11/05/2007

IM BACK!!!!!! :)

Hi there people!!! :) im here sa comp shop outside ng village ... First time ko ever ulit makapag post here.. haY! sayang .. ang dami dami kong gusto ishare sa inyo kaso wala akong time pumunta dito sa shop.. Pano ba naman kasi, wala ng blogger sa Office namen.. HAY... Oh well.. hehehe....


First, gusto ko lang mag thank sa mga taong nagmamahal talaga sa kin.. Yung mga taong hindi lang nandyan kapag oras na kelangan nila ko... Na hindi maghihinayang sa oras kapag magksama kame...



FRIENDS FOREVER ..

With my Bestfriend at SM Sta. Rosa

November4, 2007 ----- Nagpunta ako sa house ng bestfriend ko... Dahil tagal na namin ndi nagkita... At nagyaya gumala dahil wala daw siya magawa... At the same time, may pinunta rin ako sa kanila bout our business.. hhmm.. at nkakatawa pa dahil na delay ng na delay ang pag punta nmen agad sa SM dahil naiwan pa niya sa bahay nila ang phone niya.. Eh sabi niya sayang ang moments na mgkasama kame.. ayun! bumalik pa kame.. eh ako ang nagbayad agad.. At wala pang isang metro, ni hindi binalik nung mamang driver yung bayad.. bwiset.. hmp!

At ayun, nagpunta na nga kame ng SM .. at habang nsa jip kme, tawa kame ng tawa.. ikaw na maka rinig ng "SOBINSONS SOBINSONS ..." ... Yung dispatcher un ng jip!! tumatawag ng pasahero papuntang "SM-ROBINSONS" ... astig noh?! hehehe... :) sabi ni Maggie, pede na pang call center.. Ay nako! lagot sa customers, hindi siya maiintindihan .. hahah!! :)

Kakamiss si maggie.. lahat ng oras, pede kame tumawa.. Well, I know naman na lahat tayo, kahit na sino pede tumawa kahit sino ang kasama diba .. pero there's something on us na kapag magkasama, kahit siguro kuko, pede namen pagisipan ng nakakatawang bagay para lang magtawanan kame.. at hindi nauubusan nang mapapagusapan ... i never hear "crickets" sa ming dalawa :) That's why I also love her .... UUUUUUUYY,, tibo ... ay leche! hindi ako Tibo.. haha! :0 i just love my bestfriend so much :)




I love this pose.. :)


Laugh Trip ....

La lang.. Wala ko maisip na pose .. katapos ko lang kainin ang cake :)

Nang dahil dito, nagka stain ang damit ko.. waa!!!

"The Maldita and Bratinella look"

Best friends For life...

Ang mga cake na tumambay lang ng saglit .. :) at naubos agad!! wahaha!!





No comments: