7/01/2005

sobrang sakit!

hindi ko na alam kung anong gagawin ko.. makita mong naglalakad ang mahal mo sa harapan mo nang hindi ka pa lapitan. halos bumagsak ang mundo ko nung naramdaman kong parang wala ng taong nagmamahal sa kin. yung taong iniingatan ko, taong minamahal ko, yung taong gusto ko makasama parati.... isang iglap lang, iiwan na ko. ayokong mawala siya, ayokong iwan ko siya, masakit..... hindi ko kakayanin..... madaming nagsasabi na marami pang iba dyan.. oo, marami nga. pero hindi ko naman mahal. madaling sabihin na madali ko rin siyang makakalimutan pero hindi yun mangyayari dahil mahal ko nga siya. marami na kaming napagdaanan pero lahat tiniis ko, tiniis niya lahat ng kasalanan ko sa kanya... ibig sabihin, marunong kaming magbigayan.. pero nasaan na? minsan mababaw na bagay, mapapalaki lang dahil sa bulyawan. hindi man lang niya bigyang konsiderasyon, mahal ko siya, alam niyo yun!

madali akong magmahal. madali akong masaktan. ayoko lang nang bigla akong iiwan, dahil damdamin niya'y gusto lang pagtakpan.

--- ayos ba? parang poem lang noh?--- yun ang nararamdaman ko eh... mahal ko yung tao eh...

parang lahat na ng problema sa mundo pasan pasan ko, parang gusto kong saluhin, kahit problema mo. konting bagay, konting gusot, wala ba dyang plantsa para walang maging lukot?..

kala ko'y madaling gawin ang iyong hamon, ngunit sa isang dako, malamig na luha, umaagos na sa aking mukha.... di mapigilan ang aking pag iyak, naisip ko ito'y isang hudyat! mga mali ko bang nagawa'y binagbabayad?

bumabagsak na mata, araw na ayaw magpakita, hudyat na magbubukang liwayway na, oras na para mag isa.

sa pag iisa, sana makasalubong kita.. maisip mo na SAYANG, PINAKAWALAN PA KITA...

~out~

No comments: