BRAVO BROAD JOURN batch 2002-2006
dati, nung pumasok ako sa unibersidad na to, kala ko mahihirapan akong makakita ng mga kaibigan. kala ko, magiging mapag isa na naman ako sa mundo..
pumasok ako nung una sa course na Political Science. pero isa lang tong paraan para makapasok ako dahil nasaraduhan na ako ng kursong gusto ko, at yon ang AB BRoadjourn.
kasama ko si Abbie, pag dating namin ng 2nd year, 2nd sem, sinubukan namin ang mag shift. sobrang hirap pala. lalo na pag wala kang kakilala. pareho kameng halos umiiyak na dahil gusto talaga namin ang Journalism pero bakit di kami makapasok?.. pero nagbukas ang pinto ng departamentong ito para sa aming dalawa.
bago pa lang kame makapasok, nakilala namin si George, isang tipikal na lalake.. na naaalala kong lagi siyang may dalang notebook at reviewer dahil sa Major subject nila. at yun ang Intro to Comm theory. sobrang thankful ako kay George kasi isa siya sa nag inspire sa kin para ipagpatuloy ko ang pagpasok sa Journalism.
nakapag petition kame ng Comm Theory.. dun na nagsimula ang lahat.. nagkaron kame ng buong isang grupo.. nandun si Franco, Sky, Peepo, Juno, Abbie, Mai, Anton, Pepet, Carla, Jem, P.A. at si Josh. pero hindi lahat ay Journalism.
nung summer, kame kame pa rin ang magkakasama.. nagkaron pa kame ng overnight sa bahay ni peepo. na sobrang nagpatunay sakin n mahalaga ang mga kaibigan ko na to sa kin.
pero nalungkot ako ng ika 1st sem na ng 3rd year namen. dahil nagka hiwa hiwalay na kame. kame na lang nila Abbie, Sky, Juno, Franco, Pepet, Anton at Peepo. pero naging masaya pa rin naman.
nagkaron ng grupong FOCAL POINT nang nagkaron kame ng production sa isang subject. masasabi kong sumikat to.. ^_^ dahil kame lang ang may ganitong shirt na may pangalan ng aming PRODUCTION NAME. at nakuha nga pala tong name na to galing kay Sky.. she's the reason.. ^_^
maraming nangyari.. maraming nagkasamaan ng loob. pero masasabi kong pag subok lang yon.. at nagpapasalamat ako dahil nagpatibay pa to ng friendship namen.
nakakalungkot lang kasi sobrang mahala sila sa kin... at mahal na mahal ko sila.
sana sa post ko na to, masabi nilang mahalaga sila para sakin.. at mahal ko silang lahat!
~out~
No comments:
Post a Comment