2/24/2004

hehehehe.. we went on a rehearsal kanina ... nyak, ang kulit ng role ko.. may twin ako.. tapos ang trabaho namin eh magtsismis.. heheheh.. tapos nakoo!!!!!! yung crush namin ni bessy!!! heheheh.. nagpaka lalake ata ah!!! lumaki ang ..

lumaki ang......

ANG BOSES NIYA!!!!!!!!!!

heheheheh.. ^_^

2/23/2004

mm....... i m here out of the school... finding my self.. trying to be happy.. forgetting my pain..

malilimutan ko na sana problema ko nang nakita yung parang ginawang billboard sa stall ni kuya ed.. shit! nawawala ang picture ko.... nyek, as if naman may nagkakagusto sa kin diba?? eh may suspect na ko eh, pero hindi ko sasabihin kung sino.. basta parang feel kong siya yun..

eto na, workkshop na naman namin.. hmm...... sana hindi na ako pag tripan at paartihin sa harap..

miss ko na ang sarili ko.. being free.. free from pain.... wala nga lang akong magawa coz no one can help me out! :( i think the best way for me is to shut up my fuckin self inside my crib! leche!

malapit na ang finals.. hindi ko alam kung anong mangyayari sa grades ko.. hindi naman sa babagsak pero natatakot lang ako..

~out~

2/22/2004

hi guys.... i wanna tell you a story about what i have watched last night.. really, napaiyak ako.. pero hindi ko sinabing mag react kayo sa ikukuwento or what so ever..

first story is about 2 poeople who fell in love carrying their white lies.. the guy named Albert is a smart and handsome attorney. the girl named Joanne, living in a simple life, having her own business. once they met in a store and Albert asked Joanne if she could help him pretend that she's the mother of Albert's daughter. They had a contract and made a deal. So Joanne lived in their house without any idea what could happen if she made a move.. funny, coz one time, they attended a mass and the scene was "making peace.." The daughter kissed Albert and Joanne and her lola. she wondered why her parents didnt kiss so she told them to do so.. well....... feel na feel ni Joanne siyempre.. ikaw na , makatyamba ng guwapo na hindi mo naman totally kilala, bigla kang hinalikan.. heheh.. until the two fell in love.. but the lie still continued..
of course they encountered fights and everything that husbands and wives do especially when they already confessed their child the truth that they pretended to be lovers.. Joanne decided to leave them because Albert's father argued that she has no right to live in Albert's house and act like a member of the family because she's only a "nanny"..
Joanne came back to her home with her tears . she cried every night longing for her child and for Albert.. asking herself "bakit ganito?? in love nga ako, puro lokohan naman.. hindi totoo.. " likewise to Albert.. he cant focus on his works.. and so their friends helped them.. a couple brought Joanne on a resort but on their way, they let Joanne to drink something with a sleeping med thingy in it.. pagkagising ni joanne, nasa tabi na niya si Albert.. asking her if they could make things up again and start from the beginning. but Joanne tried not to get over with his words.. and she left him inside the cottage. when she opened the door, she saw all of her friends, her parents and Albert's mom dancing and happily cheering .. they want the two to get married as soon as possible.. they said everything about what Joanne said when she and Albert were still together.. Albert didnt miss that moment hearing those things so he immediately grabbed her and they kissed and asked her to marry him ....

~the end~

may isa pa akong kuwento .. its about two lovers na nasira ng panahon at nagkabalikan rin.

si Margarette(gary) and Rocky rodriguez ay kapwa magka banda at nagmamahalan. pangarap ng buong banda na makarating sa japan para doon ituloy and career. ang family ni rocky ay malapit sa isang mataas na opisyal sa gobyerno. ang nakata tandang kapatid ni rocky ay pinagkasundong ipakasal sa isang babaeng hindi naman niya mahal. ito ay isang gawain na ng kanilang pamilya na pagkasunduin ang mga anak nila pra lalong lumago ang kanilang kabuhayan. si rocky rin ay binalak nang kanilang magulang na ipagkasundo sa isang anak ng isang kilalang pamilya sa lugar nila pero si gary lang ang mahal niya..
si gary ay isang interior decorator at si rocky ay isang business manager.

isang araw , may natanggap silang sulat mula sa japan na sinasabing tanggap na sila para mag trabaho don bilang performer. habang sila ay naghahanda na sa airport, tumawag ang mama ni rocky at sinabing inatake ang kanyang papa. siyepmre, hindi na nakasama pa si rocky. mabigat sa loob nila ni gary ang maghiwalay dahil yon lang ang tanging pangarap nila tapos magkakalayo pa.

sa japan, pinilit ni gary na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan.. tinatawagan niya si rocky palagi. pinapadalhan ng mga emails. ngunit si rocky, tuluyan ng nabihag sa kasunduan ng kanilang pamilya. ikakasal siya sa babaeng hindi niya mahal. ilang beses naghintay si gary sa mga reply ni rocky pero ni isa rito ay hindi siya sinagot. dito na nagumpisang magtaka si gary.

habang ang buong banda ay nag pa practice, tumawag si rocky at pinapasa kay gary.. tuwang tuwa si gary at nagka usap ulit sila. pero hindi magandang balita ang pinaabot ni rocky.. pinagtapat niya sa kaisa isa niyang mahal na ikakasal siya sa ibang babae.. hindi nila napigilang umiyak at matulala sa nalaman.
napag desisyunan ni gary na umalis sa banda at pipilitin ang sarili upang hanapin ang totoong buhay. nagtrabaho siya sa ibat ibang parte ng japan. naging TNT siya, nag renta ng isang maliit na boarding house. gabi gabi siyang umiiyak dahil hindi niya malimutan ang mga pangako nila ni rocky. tumingin na lamang siya sa collage na ginawa nila no'ng magkasama pa silang dalawa(collage na isang puno sa itaas ng bundok kung saan sila madalas mag punta upang gumawa ng mga pangarap).

gumaling na ang papa ni rocky pero balik na naman sa dati, lagi silang pinagagalitan nito.
malapit na ang kasal nila rocky at ang babae . at nung araw ng kasal, sumama ang pakiramdam ni rocky at hindi napigilang sumuka sa harap ng altar at malagyan ang wedding gown ng babae. nag sorry siya at sinabing hindi niya itutuloy ang kasal.

labis na pagkahiya ang naramdaman ng kanyang papa at sa matagal na panahon hanggang sa sila ay maghirap, siya ang sinisisi dahil kung pinakasalan niya ang babae, hindi sila maghihirap!

pinilit ni rocky na danasin ang lahat ng hirap para lamang iahon sa hirap ang kanilang pamilya. nagtayo siya ng isang negosyo ng isang furniture making.

~siya nga pala, kaya nawalan ng trabaho ang kaniyang papa dahil sa illegal logging, ito ang negosyo nila dati~

sa isang business company, si gary, kilala na bilang si Margarette ay tanyag ng interior decorator. lalo siyang nag improve, gumanda, at lalong naging masayahin. si Dexter, ang Vice president ng company(anak ng may ari) ay kaniyang boyfriend.

nakakatuwa pa nga dahil sa company ni Dexter siya napadpad. Coincidence.. pero sa bawat sulok ng building ay hindi nagtatagpo si Margarette at si Rocky.

nagustuhan ni Dexter ang mga furnitures na ginawa ni Rocky at nagkaroon ng kasunduan na magpapagwa ito ng marami in 3 weeks.. nung una ay umurong si Rocky dahil napaka hirap gumawa ng matibay na product at kung rush iyon, masisira ang kanilang negosyo. pumayag na rin si dexter na kahit ilang weekns pa basta gandahan lang.

minsan sa isang meeting ni rocky at dexter sa isang restaurant, pinapunta niya si margarette dito upang makilala ang kanilang taga gawa ng mga furnitures. nakita ni margarette si rocky habang siya ay naka dungaw sa labas. pinilit na hindi ipahalata na siya ay natataranta. nang siya ay nagtungo sa kina uupuan ng dalawa, hindi napigilan ni rocky na hindi matulala. nag improve kasi ang kagandahan ni margarette. pinakilala ni dexter si margarette at sinabing malapit na silang ikasal. makikita mo sa mukha ni rocky na hirap sa pag hinga. bigla pang tinanong ni margarette kung ilang kids na meron sila nung babaeng pinakasalan niya. doon siya hindi na nakapag pigil at nag paalam munang umalis. pinagtapat ni margarette na sila ay magka banda noon na si rocky ang nam bitin sa kanila papuntang Japan(hindi niya sinabing ex lovers sila).

sa tuwing nagkikita sila ni rocky sa company, hindi nila matiis na hindi magkailangan.. pero itong si rocky, tuloy pa rin siya sa pagdalaw sa opisina ni margarette.

kaya't itong si margarette, naguguluhan na.. kinakausap siya ni dexter, hindi niya ito pinapakinggan.. lagi siyang wala sa sarili.

isang beses, nakiusap si dexter na dalhin ni margarette si rocky sa bagio doon sa hotel na ginagawa nila. ng biglang may nakakita sa kanilang isang ka banda noon. at nag set sila ng isang reunion doon ulit sa dati nilang tambayan.

sa reunion, binaggit ng halos lahat ang kuwento nila Margarette at Rocky nung magkasama pa sila. nalaman na rin nilang ikakasal na rin si margarette.(biglang pinatugtog ang dati nilang sinasayaw sa bar) lahat ay nagtayuan at sila ay sumayaw except for dianne and margarette na tinitingnan lang si rocky. ng nakisayaw na rin sxiya, maya maya pa ay hindi na rin niya napigilang mapaiyak at lumabas muna siya. sinundan ni rocky ito at kinausap..
"gary, bakit ka umiiyak?alam mo naman na nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak.."
at muntikan na nitong halikan si margarette pero pumihit bigla siya at hindi natuloy.

may isang beses pa ngang dinalaw bigla nila dexter at margarette ang bahay nila Rocky.. ayaw sumama nung una si gary pero napilit rin siya. nagulat ang mama ni rocky at biglang niyakap ng nakababatang kapatid ni rocky si gary. nakita rin siya ng papa nirocky.. mainit pa rin ito sa babae.

maraming pangyayaring tulala si margarette.. naguguluhan na tuloy si dexter. nag sorry si margarette at nakiusap kung pwedeng maghiwalay muna sila.. hahanapin lang niya ang sarili niya..

at alam niyo ba, ang gustong gusto kong scene rito eh yung nagpang abot si margarette at rocky sa parking lot at nag usap. sinabi ni rocky ang lahat na hindi natuloy ang kasal nila. na binalikan niyang lahat ang mga lugar na alam niyang pinuntahan ni gary. sinundan rin niya ito sa japan at ng nalaman na nasa pilipinas ito, bumalik ulit siya at pilit na hanapin. pero hindi sila nagkita..

ang sagot naman dito ni margarette, pinangako niya sa sarili niya kapag nagkita ulit sia ni rocky, papatunayan niya na naging maayos ang lahat kahit wala siya sa tabi niya! sinabi rin niya lahat ng pag durusang tiniis niya sa japan na naging TNT nga siya, nagtrabo sa isang Filipino Store, umiiyak at tinitiis ang lungkot! okay na raw sana ang lahat.. pero gumulong muli dahil kay rocky! ginulo raw niyang lahat!

pinagtapat ni margarette kay dexter na si Rocky ang dahilan nang kaniyang pagkatulala. nagsimula ang pagbabawal ni dexter sa dalawa na magkita. pero hindi ito nakatulong.

pinuntahan ni rocky sa bahay si margarette at pinaabot na lamang ang isang frame na nakabalot.. pag bukas ni gary, ito ang collage na galing sa japan na binaon niya. lalo siyang umiyak at nalungkot....

nagkita rin sila isang gabi at nagusap.. nagpaalam sa isat isa..

sa bahay naman ni rocky, nagbago ang ihip ng utak ng papa niya dahil na realize nito na hindi nga naman nakakatulong ang pagiging magagalitin niya.. wala na nga namang magagawa kung naghirap sila ..

si dexter naman.............. niyaya si Margarette sa isang restaurant.. kinausap ng seryoso.. binalikan ang nakaraan kung kelan sila nagkita at saan ..

~"boo, natatandaan mo pa ba kung saan kita nakita noon? diba sa filipino store yon? umiiyak ka noon at pilit kitang pinataw..pero hindi ko nagawa.."~ sabi ni dexter

~"sabi mo pa nga na iiwan mo na lang ako kasi hindi mo naman ako napatawa eh"..~ sagot naman ni gary

napaiyak ang dalawa sa sobrang lungkot na nang nangyayari sa relasyon nila. mayamaya pa , dumating si rocky.. nagtaka ang dalawa kung bakit ganon ang setting... sinabi ni dexter na ito ang mas magandang gawin kesa sa makita silang parehong naghihirap.....

napaiyak na lang ako sobra!!!!! alam mo yung, kahit anong nagyari sa inyo.. maganda man o panget, sa huli, kayo pa rin.... sa panahon ngayon, mahirap makakita ng ganong sitwasyon..

nadala ako sa flow ng kuwento kasi nasaktan rin ako... iniwan rin ako diba?? pero wala rin akong nagawa sa dulo......

sana makakita rin ako ng katulad ni Rocky na till the end, hindi kinalimutan si Margarett(gary) after 3 years..............

hope you liked it....

~out~

2/20/2004

okay.... i think i really have these feelings for ..... EHERM.... basta.... i wanna see him pero he doesnt go to the canteen.. mmm... sayang.. and im in the stall na parati kasi i have to control my YOSI habit.. EEUUWWW......

napasaya ko si Abbie and Andrew kagabi kasi i was immitating how Andrew walks.. and I was jumping and running like a litle kid .. reminded abbie the moment when Alex and I were still .. EHERM.... hmm.... im hapy for Alex and Jem .... mabuti na yung mag move on kesa naman sa pahirapan ko pa sarili ko rty??... sino bang maaapektuhan??...

GUYS!!!!
grabe! naka shoot ako ng ball yesterday!! the ring was on my back and i just threw the ball up then ka shoot na siya!!!! YEHEY!!!!! we screamed like hell kasi we got 2 points for it.. HEHEHEH..... PROUD~~~~



2/10/2004

grabe guys.. nakakahiya ako ngayong araw na to.. heheheh.. sumthin happened in my dorm(room cr ko).. tapos kanina naman sa canteen, when i sat, shocks.. my butt was wet! eeww.. its not my pee okay??! may basa lang talaga sa chair.. tapos kanina sa may kainan namin, may cute guy akong nakita tapos hindi ko alam, kinakausap na pala ako.. nanghihiram siya ng pepper tapos hindi ko siya pinapansin.. ang baho kasi!! and i was like.... "what the!! ang baho!!" with my face na nakaka irita.. kahiya talaga sa guy.. natawa pa nga siya sa kin eh.......

~out~

teka...

i think... im ... in .... CRUSH!! ^_^

2/04/2004

TIRED
Linda Barcelo


I’m tired of wearing masks,
I’m tired of being patient,
I’m tired of dreaming of you,
I’m a little stupid so don’t ask.

I’m tired of hiding,
I’m tired of thinking,
Still don’t know how to say my feelings,
All I’ve wanted is for you to feel the same thing.

I’m tired of watching,
I’m tired of smiling,
I’m tired of sitting,
The heck, but I’m still waiting!

It’s tiring to say, “I’m okay”,
I’m tired being okay.
Of course you know that I am not,
Come on, you also feel I’m not al right.

I’m tired being jealous
But I’m tired being too serious.
I’m tired being just your friend,
After all that you’ve said.

I’m tired of being blind,
And I still want to fight.
I’ll try again and give my best,
Just to show you what I meant.

2/03/2004

my reed exam was very easy! ewan ko ba kung bakit pa ko nag kandahirap na mag review.. heheheh.. pero ayos lang.. kayang kaya naman eh..


pagkauwi ko dito sa dorm, i worked with my take home exam in Litt then after that, i slept for 1 1/2 hr! then i ate with my room mates.. aah.. nakaka miss sila.. ang saya nga eh! para talaga kaming magkakapatid.. parang hindi nakakasawang kausapin sila kasi laging tumatawa.. tska madami akong bagong nalalaman about sa buhay nila.. how i wish na magtuloy tuloy ang pag do dorm nila.. sana nga.. :D

i have to study later in Art App! buysit talaga yun.. baka hindi na ko umabot ng buhay bukas pag nag take kami ng exam!! (exagge)..

goodluck na lang sa inyong lahat ah!

2/01/2004

hi everyone.. just got here from my house.. uhh, miss ko na Bhebiko.. nakikipaglaro pa ko sa kanya kanina sa garden.. uhh.. :(

advance happy valentine's na lang .....