7/25/2005

for this day, na late na naman ako for investigative journalism class ko.. haay.. wala lang, sarap matulog eh! ikaw ba naman, matulog ka na ng 5am na na nung sunday kakahintay sa tawag ng boyfriend mo na hindi naman tatawag. kasi nung saturday, nagpahatid ako sa kanya tapos sabi ko tumawag siya dito sa bahay.. ayon... hindi naman siya tumawag.. siyempre, hindi ko alam kung nakauwi ba siya ng maayos or what.. ayon, naglaro na naman pala ng DOTA sa shop!

ayon.. i tried to go sa bio dept para sa proctor, pero naka leave pa rin siya..

nakapag bayad na nga rin pala ko ng tuition fee ko! heheheh.. grabe, sangkatutak na salita pa ang nakuha ko galing parents ko na parang sinasabi nila na hindi ako responsible sa lahat.. hay, etong nanay ko naman, gatungera sa tatay ko kaya lalong nagalit tatay ko! eh aba, ang alam ko kasi pedeng sa midterm na lang rin bayaran yung pang prelims.. eh sa nabigyan nako, eh di binayad ko na rin.. kasama ko nga pala si mark kanina nung nagbayad ako.. at nag away na naman kami. nainis kasi ako kasi bigla na lang nangiwan.. eh niyaya raw niya ko.. ewan ko ba dun! tapos ayon, hinampas ko na siya ng hinampas ng bag ko! eh naiinis ako kanina eh! thats all i can do para malaman niya na naiinis ako.. eh nilayasan pa rin ako.. wala akong magagawa .. pero okaw na kami ngayon.. naglalaro lang siya ng DOTA na naman.. hay.. nalimutan na nga niyang maglaro ng ROSE, DOTA na naman inaatupag..

nanood nga pala kami ni nieko kahapon sa sm pala pala ng FANTASTIC 4 and we call it F4.. nice huh! heheh.. ayon, maganda yung kwento, effects and everything... kaso nung inulit namin sa umpisa kasi na late ang dating namin, yung middle na ng movie, nakatulog ako.. heheh.. napuyat pa kasi ako dahil nga kulang sa tulog..

hay.. eto si sky, namo moroblema sa dorm niya.. saka sa isang admirer na ayaw siyang tigilan.. heheheh... ewan ko ba, lakas tama sa kanya eh! kahit anong gawin niya, ayaw siya tigilan.. naks! ganda ng friend ko! ^_^

hay.. sa dorm, wala pa si mary, hopefully umuwi siya ngayon.. wala lang.. hirap matulog pag ako lang eh.. wala lang.. hindi ako sanay ng may mabigat sa taas.. i mean, nasa taas kasi siya natutulog(double deck kasi)... ayon...

lapit na anniversary namin ni nieko!! yehey! sana tagal pa kami.. hay..

tomorrow, shit.. chem at stat ko na naman.. badtrip! haay.. napapamura na naman kami pag naaalala ang chem na yan lalo na yung test namin! shit talaga! kahit ba multiple choice lahat! ang hirap pare! sobra! ewan ko lang sa iba ha.. pero masasabi ko lang SHIT TALAGA! haaay...

may problem nga din pala si maggie, my bestfriend forever.. tungkol sa bf niya..

ewan ko ba, may curse ba tong pag po post ko dito? nung una diba sinabi ko lahat yung mga friends ko na happy sila with their love life. si sky, si jem at si maggie... tapos nalaman ko, wala na pala si sky at karlo.. sumunod naman si jem! ngumangawa pa nga eh! tapos ngayong sunday nalaman ko naman na nag break na rin si maggie at kevin! ano ba yan!! may curse ba mga sinulat ko dito?! hay nako! sana naman kami ni mark, hindi apektado dito.. heheh.. ayoko nga.. hay..

sana sis, magawang mong maayos na yang problem mo kay kevin! kung mahal mo pa siya, ikaw na bahala mag decide.. kung saan ka magiging masaya, dun ka na lang. hindi ko naman pedeng ipagpilitan pa kayo kung medyo may gap pa diba? ikaw na bahala .. mag decide ka na... yung tama... kaya mo yan, kaw pa.. lahat kaya mong lagpasan, bakit yang si kevin, hindi mo malusutan?.. kung mahal niyo isat isa, bakit pa kayo maghihiwalay??.. eh kung atensiyon lang naman ang demand niya, bakit, marami ka rin namang ibabato sa kanya diba? hindi naman sa naggagatong ako ha, siyempre, may mga mali rin siya pero pinapalagpas mo lang diba? may narinig ba siyang complain galing sayo? wala naman diba? oh, eh di i explain mo na lang sa kanya ang dapat gawin para walang problema.. ang babaw kasi ng reason nang break up niyo.. ang babaw niya! totoo lang! basta sis, nandito lang ako para sa yo.. ingat ka! sana makapag chat tayo ngayon! mwah! love you! sa number ko na ikaw mag text! mwah!

~out~

No comments: