7/26/2005

im fading...

hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang mga nangyari sa kin ngayon.. sobrang nahirapan ako sa chemistry namin.. pero naipasa na naman namin kahit papano.. tapos sa elem stat naman, ayon, nagkaron din kami ng seatwork.. shit nga eh.. hindi pa ko tapos sa chem dahil time na namin eh nasa library kami and we have to go to JFH505! hello, umuulan pa nun at kailangang umakyat pa kami sa napakataas na building! tapos bubungad sayo may quiz pa! grabe!

tapos may kaibigan ako na hindi ko alam na may galit pa sa kin or should i say na nagtatampo na pala dahil nasasaktan daw siya sa kin kapag naaalala niya ang boyfriend niya which was my exbf.. hello, to think na 3 years na kaming wala and im happy with my life right now with my boyfriend, MARK TESALONA, there's nothing to make tampo with diba? kung sila, eh di sila.. wala akong paki alam sa relationship nila.. basta ako, mahal na mahal ko si nieko.. alam ng lahat yon.. alam din ni mark yon..

at dun sa mga taong may concern at aware sa mga nangyayari, please tell me agad kung merong problema.. mahirap manghula.. hindi ko alam na napapag usapan na pala ko ng hindi ko alam.. baka ako na pala ang lumalabas na mali, na kung ano ano na napapagusapan niyo tungkol sa kin kahit hindi niyo pa rin nalalaman ang side ko. sa kin kayo magtanong.. sa kin kayo makipag usap.. hindi yung kayo kayo lang.. pano naman ako? kaya yon, lumabas na resulta, may tampo na pala yung taong iniingatan kong hindi mainis o magalit sa kin..

madaming problema ang mundo na mas mabigat pa sa pino problema ko ngayon, ang sabi nga ni sky.. para kasi akong tanga kagabi.. nagalit si mark sa kin.. ayon, nagkulong ako sa kwarto ni billy(dorm ni billy), nag iiiyak ako dun. sinasampal ko sarili ko hanggang sa mamanhid ng wala silang kaalam alam dahil nagkakasayahan sila sa may lobby ng dorm.. nagdecide akong lumabas.. lumabas nga ako para bumili ng red horse.. walang sumama sa kin.. pinigilan ako ni sky pero wala naman siyang magagawa.. gusto kong ilabas ang sama ng loob ko.. sa pamamagitan lang ng paginom, may makakamasa ako.. sarili ko..

nung tinapon ko na yung natitira sa beer, lumabas ako.. sinubukan kong makipag ayos kay mark pero walang nangyari.. nilayuan lang niya ko. sinundan ko siya sa pinuntahan niya , pumasok siya sa dorm ni billy, niyakap ko siya pero inalis niya mga kamay ko.. lumabas ako tapos naiwan sa loob si sky at mark.Napapatawa na naman ni sky ang boyfriend ko kaya ang sabi ko, buti pa si sky napapatawa ka.. tapos umupo ako kasama si billy habang nag gi gitara siya.. pagka tapak ni mark sa lobby, sabay patak naman ng luha ko sa kanang mata.. hindi ko mapigilan..

si sky, nalilito kung bakit ako naging ganun nung gabing yon. kung ako ang tatanugin, hindi ko rin alam.. ang alam ko lang, mahal ko si mark kaya hindi ako gagawa ng paraan para hiwalayan niya ko..

kinausap ako ni sky nung nasa banyo ako.. dun kami nag usap sa loob ng banyo. nakaupo ako dun.. nakatulala.. iniisip ko na bakit ganun, naghihinala siya sa taong nag text sa kin na kilala ko eh kahit hindi ko alam talaga kung sino yon! nilagay ko lang na name TAE TO! yun lang.. kasi parang tae yung taong nag tetext na yun sa kin dahil istorbo! tapos sasabihin niya na ang dali dali lang magpalit ng name sa phonebook! hello mark.. hindi ko talaga kilala yun! sabi ko nga kay sky, kahit patayin ako, wala silang makukuhang sagot kung sino yon..

ayon.. nahilo ako... pinag ayos na kami ni sky .. magkakasama kaming natulog nila sky at mark with the owner of the room billy.. okay na kami.. mahal na mahal ko si nieko..

kaya for those people who thinks na iiwan ko si mark, hindi mangyayari yun.. ngayon pa nga lang na boyfriend ko pa lang siya ganito na, diba? obvious na mahal ko talaga siya!

~out~

No comments: