8/26/2005

Anong status mo sa lipunan??
a) average
b) low class
c) high class
d) social climber

naiisip ko to palagi at naitatanong ko sa sarili ko kung saan nga ba ako nakalagay sa apat na choices na to.. ngayon, nag aaral ako sa isang maganda at isa sa pinaka tanyag na unibersidad sa buong mundo, ang Ateneo de Manila.

minsan sa isang pagtitipon, akoy tatanungin kung saan ako nag aaral at anong kurso ang aking kinukuha. lahat sila ay namamangha kapag naririnig nila ang pangalan nang nasabing unibersidad. lahat sila ay magsasabi na marahil ako raw ay isang anak mayaman o di kaya ay isang matalinong bata. hindi na ako makapalag o makapag labas man lang nang isang salita dahil sa sunod sunod nilang haka-haka.

oo, ako nga ay isang estudyante nang marangyang unibersidad na iyon. lahat halos nang nakakasalamuha ko ay puro mayayaman at may mga utak. pero tuloy pa rin sa pagtatanong ang isip ko kung totoo ba na lahat nang estudyante rito ay may binatbat?

minsan, ako'y nakaupo sa isang tabi at nakatuon ang aking paningin sa mga masasayang estudyanteng dumaraan sa aking harapan. may mga binata na ang gagara nang mga kasuotan, may mga signature ang kanilang mga kagamitan. may isa pa akong napansin na isang dalaga, terno ang kanyang makukulay na kasuotan subalit napaisip ako na mukhang hindi ata babagay ang ganitong damit para ipang-pasok niya. mayamaya ay napatingin ako sa isang tabi, isang simpleng babae na tahimik na nagbabasa nang kanyang libro. nakita ko ang kanyang kupas na sneakers at simpleng damit. bakas sa kanyang itsura ang pagiging isang mahirap. biglang sumagi sa isipan ko ang mga nasabi noon nang aking mga nakasalamuha na lahat nang estudyante sa Ateneo de Manila ay mayayaman!

naguluhan ako.. napaisip nang malalim.. hindi man ako mayaman at hindi naman ganon kahirap, bakit rin ako nakakapag aral sa isang magandang eskuwelahan? simple lamang ang sagot ko, marunong ang aking mga magulang na mag ipon nang pera para sa kinabukasan naming mga anak nila. nagiging maluwag na para sa amin kapag bayaran na nang tuition fees.

hindi man nga ako ganun kahirap sa buhay pero bakit naiilang pa rin ako sa mga taong lahat nang bagay ay kanilang nakukuha? siguro'y awa na lang sa sarili ko ang aking naiisip. alam kong mali ito subalit hindi ba't nakakababa nang sarili sa tuwing makikita mo ang iyong kakilala na may magarang sasakyan at kagamitan? marahil ay nararamdaman niyo rin ito.

sa hirap nang buhay ngayon, may mga kabataan na kahit anong kagustuhan nilang makuha ang isang bagay ay hindi nila ito makamit dahil sa kawalan nang pera. nakakaawa silang pagmasdan habang pinagtitinginan sila nang mga estudyante mula ulo hanggang paa at saka magbubulungan at magtatawanan.

ito bang uri meron sa mga unibersidad ngayon dito? ito ba ang natututunan nang mga kabataan ngayon?

may mga kabataan naman ngayon na sunod ang kanilang mga layaw. ito ang mga tao na nasanay sa karangyaan at kasarapan sa buhay. masasabi kong suwerte ang ganitong klase nang kabuhayan. ngunit hindi lahat sila ay masaya.. nagagawa lang nila ang mag ubos nang pera dahil ito lamang ang makakapag pasaya sa kanila.

sabi nga nang isang karakter sa isang pelikula: "life is not being popular but being yourself" .

sa hinaba haba nang aking pananaliksik tungkol sa kalagayan nang isang estudyante, nalaman ko rin na hindi mahalaga kung ikaw ay isang mayaman o mahirap bagkus ay magsikap kang makapag tapos nang iyong pag aaral at saka ka magpaka layaw! basta ikaw ay marunong makisama at magpakumbaba.

sana ay inyong nagustuhan ang aking salaysay.. salamat..

-anonymous-

¦ÖxŦ

No comments: