermie, mark, mark david at joyce... team B: george, lovely, yung 2 friends ni hermie, si aya at si abi... nauna na kami sa pag andar...
habang nasa boat kame, nakaka relax ang view.. although nakakatakot kasi siyempre, nasa tubig kami eh... ayon, nagsimula na kami sa pag interview sa isa sa mga tourist guide sa boat.... tapos kinuhanan din namin yung mga volcanos... grabe, dami pala nun! pero isa pa lang ang pumuputok ata.. ewan ko.. basta lahat ata ng sulok may mga usok! grabe!
nakadating na kame sa kabilang baryo.. sa paanan na yun ng isang bulkan.. nalimutan ko na nga lang ang name ng bulkan na yon.. tapos dami sa min sumalubong! at hiniritan pa kame ng P20 sa pagtawid sa tulay! ang lupit noh! tulay lang , may bayad pa! tapos yung sumbrero, may nirerent silang P20 ... tapos iba pala yung mag to tour sa min sa bulkan! at hindi ang mga kasama namin sa bangka! kairita! tapos nag cr kame.. at alam niyo ba na after nun, may lumapit sa min na mga bata at may bayad daw ang cr! punyeta! lahat na lang may bayad! mukha ba silang pera! at hindi ko pa sure kung saan mapupunta ang bayad namin na P5 sa mga bata dahil nag aagawan pa sila.. meaning, baka mapunta lang sa kanila yun at hindi sa parents nila...
kumain kami. sa hirap ng buhay ko na P200 na lang ang laman ng bulsa ko, miunabuti ko na lang na isang ulam na lang ang kunin ko at dalawang kanin... tig isa kami ni mark.. since ganun ang ginawa ni george at hermie.. ayon... tapos ang soda ba naman dun ehP30! lupet noh! leche! layo kasi sa kabihasnan eh!
may mga na interview na kaming mga tao dun... mga tourists, mga nag nenegosyo dun.. nakakainis nga lang yung lalake na magkakabayo, ayaw pa makisama... dapat iinterviewhin namin siya ni joyce eh nag iinarte, nilayasan ko nga!bad trip!
tapos ayon.... nagusap usap kami kung kukuha kami ng tourist guide.. eh ang mahal! hindi na lang.. eh kung kaya naman namin mag isa diba??....
so ayon.. very adventurous ang ginawa namin... nagsimula kaming maglakad i think around 10 -11 ata... kakapagod... at eto pa, nalimutan ko na maglalakad pala kami at aakyat sa bulkan eh yosi ako ng yosi! heheheh.. ayon, hingal na hingal ako.... eto si mark david naman, yosi pa rin ! heheheh.... tapos ako ang in charge sa adventure footage namin.. nakakahiya nga eh.. kasi habang nag sho shoot ako, naririnig ang hingal ko sa camera.. leche naman kasi ang taas eh!
daming beses na akong nadulas... naka 9 times akong nadulas kasama na ang untog sa kubo.. back and fort na yon...
pag dating sa pinaka itaas na! sa sobrang pagod ko, hindi ko na appreciate agad ang view.. nasabi ko eto na yon??... eh kasi nakakainis ang taas eh! tapos kahit gusto kong uminom, tangina naman ang presyo ng inumin eh! P30! eh may nasa P160 na lang ang pera ko! ayon.. tingin na lang kami ni mark sa view.. naaawa ako sa sarili ko.. naiinis ako dahil hindi ko naisip na maraming gastos! dapat humingi pa ko ng marami! ayon, naki inom na lang kami kala joyce at mark david ng pepsi.. leche, nakakahiya! pero mayamaya, ayon, nauhaw na kami pareho.. bumili na rin kami... pepsi P30! grabe! tangina! kasalo ko dun si mark, naki inom din si mark david. ayon... bitin kami.. heheheh.. pero ayos lang.. nakihingi rin naman kasi ako sa kanila nung una.. at nakaka relax lalo ang view habang nag yoyosi kami sa taas! hehehe.. kita namin yung mga kumukulong part ng bulkan.. hindi ko lang alam kung ano yung mga nasa baba na puti at naglalakad.. e ang init dun, pano nabubuhay ang mga hayop dun??....
ayon, nag greet kami ni mark sa isat isa dahil 13 months na kame kahapon.. saya! :D binati kami ng groupmates namin! ganda ng date namin, sa taal pa!
naisip ko, kailangang may P1000 ka sa bulsa para maka survive ka!
may mga kabayo na pedeng sakyan.. ang mahal naman! at nakakaawa at nakakatakot sakyan yon dahil siyempre, matarik yun eh!
nag interview pa sila ng tourists dun.. at dun din kami nag shoot nang opinions namin....
may nangyari pa nga na mejo umaambon, tapos pumunta sila mark david, joyce, george at hermie sa kabilang side ng bundok nung nakita ni joyce na tumataas ang buhok ni hermie... eh dahil daw yun sa static... eh nagpack up agad si george dahil nakaka attract daw yun sa lightning... delikado pa sila...
bumaba kami ng 4:10pm... inabot kami ng 5:30 sa pagbaba dahil nag stop over kami sa may gitna.. nagpahinga at the same time, dun kinuha ang shoot nila george at mark david... nakita namin yung mga umuusok na bato.. ganda nga eh.. dami ring mga Raven! takot nga si hermie eh.. nanunuka daw kasi yun.. eh ang alam ko, mga patay ang kinakain nila... naisip daw kasi niya yung sa passion of the Christ...
tapos habang nasa malayo sila , nasa may umuusok naman kaming bato ni nieko... kinukuhanan ko sarili namin.. siyempre, memorable yun! monthsary namin yun eh! saya!
tapos inabot kami ng ambon.. buti na lang medyo tumila... habang nagbabangka na kami inabot ng malakas na ambon.. nakita ko pa ang sunset... ganda...
galing talaga ni God noh para magaw niya yung magagandang view na yun... ang tahimik kaya sa bulkan.. kakarindi... pero ayos lang kasi kaka relax namn eh...
this is unforgetable! astig! ganda! memories of our monthsary! 13 months na kame! whoohoo!!! saya ko!
okay.. enough of this.. pagod na ko mag kwento...
mamaya sa dorm ko kakain si abbie... :) wala kasi kami parehong kasama sa dorm..
happy 13 months po dadibabynieko! love you so much!
mwah!
bravo BRoadJOUNRNalers!
~out~
8/29/2005
WATER PLEASE!!!!!!
No comments:
Post a Comment