7/18/2005

hay nako... eto na naman.. problemang pam pinansyal na naman ang iniisip ko hanggang ngayon. shit naman kasi! hanggang ngayon kasi hindi pa ko nakakapag bayad nang tuition fee ko. shit nga eh. ewan ko ba kung bakit kasi kailangang magbayad ng malaki parati! kawawa tuloy ang mga taong hindi makapag produce agad ng malaking pera! like me.. so sad kasi na hindi ko agad na inform ang tatay ko para makapag withdraw siya ng pera.. eh gabi na kasi kami nagkita then halos onti lang ang nasingil niya sa mga drivers. tapos sunday aalis na rin agad ako kaya ayon, hindi rin niya ko mabibigyan ng pang bayad.

grabe, exam week na naman.. bakbakan na naman ang pag aaral namin! kainis! ang bilis nang panahon. later on makikita ko na sarili ko with my batchmates na nag ma march na sa stage.. shit!!! tanda ko na! leche.. pero i still look young.. bweheh..

i went to windward with sky kaninang past 4pm.. ayon, akala ko makakapasok na ko sa mismong dorm niya pero wala pa raw sa kanila yung susi.. ewan .. may problema pa sa dorm nila kasi may nakatira pang dormer.. ang tanga ng may ari noh? tumanggap siya ng uupa pa ulit pero may nakatira pa.. inuubos lang raw nung nag re rent pa yung contract daw nun.. so we stayed sa dorm pa ni ryan.. nandun si denden, si yeosuf, si rajah, si ryan at clowie.. tapos nood lang kami ng TV.. astig nga eh may cable! nakapanood pa tuloy ako ng TOTALLY SPICE! favorite ko kaya yun! astig nun eh! call me "isip bata" pero mas maganda naman yung cartoons na yun with those ANIME noh.. heheh.. tapos biglang umulan ng malakas eh saktong niyayaya ko na nun sila sky na umuwi kasi nga papalabas na nang class si nieko.. ayon, inabot kami ng malakas na ulan sa daan.. eh hindi pa kami kasya sa payong. sumukob kasi si denden eh dapat sa min lang ni sky dapat yun. eh etong lalakeng to, mapa impress lang si sky, ayon kahit may sipon, sige pa rin, sumama pa rin sa pag hatid sa min. buti na lang may dumaan na tryc! ayon.. haay.. sa sobrang lakas ng ulan, nabasa masyado ang nieko.. wawa nga eh.. ayon, kasalukuyang natutulog dito sa loob ng shop.. heheh.. napagod siguro sa pagtakbo sa gitna nang ulan.. heheheh.. nilagyan ko nga ng panyo sa likod kasi baka malamigan ang likod, magkasakit pa siya.. wawa naman siya.. wawa rin ako kasi hindi kami magkakasama.. waaaaaa!!!!!!!!!!!!! hehehe...

hay. shit, naalala ko na naman ang exams ko tomorrow! my god! chemistry sabay comm research namin! GOOD LUCK sa kin! goodness!!! ang hirap na kaya ng chem tapos sabay memorization pa sa commres! goodness!!!

teka.. nakakaramdam na ko ng gutom... ano kaya makain??...

ei nga pala, grabe kagabi! nandun kami nila mark at billy sa dorm ni billy.. eh mag iinom kami nun.. wala lang.. tamang pampa antok lang. nabuksan na ni mark yung dalawang redhorse na maliit. tapos naglabas ng cassette si billy.. tapos nainitan siya kaya hiniram muna niya yung fan sa kabilang kwarto na iniwan lang muna nung bagong lilipat na dormer.. tapos habang umaandar yung cassette, ayon, sinaksak ni billy yung fan then BOOM! sumabog! takot namin ni billy kaya takbo agad kami sa may pinto! si mark, ewan ko, wirdo niya pinanood pa yung sunog! heheh.. tapos si billy nagsisisigaw na "TESA, TANGGALIN MO! TANGGALIN MO!" heheh. iisa lang kasi yung nasa isip namin ni billy na baka sumabog yung cassette or yung fan.. syempre, sunog yun! ayon.. nadali tuloy ni billy yung mesa , natapon din yung beer.. kalahati nga naubos eh.. sayang.. ayon.. tinanggal na nga ni mark yung saksak tapos lumiyab pa lalo! sunog nga yung kurtina eh! tapos ang daming sumigaw nung time na yun kasi dun daw sa may poste eh may lumiyab bigla dun sa mga wire.. tapos ang daming naglabasan.. yung iba, usisero, ung iba natatakot.. lalo na kaya yung mga dorm mate ni billy na babae! kahit nga ako natakot eh! pero buti si billy ang nakaranas nun kesa sa mga babae dun.. baka lalong magkasunog dun.. siyempre, duwag ang mga babae eh.. haaay.. accident prone nga daw tong si billy eh! nako, ayoko na sumama dun! heheh...tapos natatakot pa yung mga ibang dorm mate niya kasi siya lang ang lalake dun sa dorm.. siya lang ang unang lalakeng napag dorm dun.. eh yun nga, ang sabi, natatakot nga raw yung mga babae kasi lagi raw nagiinom si billy.. eh kasi sabi ni billy, yung inom niya na yun, pampa antok lang kasi hindi pa raw siya sanay sa room niya.. ayon.. eh no smoking, no drinking pala dun! sabi ko na nga ba eh pero sabi naman ni billy eh ayos lang raw dun sa pwesto namin kasi sa may labas naman.. sa lobby.. tapos nakita namin yung nanay ni ara na kapatid nung may ari nang dorm.. ayon, sabi nga na patanggalin kay billy yung mga bote ng beer sa CR kasi pupunta na raw yung may ari ng dorm.. hay nako si billy talaga!!!

wakekek!!

miss ko na si mahal ko.. dadiko! gising na! wag ka matulog! antukin! sige, puyat pa kasi eh! hay.. mahal kita nieko! mahal na mahal! mwahmwah!! lapit na tayong mag 1 year!!! so excited na talaga! everytime na nag po post ako rito, lagi kong nababanggit yun! hehehe.. sana july 28 na!! waaaaaaaaa!!!!!!!!!!!hehehe...

mahal kita nieko!!!

~out~

No comments: