12/17/2007
12/04/2007
ahoy! belated happy birthday! dka man lng nanlibre, dami mo na pera! chong malapit nko magresign, kaw nlng matitira jan sa convergys!
anyway, i wish you all the things life could bring! dont just get stuck with what you have right now, always aim for the best and not just for the better. bawas bawasan na ang pagpapakatanga sa mga bagay bagay -- mag-isip ng matuwid parati! hehehe -- payong ina?! basta dude, mahal kita alam mo yan! parati akong nandito para sayo! HAIL THE PAZZIS!
FROM ME
Hey Sky!! OMG!!!! I love you too!!! SHOCKS!! After 2months ko na nabasa tong msg mo na to! Ano ba yan ..kasi naman hindi ako masyadong nag ffriendster na .. hahah!!! miss you dude! Salamat! Mahal na mahal din kita! waaa ... yup! HAIL THE PAzziS!!! woohoo!!!!
I was absent kanina dahil nagpunta ako sa Dasma... I needed to see my hubby because we fought for something that it really turned to be so harsh .. Pero I took the risk .. Kahit hindi ako makapag RD OT, kahit mabawasan ng P500 ang sweldo because I was absent, kahit magalit ang TL ko sa kin, okay lang.. Basta makausap ko lang bf ko...
When I got there ... wala siya ... pero hindi ako natakot .. alam ko naman na hindi siya umalis ng town .... niloloko kasi niya ko na nag punta siya sa Tagaytay...
Palitan ng msasamang salita.. sumbatan ... sakit ... pero natiis ko na hindi umiyak sa van .. haha!!
Then nung dumating siya, I waited like 2 hours na wala siya .... ayun, yumakap siya.. but I never said a word.. Then until na nakatulog na ko sa room ... then he followed me .. then I cried ... Hugging me while Im on tears made me feel that Im being loved by this man ....
Crying really suck .. Especially whenever your eyes are all swolen ... hahaha!!!! So cool!
Well, I just wanna tell everyone that I love HIM so much .....
I am so lucky that I have you in my life ... kahit lagi tayong nag aaway ng wlang dahilan ... nag iinarte lang ako para maging madrama ang buhay natn.. kasi ang pangit nun kung puro lambingan .. diba?
ang i thank you dahil sa kagabi na sobrang sinuyo mo ko! I LOVE YOU SO MUCH!
~OUT~
11/30/2007
JUAN DELA CRUZ, ANONG NANGYAYARI NA SAYO??!!
PENINSULA HOTEL- MAKATI, 10AM ----- Eto ang simula ng panibagong pag aaklas ng grupo ni Sen. Trillanes at Magdalo. Marahil madami ang naging reaksyon niyo. Gayunpaman, lahat ay napamangha sa katapangang pinamalas ng senador.
Galing ako sa Dasma, Cavite ng mangyari ito. Napakinggan ko lamang sa radyo na may kaguluhang nangyayari na naman na pinamumunuan ni Trillanes at Magdalo group sa Makati.
12 noon, nakarating ako sa bahay... binuksan ko agad ang telebisyon upang makapanood ng nangyayari sa ating bansa..
Halong lungkot at saya ang aking naramdaman..
Malungkot dahil sa ang daming nadamay at nasira... at si Trillanes, siya na naman ang itinuturong pasimuno ng lahat.... at hindi niya naipatupad ng tama ang kanyang pinlano para sa pag aaklas..
Masaya dahil nakapag aklas sila at naiparating sa lahat kung gaano kabulok ang ADMINISTRASYONG ARROYO.. I believe in him ... People might say that he is just "KSP" or he's wasting time for this.. but in fact, he's not ...
TRUTH CAN ONLY KILL THOSE SOUL WHO'S IN THE ADMINISTRATION..
And I am so proud to all the MEDIAMEN who almost killed because of the teargas that those SHIT MILITARY MEN threw inside the HOTEL .....
I almost cry when I saw MEDIAMEN (ABS CBN technical crew and others) with handcuffs.. WHY WOULD THE ADMINISTRATION DO THIS SHIT?!?! WHY WOULD THEY CONFISCATE ALL THE BELONGINGS OF THESE PEOPLE?
Okay nga sana kung ako ang field reporter na nandun .. RARATRATIN ko TALAGA SILA! Mapatay man ako, at least naipaglaban ko kung ano ang karapatan ng mga mediamen!!!
Hindi dapat nila ginaganun ang mga taong nagtatrabaho upang maipakita lamang sa buong bayan kung anong nangyayari sa ating bansa!
Akala ng mga NASA POSISYON, naipakita na nila ang pagiging POWERFUL nila dahil sumuko na si TRILLANES at iba pa? HINDEEEEEEE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Sabi nga ni Trillanes, susuko na lang sila ... pero hindi naman ibig sabihin na tapos na ang laban ....
THAT'S BULLSHIT!!!!!!!!!!
Anong respeto?
Anong karapatan?
Anong Pantao?
Alam mo ba ang pinagsasabi mo????
Respeto ba ang tawag sa pag giba ang paninira na naman ng mga KAMPON mo ng mga kagamitan sa PENINSULA?!?!?!?!?!?! Gaya ng nangyari sa OAKWOOD, sinira ng mga KAMPON mo ang front door nun! At ganun na naman ang ginawa mo! NAKAKAHIYA KA!
Naturingang may pinag aralan ka, naturingang nasa tungkulin ka, wala kang ISANG SALITA!!!
Alam mo ba na ang daming nag sakripisyo sa loob ng HOTEL na yun ng hinayaan mong lusubin ng mga hayup mong militar at mag hagis ng TEAR GAS?!?!
HOY! GISING!
Alam mo ba na merong BISHOP na 81 years old na nandun sa loob! BISHOP YUN!!!!!
SORRY, wala na ang kakampi mo na si CARDINAL SIN ... (sumalangit nawa ang kaluluwa niya) .....
Nakita mo ba kung paano naghirap ang mga taong to kasama ang isa pang PRIEST sa loob ng HOTEL!?!?!?
KAYA ANONG KARAPATAN MONG MAGSABI NG KARAPATANG PANTAO?!?!? ALAM MO BA YUN?
NAKAKAHIYA KA!
Walang ginagawa ang grupo ni Trillanes, KARAPATAN nila ang IPAHAYAG ANG NARARAMDAMAN NILA!
Inalisan mo pa nga siya ng karapatan para sa tungkulin niy bilang SENADOR diba?
KUMANDIDATO siya bilang SENADOR! Pero anong ginawa mo?
Hindi mo siya binigyan ni isang PAGKAKATAON para makapahayag ng tungkulin bilang isang MAHUSAY NA SENADOR!
At ang mga MEDIAMEN, bakit mo kelangan kumpiskahin ang mga camera nila? Dahil sa mga footage na nakuhanan nila?
BALIW KA BA? BULAG?
TRABAHO NILA YON! TUNGKULIN NILA AT GAWIN AT TUNGKULIN NILA!
Pasalamat ka at nandito ang mga mediamen! Dahil kung wala sila, WALA KA RIN! Dahil kung wala sila, wala kang MAUUTONG MGA TAO dahil sa pag aadvertise mo ng mga kaplastikan mo sa lipunan!
Wag mong gawing dahilan na ang mga taong naninira ng administrasyon ang mga taong may SALA!
11/11/2007
11/08/2007
11/05/2007
November 04, 2007 namen siya napanood..
Hahaha!
Madalas kame makaranas ng mga customers na nakikipag away sa mga anak nila.. Habang nasa middle kme ng call, bigla silang makikipag away.. Eh napaka spoiled naman kase nila sa anak nila eh! Grabe.... I am inviting you all to watch HALLOWEEN!!! :) One hell of a ride! wahaha!! :) You will never feel the BLOOD ... joke.. hehe..
Tagal ko na dapat to pinost dito eh.. Pero madami na rin akong pinost dito na patama na rin sa kanila.. Hehe ... :) Npaka pangit nila!! Pati ugali!!
November4, 2007 ----- Nagpunta ako sa house ng bestfriend ko... Dahil tagal na namin ndi nagkita... At nagyaya gumala dahil wala daw siya magawa... At the same time, may pinunta rin ako sa kanila bout our business.. hhmm.. at nkakatawa pa dahil na delay ng na delay ang pag punta nmen agad sa SM dahil naiwan pa niya sa bahay nila ang phone niya.. Eh sabi niya sayang ang moments na mgkasama kame.. ayun! bumalik pa kame.. eh ako ang nagbayad agad.. At wala pang isang metro, ni hindi binalik nung mamang driver yung bayad.. bwiset.. hmp!
At ayun, nagpunta na nga kame ng SM .. at habang nsa jip kme, tawa kame ng tawa.. ikaw na maka rinig ng "SOBINSONS SOBINSONS ..." ... Yung dispatcher un ng jip!! tumatawag ng pasahero papuntang "SM-ROBINSONS" ... astig noh?! hehehe... :) sabi ni Maggie, pede na pang call center.. Ay nako! lagot sa customers, hindi siya maiintindihan .. hahah!! :)
Kakamiss si maggie.. lahat ng oras, pede kame tumawa.. Well, I know naman na lahat tayo, kahit na sino pede tumawa kahit sino ang kasama diba .. pero there's something on us na kapag magkasama, kahit siguro kuko, pede namen pagisipan ng nakakatawang bagay para lang magtawanan kame.. at hindi nauubusan nang mapapagusapan ... i never hear "crickets" sa ming dalawa :) That's why I also love her .... UUUUUUUYY,, tibo ... ay leche! hindi ako Tibo.. haha! :0 i just love my bestfriend so much :)
10/08/2007
9/15/2007
8/30/2007
bakit ang hirap mag paka nice s mga taong hindi naman karapat dapat maging nice.. yung mga tao naman na nice, dun naman ako laging nagagalit...
ang daming nangyari sa buhay ko sa loob ng mga araw na hindi ako nakapag post dito..
masama loob ko... hindi ko alam .. basta sumama ang loob ko..
basta ang alam ko, mahal ko asawa ko.. Si mark.. gusto ko na magka baby.. dati ayoko pa. pero ngayon, gusto ko na.. mahal na maha ko siya.. siya lang. wala ng iba.
sa mga taong kinaiinisan ko .. sa opisina.... sa iba pang lugar.. sa mall man o sa labas ng bahay... UKINAM!!!!!!!!!! ang nice ko sa inyo.... UTANG NA LOOB! sana lang magpaka bait naman kayO!
totoo lang... mas gugustuhin kong mag stay sa bahay..... hindi sumama sa kahit anong mga gatherings.. tutal, hindi naman ako nasanay na lumabas, gumimik.... mas gusto ko pa kasama mga mahal ko sa buhay, kesa sa KAYO na walang kaalam alam sa buhay ko! I HATE YOU ALL!!!!!!!!!!
plastikan na kung plastikan.. kala mo kagagaling sa opisina! sus! nalamangan lang naman kayo sa kaalaman eh! pero hindi niyo naman yan madadala hanggang kamatayan! wahaha! patayin ko kayo jan eh! leche!
bakit ba may mga taong bwisit??... may mga taong kala mo sila na lang may alam... im trying to be nice to them pero ganun pa rin... lintek.. eh mas okay na ko kasama ang asawa ko! kesa sa opisina! lintek!
o siya uwi na ko.. binuhos ko lang galit ko...
mahal! hindi mo pa ko tinetext! ano ba!
~out~
7/20/2007
^_^
ETO ANG MGA LITRATO NA MAGPAPATUNAY NA MAHAL NA MAHAL NAMIN ANG ISAT ISAT ^_^
dati pa tong pictures na to pero I still have it... ^_^
7/18/2007
- 1 thing you love about me:
- 2 things you miss about me:
- telebabad; nonsense topics
- 3 messages you like to tell me:
- miss you; love you; you're my hunnybunn...
- 2 words to describe me:
- crazy; horny
- 1 nickname you want to call me:
- hunnybunn
******** I would just want to make a comment about one thing
that Maggie described me??.... HUH?? horny?? Oh, I dont think so! wahaha!!!^_^
from MATET:
- 1 thing you love about me:
- eyelashes
- 2 things you miss about me:
- mukha mo; pag gaya mo sakin magyosi
- 3 messages you like to tell me:
- inuman na; thanks for the friendship; friends tayo huh..
- 2 words to describe me:
- astig but....... BAKLA
- 1 nickname you like to call me:
- sharmaine... heheh...
********* comment ko lang Matet ah.. of course friends tayo noh! ^_^ tska astig talaga ko! ^_^ hehe.. pero hindi ako bakla.. hehe... naks, sharmaine daw oh.. ^_^ well, thanks bakla! ^_^
7/17/2007
~out~
7/13/2007
How I miss these people so much!! They were my first family in this industry... They were the one who pampered me a lot! haha! Ako ang baby ng mga to eh. ^_^
I'm missing Carlo, my "kuya" in the house...Siya yung lagi kong kasama sa labas kapag sabay kame ng break.. He sings para sa kin pang trip lang kasabay ng mp3 niya sa phone.. He has a great voice..
Mga tropa like Cindy, Macor, Ana, Czar, Butch,Ghing, ate pam, ate phat.. and the boys Bien, Christian, Murks.... PARE!! miss ko na kayong lahat!!
To my close friends Aiza, May, mommy Mitch, Gail... uh-0h I forgot the other lady in the corner..
And also to my very best beltbagbaby buddy, Pete aka Pedro.... S*hit man!!! Miss na kita!!! The advices, yung yosi breaks.... all the bonding moments that we had!! I'm missing that so much!!
I remembered when Pedro noticed my flowerful sweater.. haha!! kalalaking tao, nagandahan sa sweater kong puro flowers.. and actually, I'm wearing it right now. hehe.. ^_^
I also miss other people in IBM.. TEAM MONSTERS!!! Go Go Go!!
JARVEY!
TL INA!!!
my team mates!! Si Mike na laging nakikigaya ng astig na expression namen ni Pedro! haha!! SI Kuya Jesse, na napaka kulit!!! Mahilig sa babae!! Wahaha!!
Para sa mga trainers like Nadj for our VA Training, Sachin for our Prod. Training, and Kuya Lao and Kuya Macoy for our Nesting!! ^_^ Whoohoo!! two thumbs up!!!!!!!!! I miss you all!!!! Thanks to you because you made me like this!! ^_^ at nag ggrow na! ^_^
Hay..... I'll be posting something naman dito about my other wave here in Convergys.. I just have to save pictures.. hehe.. unfortunately hindi ako makapag save dito eh. hmmm....
So, see yah then guys!
Hope you liked my posts. hehe..
~out~
7/12/2007
7/11/2007
ayun sis! natandaan ko na!! MAXI!! yun yung name nung isa pang cornic na matamis pero masarap!! haha!! ^_^ fave ko din yun!!! hehe.. ^_^ PWEDE DINGDONG?? hehe.. Para ORIG..
sa sobrang inis ko.. haha!! naisip ko, "eh kung matisod kita kaya!"..... AND I DID!! haha!! muntik na siyang tumilapon sa labas! kasi nagmamadali siya nung bumaba.. eh tamang na timing sa paa ko paa niya! hahahah!!! talon sa labas ang mokong! wahaha! tawa pa siya! saka ko natawa pag baba niya. hehehe!! maldita noh?? hehe... ganun ako ka gago sa mga taong gago sa kin! hahah!! GAGUHAN TAYO!!!!
7/10/2007
7/04/2007
Hindi ko alam kung bakit eto ang naisip kong title... heheh...
PURPOSE??? I dont even know what's my purpose of being here.... still breathing...
I am in pain right now..
Stressed..
Frustrated..
But I still have to go on...
Have to move on..
Sabi nga ng bestfriend ko,
"pano ka mamahalin ng ibang tao kung ang sarili mo, hindi mo magawang mahalin??"
Oo nga naman.... Pero naisip niyo rin ba na.... Pano niyo mararamdaman na dapat niyong mahalin ang sarili niyo kung ang ibang tao, hindi kayo magawang mahalin???
Pano niyo masasabi na dapat nga kayong magmahal muna ng sarili niyo??? eh kung ang ibang tao nga, hindi kayo magawang mahalin?? Diba??
Im trying to be strong......
Holding my tears....
Pero this is life....
And I know whats happening right now has a purpose..
Purpose na dapat kong lawakan ang pang unawa sa sarili ko..
At hanapin kung ano ba talaga ang gusto ko..
~out~
7/03/2007
hindi ko pa rin alam kung pano at ano ang dapat kong gawin... sorry mark, sa nangyari.. alam ko ddating sa point na tanggap niyo nang mawawala si papa.. at sana nanjan ako para makiramay.. pero ginusto ko naman magpunta pero ayaw mo nmn..
hay.. bukas bday mo pa naman... hindi ko alam kung dapat ko pang sabihin na Happy Bday... dahil sa nangyari.. hay.. nakakalungkot isipin na parang kelan lang nagkita kame ni papa nung nagpunta ko sa inyo... ang payat na niya.. at nanghihina.. pero alam ko, lumalaban si papa para lang maabutan pa rin niya kahit papano ang bday mo... sayang, hindi man lang ako nakapag paalam sa kanya..
kanina magkatext tayo.. nasaktan ako sa mga sinabi mo... hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin..
gaya nga nang sabi ko sayo kanina sa text....
"sinabi mong hindi mo na ko mahal pero tinanggap ko.... sinabi mong magkalimutan na tayo, kahit hindi ko kaya, tinanggap ko pa rin.. sinabihan mo ko ng kung ano ano, tinanggap ko pa rin.. nagbabakasakali ako na baka mag text ka kapag nag send ako ng blank message sayo dahil akala ko nagpalit ka na ng number. tinext ko si kuya, bow at joseph dahil nagbabaka sakali akong alam nila ang number mo if ever na nagpalit ka... "
totoo lahat to... i even texted Tina para lang kamustahin ka... at hingin number mo if ever may bago nga.. pero she never replied...
masakit sa part ko yung mga nasabi mo.. nag sorry ka.. oo.. sabi mo nga sa kin dati, sa mga nagawa kong kasalanan, napatawad mo na mo... ako rin, pinapatawad na kita.. kelangan ko lang na mailabas yung nararamdaman ko kanina kaya nakapag text ako sayo nang ganun...
feeling ko kasi na ginagago mo na ko..
after all you have said, biglang sasabihin mong mahal mo ko, na sorry na...
im not saying na wag mo ko sabihan.. pero just think of what you told me.... na magkalimutan na tayo.. palagay mo, kinaya ko ba? hindi! dahil nagbakasakali pa rin ako.... nagmatigas ka .... nagpaka manhid ka.. pinairal mo na naman ang pride mo... kahit wala na sa lugar.. ako na lang ba lagi ang magpapaka baba?? nasaktan din ako... nasaktan mo ko.. pina asa mo rin ako.. pero sana okay na... okay na tayo ngayon...
kahit ano pa ang mga nasabi mo sa kin, tanggap ko na yun.. basta wala akong ibang sinabi sayo kundi SPACE lang.... SPACE para sa tin dalawa para makahinga ang isat isa.. dahil pareho na tayong nahihirapan... pero wala eh.. SPACE versus mga statements na sinabi mo sa kin......... wala kong mahanap na dahilan para pigilan ang iyak ko.... kanina sa jeep, while I was on my way going here in the office, hindi ko mapigilan ang iyak ko.... napaluha na ko sa sobrang depressed.... nalilito ako...
pero all that I texted you, na andito pa rin ako para sayo... na parte ka pa rin ng buhay ko.. totoo yun! kung ano mang mangyari sa buhay mo, apektado pa rin ako.. dahil nandito kana sa buhay ko eh..
basta! sorry rin sa lahat lahat... I think we really need space.. pero sana yung promise mo na na magwwork ka, please gawin mo! para sa kakabuti mo naman yun eh.. I gave you a lot of advices pano ang gagawin sa interviews! pero inuuna mo kasi ang kaba eh! kaya ayan, walang nanagyari! matalino ka alam ko! kaya please lang! wag mo sayangin! at ayokong magpaka bum ka sa Quezon! please lang! humanap ka nang way na hindi ka nagugutom dahil may sarili kang pinagkukunan nang income, hindi dahil sa may farm ang tito mo.... wag ka umasa sa iba.. gumawa ka nang paraan para sa sarili mo...
12:08 AM na sa relos dito sa PC.....
Happy Bday Mark Anthony Arieta Tesalona...
6/28/2007
6/27/2007
Do I have to write this all over again?? like writing the pain I feel for everything that had happened??... I just read almost all the blog entries I had before.. And I was dissapointed that its happening again.. Yeah.. like Lala said, the never ending dramatic entries...
I'm so full of this shit! I tried to be nice, cool and making myself strong.... pero this guy, texted me saying fucking shit and accusing me that i'm fooling him daw... hell you! i never did anything bad to you! you were mad because I sent you a blank page?? what the! I pitty you so much..
you know what, thanks for making me feel that FEELING again... sayang, wala na si PYAR.. haha!!! gusto mong magkasakitan tayo ha! sige, sakitan na to...
sayang! dahil minahal pa rin kita.. kahit magkasama kame ni joey, ikaw pa rin ang iniisip ko! dahil may feelings pa rin ako sayo... alam mo, siguro kung hindi ko hinayaang mahalin pa rin kita, malamang masaya pa rin ako.. hindi na ko nasaktan ulit. sabi nga niya, bakit pa ko bumalik sa past ko.. alam ko ganun din ang mga sinasabi nila sayo na bakit mo pa ko binalikan.. sana pinakinggan na lang natin sila noh.. pero wala eh.. nagpakatanga pa rin tayo.. hinayaan nating magsama na naman tayo knowing na magssuffer na naman tayo...
I hate the feeling of hating you, you know that?????..... but youre forcing me to....
after 3 years, still we ended badly.. I thought I can make friends with you.. I thought were okay.. but yeah, were not...
i dont know what will happen next...
thanks for ruining my day.. you just accused me without seeing the time when you received the text... mas nauna akong magtext sayo! we had a 10minute break non then nagyoyosi ako... nagpapansin lang ako sayo.. kaya I sent you a blankpage... and so what if you texted me a blank page then i replied you the same??.... does it matter?? huh?? wala namang masama dun ah! you know what, gumawa ka lang nang ikagagalit mo eh.. tama bang sabihin mo sa kin na tinatarantado lang kita dahil akala mo gumanti ako ng pagsend ko ng blank page?? eh mas nauna nga ako eh!!!! naintindihan mo ba yon????!!!!!!!!!!!!!ako ang naunang magtext! at wala ka namang dahilan para magalit eh! dahil walang kwentang issue if I texted you a blank page!
nakakurat ka! tangina talaga.. muntik na nga ako mamatay twice yesterday! first was the jeepney we were riding had a flat tire..... buti na lang nasa gilid kame ng road... kung hindi, malamang nabangga na kame.. at siguro nasa hospital na ko ngayon... suffering.... siguro if nangyari yun, hindi mo ko magaganto... hindi mo ko masasaktan.. wala ka sigurong magagawang dahilan para awayin ako ng walang kakwenta kwentang text! second was i was about to get off the jeepney then nasa gilid din kame ng road non dahil bababa nga ako... then this freakin fx, nakabuntot pa rin sa likod ng jeepney....pagkababa ko, as in ilang metro na lang ang natitira....eh mabilis pa naman ang pagpatakbo niya.. oh diba, what a day!!???!!!!!!!! shit happens... muntik na ko mamatay noh?? haha!!! 7 lives left.. (ano ko, pusa?) ^_^
geeezzzzzzzzz!!!!!!!!!what a nice day....
well.. to end this shit, i just wanna thank Lala, my bestfriend Maggie, Louie and Rey-my officemates, Jen, Kevin-my bestfriend's bf.... and to those people who cares about me...
I miss my old life... in IBM.. Jarvey was right.. what we have in eBay was the easiest job in all call centers........shit! I regret that I resigned there... But hopefully, i can still be with that company.. and I miss my previous wavemates....
~out~
6/26/2007
thanks for reading my entries... this is the only time that someone stranger reading my blog.. haha.. well, thanks for the advices.. this would be so hard for me facing my new life ALONE.... i know there are still people who loves me... like my friends and family... but the thing is... PILAY NA ANG BUHAY KO....
Nieko was a great help changing my life.. before, I feel that I am unwanted.. unpretty.. but when he came into my life, it started to change... pero siyempre, were not perfect... nagbabago rin lahat... maybe now, we are destined to separate muna.. magkaron ng space... i'm the one actually who asked him about it.. though its so hard for me to break up with him, i have to do it.. we both suffer from each others behavior... we both need some space.. to breathe new air... refresh.. unwind...
on July 28, 3rd anniversary na sana namen.. quite tough para iwan nalang basta yun diba??
kanina magkatext kame.. actually, una muna akong nagtext before I sleep.. umaga na ako nauwi from work eh.. I texted him like I was saying that I am still here for him.. that I still want him back.. or basta ayoko siyang mawala sa buhay ko.. kahit friends lang muna.. and then pagkagising ko, eto... bumungad sa kin ang napaka worst na text.. he said na we should break our communication at wala nang pakialamanan.. hindi niya alam yung sakit na nararamdaman ko everytime he says that stupid words! it makes me feel more na wala akong kwentang tao.. I cried... cried.. cried.. and cried.. at ngayon.. VWALA!!!!!! ang ganda ng eyes ko!!! namamaga!!!! pakshet...
pero in the end, naging maayos na rin... sa ngayon, though I still care for him, nandito na yung feeling na STOP MUNA TAYO AS FRIENDS.. DAHIL MAKAKATULONG SA TIN TO...
we have a lot of differences.. Cancer siya, ako Virgo.. which never been a COMPATIBLE partners in terms of relationship.. pero kahit ganun.. minahal pa rin namen ang isat isa... siyempre, love is ACCEPTING ONES FLAW....
Love... mahirap na masarap.... pero kapag kelangan na ni KUPIDO na magpahinga... kelangan na ring magpahinga ng puso namen... pakshet ang baduy ko! ......
but to tell you the truth, ayoko siyang mawala sa buhay ko... basta yun na yun.. maging kame man o hindi in the end, basta, ayokong mawala siya sa buhay ko..
~out~