8/15/2005

i am so oh!

la lang gusto ko lang ganitong title eh.. kanina pa ko nakatunganga sa PC, hindi ko alam ang gagawin kong title.. heheheh...

kanina, sa IJ, muntik na kaming mag report.. pero ready na ko kaso hindi na kami umabot sa time dahil after ng report about sa education nila abbie, franco, juno at peepo eh maraming na discuss.. you know, sharing of experiences..

ayon! naalala ko.. sa corruption ng mga schools whether private ba ito or public.. based on my experience, ganun nga.. may mga binabayaran nga kami sa school namin dati kahit public.. sabi nga ng reporter sa min sa class, hihingan ka ng floor wax then ang class fund, pang bili pa rin ng floor wax! ano ba yan! minemeryenda bg ng mga faculty ang wax ngayon?.. nabubusog naman kaya sila??... :D hehehe.. totoo naman ang sinasabi ko eh. diba?.. tapos ultimo mga bata, kailangang maglinis ng table nila, even in gradeschools! eh diba mga bata, mahina ang immune system.. pag nalanghap nila yung mga dust na naliliha nila sa tables nila, sasama ang system nila.. may magiging epekto yun.. tama ba yun??... dapat may mga hina hire ang school na janitors para gumawa nun!

meron pang sinasabi yung reporter sa min na na experience niya yung pinasubo sa kanila yung ginagawa nilang project dahil gumagawa sila sa room.. binilad sila sa gitna ng initan.. tapos subo nila yung papel! grabe noh? eh finold nila yun.. .. eh ang kapal daw nung paper ng classmate ko kaya dinaya niya, binawasan daw niya.. heheh.. pero sinubo pa rin niya yung natira.. gago nung teacher na yun noh! eh kung sa anak naya niya ginawa yon.. gago pala siya eh! alam niyo yun, napaka sama nila sa mga estudyante nila ng hindi naman nila alam na kapag sa anak nila ginawa yon or sa kanila pinagawa yon, magagalit din sila! para silang hindi teacher eh!

isa pa, yung pinipilit daw silang bumili ng ice candy na tinda ng teacher nila.. may plus daw.. at kung ilang ang binili nila, ganun din kadami ang plus sa grade! tingnan niyo ka gaguhan naman talaga! hindi lang sila gago! kundi mang gagamit! manloloko! its not about the grades of his/her students she/he is after to, ITS THE MONEY! hayop! napaka hayop ng ganitong sistema ng pag tuturo! hindi nila alam na pag nasobrahan sa matamis ang bata eh magkaka sakit sa lalamunan yon! siguro tinapay pede pa. JOKE! basta! nang uuto na sila ng bata! kagaguhan! eh pano naman ang mga bata na wala naman pangbili nang pagkain?.. eh di they will feel so TANGA and very POOR.. kasi wala na silang plus, wala pa silang pera pambili! oh diba, dalawa ang pedeng maging epekto sa mga bata! actually may pang ikatlo pa eh, masasanay ang mga bata na magpaka uto uto sa mga PAUTOT NA MGA GURO ! tangina na yan!

naiinis ako sa kanila kasi may mga pamangkin ako na bata.. alam ko na nararanasan nila to.. nagkukuwento nga si krizelle sa kin na sinaktan ata sila or pinatayo dahil hindi nila nagawa ang pinapagawa ng teacher nila..

excuse lang ha.. SHOULD WE CALL THEM TEACHERS IF THEY DO NOT KNOW HOW TO TEACH THEMSELVES THE PROPER ATTITUDES ONE MUST HAVE?(tama ba? :D )

nauurat ako!!!!!

isa pa, may mga hindi daw lisensyado na mga teachers sa public shool nila na nagtuturo! eh diba bawal na bawal yun?.. yung iba pa nga, hindi nakapasa sa board exam! the heck! kapal naman nilang magturo! nakakatakot na nga ngayon eh, hindi natin alam kung ang mga nagtuturo ba sa mga bata ngayon eh nakatapos at may lisensya na magturo! eh siyempre, hindi natin alam kung tama ba ang mga tinuturo nila sa kanila... baka imbis na matuto ang bata, makuha pa ang ugali nilang MANLOLOKO AT NANG UUTO! leche! kumukulo ang dugo ko sa kanila!

eto pa, sa bahay namin, inis na inis ang ate ko sa mga teacher ng anak niya.. ang daming pinadala kasi sa kanilang mga libro! eh hindi naman halos ginagamit! baket kamo?.. eh tangina, pinapa balot lang ata ang mga magulang ng bata ng plastic cover yung mga libro na yun eh! tingnan mo nga naman ang utak ng mga GURO na ito!

hindi dapat sila GURO kung tawagin! MANG GUGULANG at GURU GURUAN dapat!

haaay!!!

diba nakaka inis tong mga sitwasyon na ito??... kahit ako, nababahala na ko sa future eh.. sana naman sa time ng magiging anak ko(advance maxado!) eh wala naman sanang ganitong mangyari dahil susugurin ko talaga sila!

leche!


~out~

No comments: