8/03/2005
i woke up so early in the morning to meet the 3rd year broad journ to make a survey.. i wish i can get the results by tomorrow..
after that, i just watched nieko playing DOTA again! damn that DOTA! i wanna kill the founder of that CRAP! shit! heheheh.. coz it makes all boys go crazy! they have a lot of time spending with that stupid game and yet they spend a bit of time for us, girls.. haay.. just like what happened yesterday, chloewie was sick.. her fever was kinda high.. and when i asked her wheres her boyfriend, she answered, ayon, naglalaro nang DOTA!
FUCK that DOTA! but someone just let me realize that at least, my nieko gets go crazy over that game rather than playing OTHER GIRLS around.. of course, i would rather want to have a KARIBAL which is a stupid game than girls.. thats too much!
then around 230pm, me, nieko and jeff went to muntinlupa.. we visited the PEPSI company.. they needed it for their company study.. well, as i was expecting, we had petty fights.. haaay.. it cant be avoided! umm.. should i still say that its normal? .. .. .. heheheh.. well, i think, normal pa rin naman sa min yun eh.. heheheh...
chemistry and statistics again! my gawd! i wish this term will end! i wanna face 2nd sem! well, i know itll be more harder for me coz i have 2 minor classes and 1 major that i should take.. umm.. GOOD LUCK SA KIN!
i was suppose to attend our volleyball practice but i wasnt able to make it! they were done when i got here... i think around 8pm or 830pm... but peepo told me i am still gonna play sa sportsfest! ^_^
i read abbie's blog.. so nice of her that she appreciates each and everyone's texts, call and posts everywhere.. how i wish she would achieve the success she wants! keep up the good work abbie! god will bless you and will take you to the right path... love you bezy!
to my sister maggie, i will stay beside you no matter what! if you need help, text ka lang.. or tawag ka.. love you sis! mwahmwahmwah! i hope okay ka na.. mwah!
to my nieko, sorry if was so maldita kanina.. kinda sleepy.. so tired.. y body's aching! haaay.. thanks din sa pag answer mo sa elem stat ko.. i wish correct lahat yun! well, sana talaga.. kaw ang nagsagot nun eh! kaw pa! talino mo sa math eh! ENGINEER MARK ANTHONY A. TESALONA! ^_^
i miss the old me.. mmmmm...............
good luck to all of us sa midterm!
love you nieko! mahal na mahal kita sobra! miss you asawa ko!
~out~
heheheh.. nice title eigh? well, just got it from our seminar yesterday on CAPS(Conference in Appearance, Personality and Speech).. just like before, the SPA seminar. anywayz, yesterday, we learned a lot! especially on the SPEECH lecture.. the speaker was a batchmate of a new prof here, Sir Gagalac.. and he was so good and fluent in english. he taught us how to pronounce the numbers, letters, days and months in english. he taught us how to identify the stress in each word we deliver.
so funny that he told us he wasnt good in english before, he only strived hard to learn coz he know he will often use that linggo.
umm.. he wad dinner at sky's "house" in windward.. nice dorm kaso its quiet magulo pa kasi their not yet done fixing their stuff. we cooked food.. had a little chat.. heheh.. maybe later, we'll go there again to make tambay lang.. heheh.. ^_^
im so oh proud of abbie talaga and sky! wala lang.. parang all of a sudden! naging BOOM na lahat ng dreams niyo! BOOM means, nangyari na! naks! keep up the good work guys! GOD SPEED! i love you all!!
dadibabynieko, love you so much! wag ka na nga kumebot jan, ma chuva pa kita eh! hmp! heheheheh... love you! mwah!
~Out~
8/01/2005
hay! eto ang pinaka sobrang problema ko.. actually, problema naming lahat! hindi kami makakapag OJT ngayong 2nd sem namin dahil may mga naiwan kaming minor subjects! pero alam ko, parang ico consider na kapag isa lang na minor! eh pano ko? eh may Economics pa ko tska computer 110! tangna talaga! pagka nga naman sinuswerte ka! haay!!! bakit naman ganun? eh yung previous batch naman, kahit may mga deficiencies sila eh nakapag OJT pa rin sila! bakit ganun? unfair naman sa side namin yun diba? kami tuloy ang kawawa! kasalanan ba namin na hindi agad ma accomplish yung mga natira naming subjects? eh nag shift nga kasi kami! yan tuloy.. ang mga FOCAL POINT MEDIA PEOPLE, namo mroblema kung pano namin reresolbahan ang OJT issue na yan! pero ako.. wala na eh.. nawalan na ko ng pag asa.. parang okay na rin sa kin na hindi ako muna mag OJT kasi kahit anong gawin ko, summer graduate pa rin ako.. kahit san ko isingit eh.. may matitira pa ring isang subject .. which is minor! the heck! fuck that minor! weheh! heheheh. ^_^ haaay.. laki nga ng problema ko! hay talaga! naisip ko naman, okay rin kung sa summer na ko mag OJT kasi para maluwag pa rin ang sked ko for 2nd sem.. pero sana payagan na kong maging 24 units! sana lahat kami payagan! sana talaga! hay! magpapa misa ko sa quiapo para lang magka milagro! wahah! sana magkasama sama kami nila abbie, sky, juno, peepo, franco, anton, pepet.. sila may, jem, peter, josh.. at kung sino sino pang may problema sa mga naiwang subjects! waaaaaaaaaaaah!
nga pala, i wanna congratulate sky, franco and peepo dahil dean's lister sila! hay! kung ang ayos lang kaming natitira, malamang nakasama rin kami. i mean nag ayos, umm.. hindi kami nale late.. heheh.. sakit na namin nila juno at abbie yung late eh.. heheh.. sarap matulog eh! baet? heheh.. ^_^ lalo na pag mahaba ang oras para matulog, nakakalimot na kami na may class pala.. heheh.. ako, inaamin ko na mejo tinatamad akong pumasok kung minsan! eh masarap nga matulog eh! heheheh....
congrats din kay abbie! were so proud of you! sana matupad pa mga dreams mo.. sabi mo nga, stepping stone yang pagiging candidate mo bilang isa sa mga candidates ng seventeen mag! i know magkakaron pa ng maraming offers!
ako.. medyo may mga na a achieve na rin naman akong mga dreams ko.. isa na yung maging masaya lahat ang tropa ko(focal point).. kung masaya sila, masaya na rin ako.. bihira man akong makasama sa kanila, hindi ko pa rin nakakalimutang isipin sila.. siyempre, tagal na rin nang pinagsamahan namin eh! saludo ako sa mga FOCAL POINT! grabe! ang tatag natin! sana may gumawa ng friendster account for us noh? hehehe. sana talaga!
to my sister maggie, basta alam mo na wala kang pagkukulang, wag kang susuko. marami pa jang iba.. nandyan pa naman si randy na todo suporta sayo.. nandito lang rin kami nila ate daist at jimboy para sayo.. daming nagmamahal sayo! dont feel na na dumped ka or what! theres more to life sabi nga ni abbie at eyah.. pati ikaw..pag pinagsasabihan mo ko. heheh..
to nieko.. mahal na mahal kita! alam mo yan! tatak mo sa isipan mo na hindi mawawala ang love ko para sayo! ikaw lang ang buhay ko.. wala ng iba.. ikaw lahat lahat sa kin! mahal na mahal kita dadibabynieko! happy 1 year and 4 days nieko! heheh.. sana tumagal pa tayo! alam ko, maraming hadlang pero kaya naman nating tiisin diba? basta alam natin na wala tayong ginagawang masama.. basta malinis konsensya natin.. na wala tayong natatapakang iba.. NAKO, BAKA MADUROG SILA PAG NATAPAKAN MO....wakekek!! ^_^ love you dadibabynieko! sobrang sobra!im so proud na nakalagpas tayo sa maraming trials na naharap natin! at pasalamat din ako sa mga napagdaanan natin, naging mas strong pa tayo.. salamat kasi nandyan ka pa rin lagi sa tabi ko.. kahit minsan, nasisingit pa rin yang break breakan kembot na yan! heheheh.. pero para sakin, kinakalimutan ko na lang yang mga chuva na break na yan! basta mahal kita! hindi kita iiwan! kembotin kita dyan eh! ^_^
mmmmmm..............
though sometimes, LIFE SUCKS.... hindi ko lang kasi tinitingnan yung mga good sides in my life.. my parents na kahit laging galit sakin, nandyan pa rin sila para alalayan ako at suportahan to achieve my dreams... salamat din sa mga friends ko na pilit iniintindi yung mga flaws ko.. lalo na kay abbie, eya, jem at sky na laging nandyan, laging nakikinig sa mga problema ko kahit minsan walang kwenta.. heheheh...
pasalamat din ako sa mahal kong bestfriend na si maggie.... were almost 14 years! hay! sarap isipin na magkasama pa rin tayo mula pagkabata hanggang ngayon! im so proud! hehehe.. grabe!
haay...
buhay... buhay nga naman!
salamat sa mga insipirasyon ko, nandito pa rin ako.... trying to be strong....
salamat ng marami!
~out~
7/29/2005
Baby! happy anniversary po! :) im so happy.. sana ganun ka din.. haay.. kakatamad ngayon.. nanlalambot pa rin ako.. kasi puyat kaming lahat .. umaga na ko natulog.. wala lang, kuwentuhan lang kami nung ka dorm mates ni billy(tropa ni mark).. ayon.. kasi nagkayayaan silang mag inom, nakisali ako, ayon, bagsak ako sa higaan.. heheheh.. buti na lang, hindi ako agad bumangon ng maaga kasi supposedly may class kami at 730am.. eh wala naman pa lang klase, buti hindi agad ako bumangon! heheheh.. yun, naka attend naman ako ng 2nd class namin.. :)
baby! miss na kita! you dont know how much i love you! ill do anything just to prove how much i love you! sana hindi na tayo magaway kahit imposibleng mangyari yun.. heheheh.. mahal na mahal kita nieko! ingat ka parati! mwahmwah!
paka buti na tayo sa class ha.. :) mahal kita!
mwah!
happy anniversary!
~out~
7/26/2005
hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang mga nangyari sa kin ngayon.. sobrang nahirapan ako sa chemistry namin.. pero naipasa na naman namin kahit papano.. tapos sa elem stat naman, ayon, nagkaron din kami ng seatwork.. shit nga eh.. hindi pa ko tapos sa chem dahil time na namin eh nasa library kami and we have to go to JFH505! hello, umuulan pa nun at kailangang umakyat pa kami sa napakataas na building! tapos bubungad sayo may quiz pa! grabe!
tapos may kaibigan ako na hindi ko alam na may galit pa sa kin or should i say na nagtatampo na pala dahil nasasaktan daw siya sa kin kapag naaalala niya ang boyfriend niya which was my exbf.. hello, to think na 3 years na kaming wala and im happy with my life right now with my boyfriend, MARK TESALONA, there's nothing to make tampo with diba? kung sila, eh di sila.. wala akong paki alam sa relationship nila.. basta ako, mahal na mahal ko si nieko.. alam ng lahat yon.. alam din ni mark yon..
at dun sa mga taong may concern at aware sa mga nangyayari, please tell me agad kung merong problema.. mahirap manghula.. hindi ko alam na napapag usapan na pala ko ng hindi ko alam.. baka ako na pala ang lumalabas na mali, na kung ano ano na napapagusapan niyo tungkol sa kin kahit hindi niyo pa rin nalalaman ang side ko. sa kin kayo magtanong.. sa kin kayo makipag usap.. hindi yung kayo kayo lang.. pano naman ako? kaya yon, lumabas na resulta, may tampo na pala yung taong iniingatan kong hindi mainis o magalit sa kin..
madaming problema ang mundo na mas mabigat pa sa pino problema ko ngayon, ang sabi nga ni sky.. para kasi akong tanga kagabi.. nagalit si mark sa kin.. ayon, nagkulong ako sa kwarto ni billy(dorm ni billy), nag iiiyak ako dun. sinasampal ko sarili ko hanggang sa mamanhid ng wala silang kaalam alam dahil nagkakasayahan sila sa may lobby ng dorm.. nagdecide akong lumabas.. lumabas nga ako para bumili ng red horse.. walang sumama sa kin.. pinigilan ako ni sky pero wala naman siyang magagawa.. gusto kong ilabas ang sama ng loob ko.. sa pamamagitan lang ng paginom, may makakamasa ako.. sarili ko..
nung tinapon ko na yung natitira sa beer, lumabas ako.. sinubukan kong makipag ayos kay mark pero walang nangyari.. nilayuan lang niya ko. sinundan ko siya sa pinuntahan niya , pumasok siya sa dorm ni billy, niyakap ko siya pero inalis niya mga kamay ko.. lumabas ako tapos naiwan sa loob si sky at mark.Napapatawa na naman ni sky ang boyfriend ko kaya ang sabi ko, buti pa si sky napapatawa ka.. tapos umupo ako kasama si billy habang nag gi gitara siya.. pagka tapak ni mark sa lobby, sabay patak naman ng luha ko sa kanang mata.. hindi ko mapigilan..
si sky, nalilito kung bakit ako naging ganun nung gabing yon. kung ako ang tatanugin, hindi ko rin alam.. ang alam ko lang, mahal ko si mark kaya hindi ako gagawa ng paraan para hiwalayan niya ko..
kinausap ako ni sky nung nasa banyo ako.. dun kami nag usap sa loob ng banyo. nakaupo ako dun.. nakatulala.. iniisip ko na bakit ganun, naghihinala siya sa taong nag text sa kin na kilala ko eh kahit hindi ko alam talaga kung sino yon! nilagay ko lang na name TAE TO! yun lang.. kasi parang tae yung taong nag tetext na yun sa kin dahil istorbo! tapos sasabihin niya na ang dali dali lang magpalit ng name sa phonebook! hello mark.. hindi ko talaga kilala yun! sabi ko nga kay sky, kahit patayin ako, wala silang makukuhang sagot kung sino yon..
ayon.. nahilo ako... pinag ayos na kami ni sky .. magkakasama kaming natulog nila sky at mark with the owner of the room billy.. okay na kami.. mahal na mahal ko si nieko..
kaya for those people who thinks na iiwan ko si mark, hindi mangyayari yun.. ngayon pa nga lang na boyfriend ko pa lang siya ganito na, diba? obvious na mahal ko talaga siya!
~out~
7/25/2005
ayon.. i tried to go sa bio dept para sa proctor, pero naka leave pa rin siya..
nakapag bayad na nga rin pala ko ng tuition fee ko! heheheh.. grabe, sangkatutak na salita pa ang nakuha ko galing parents ko na parang sinasabi nila na hindi ako responsible sa lahat.. hay, etong nanay ko naman, gatungera sa tatay ko kaya lalong nagalit tatay ko! eh aba, ang alam ko kasi pedeng sa midterm na lang rin bayaran yung pang prelims.. eh sa nabigyan nako, eh di binayad ko na rin.. kasama ko nga pala si mark kanina nung nagbayad ako.. at nag away na naman kami. nainis kasi ako kasi bigla na lang nangiwan.. eh niyaya raw niya ko.. ewan ko ba dun! tapos ayon, hinampas ko na siya ng hinampas ng bag ko! eh naiinis ako kanina eh! thats all i can do para malaman niya na naiinis ako.. eh nilayasan pa rin ako.. wala akong magagawa .. pero okaw na kami ngayon.. naglalaro lang siya ng DOTA na naman.. hay.. nalimutan na nga niyang maglaro ng ROSE, DOTA na naman inaatupag..
nanood nga pala kami ni nieko kahapon sa sm pala pala ng FANTASTIC 4 and we call it F4.. nice huh! heheh.. ayon, maganda yung kwento, effects and everything... kaso nung inulit namin sa umpisa kasi na late ang dating namin, yung middle na ng movie, nakatulog ako.. heheh.. napuyat pa kasi ako dahil nga kulang sa tulog..
hay.. eto si sky, namo moroblema sa dorm niya.. saka sa isang admirer na ayaw siyang tigilan.. heheheh... ewan ko ba, lakas tama sa kanya eh! kahit anong gawin niya, ayaw siya tigilan.. naks! ganda ng friend ko! ^_^
hay.. sa dorm, wala pa si mary, hopefully umuwi siya ngayon.. wala lang.. hirap matulog pag ako lang eh.. wala lang.. hindi ako sanay ng may mabigat sa taas.. i mean, nasa taas kasi siya natutulog(double deck kasi)... ayon...
lapit na anniversary namin ni nieko!! yehey! sana tagal pa kami.. hay..
tomorrow, shit.. chem at stat ko na naman.. badtrip! haay.. napapamura na naman kami pag naaalala ang chem na yan lalo na yung test namin! shit talaga! kahit ba multiple choice lahat! ang hirap pare! sobra! ewan ko lang sa iba ha.. pero masasabi ko lang SHIT TALAGA! haaay...
may problem nga din pala si maggie, my bestfriend forever.. tungkol sa bf niya..
ewan ko ba, may curse ba tong pag po post ko dito? nung una diba sinabi ko lahat yung mga friends ko na happy sila with their love life. si sky, si jem at si maggie... tapos nalaman ko, wala na pala si sky at karlo.. sumunod naman si jem! ngumangawa pa nga eh! tapos ngayong sunday nalaman ko naman na nag break na rin si maggie at kevin! ano ba yan!! may curse ba mga sinulat ko dito?! hay nako! sana naman kami ni mark, hindi apektado dito.. heheh.. ayoko nga.. hay..
sana sis, magawang mong maayos na yang problem mo kay kevin! kung mahal mo pa siya, ikaw na bahala mag decide.. kung saan ka magiging masaya, dun ka na lang. hindi ko naman pedeng ipagpilitan pa kayo kung medyo may gap pa diba? ikaw na bahala .. mag decide ka na... yung tama... kaya mo yan, kaw pa.. lahat kaya mong lagpasan, bakit yang si kevin, hindi mo malusutan?.. kung mahal niyo isat isa, bakit pa kayo maghihiwalay??.. eh kung atensiyon lang naman ang demand niya, bakit, marami ka rin namang ibabato sa kanya diba? hindi naman sa naggagatong ako ha, siyempre, may mga mali rin siya pero pinapalagpas mo lang diba? may narinig ba siyang complain galing sayo? wala naman diba? oh, eh di i explain mo na lang sa kanya ang dapat gawin para walang problema.. ang babaw kasi ng reason nang break up niyo.. ang babaw niya! totoo lang! basta sis, nandito lang ako para sa yo.. ingat ka! sana makapag chat tayo ngayon! mwah! love you! sa number ko na ikaw mag text! mwah!
~out~
7/22/2005
were practicing hollaback girl for CLA G.A. well, nung una nahirapan ako kasi i still feel guilty for what happened yesterday. anywayz, good luck na lang sa kin kung masasa ulo ko pa rin yun till wednesday! heheheh.. i wish..
miss ko na si nieko.. kahit malapit lang siya sa kin ngayon.. he's watching computer games right now... dapat maglalaro sila ng absketball ngayon kaso walang mahanap na place.. hanggang ngayon, naghihintay pa rin kami sa mga kasama nila kasi naghahanap pa ng available court.
i love you nieko!
good luck sa kin sa prelim grades ko... *sigh*
~out~
7/21/2005
to those people who kept saying their side about the proctor, thank you very much for fighting for our rights. pero alam ko, nagkamali talaga ako ron. kaya sana po wag na natin ulit mababanggit.
thank you peepo kasi kahit papano, ayaw mo na rin masyadong mapag usapan pa ulit yon. okay lang kung nasabi mo yun kay sky.. at least kapag na bi bring up pa ulit mula sa ibang tao, parang nararamdaman ko na pinipigil mong mapag usapan. salamat. youre a true friend.
kay nieko, sorry sa nangyari... actually, dapat kanina ko pa nasabi sayo kaso walang time nga dahil madami akong ginagawa tska may nilakad ka rin na iba diba? pasensiya na kung last person kang nasabihan ko kasi gusto ko, tayo lang ang makakapag usap.. kasi para maging clear lahat.. ayokong may gagatong or what ever... chuvaness.. ^_^ basta.. stay with me.. i love you very much nieko.. kung alam mo lang... sana kahit alam mong napakasama ko na, sana nandyan ka pa rin... kaya mo ba?*he kissed me!*
sana hindi na lang ako nag test kanina.. kaya pala may feeling ako na parang ayokong mag exam .. yun pala, may mangyayari.. hay .. now i know, kapag may pangitain na, hindi na ako tutuloy.. okay lang kung special exam.. basta maiwasan ko lang ang any kind of DISASTER.. heheh..
thank you abbie nga pala kanina kasi when you realized na ako lang ang nahuhuling walang kasabay pababa na tayo nun nang PCH building papuntang JFH, hinintay mo pa rin ako.. and sana hindi magbago ang tingin mo sa kin dahil sa nangyari.. i love you abbie..
kay sky! .. thank you sa lahat.. tska, sorry sa nangyari sa dorm.. heheh.. ^_^ umm, good luck sa exams mo .. ingat!
love you nieko!!!!
~out~
7/19/2005
i dont know why i feel this way towards that bullshit gurl! i really wanna transfer to other dorms. why should i encounter another kind of person like her! i cant move freely inside! ewan ko! parang nalimutan ko lang yung pag hubad ko ng sapatos coz he reminded me kagabi na kakalinis lang nila ng dorm so kailangan i maintain yung cleanliness.. pero i dont know why she reacts like that every time na may kinaiinisan siya sa loob! tangina! bullshit! leche! gago siya! sarap niyang idikdik sa suka para mamuti naman siya kahit papano! leche! kainis! feeling napakaganda niya eh hello! buti you have the brains! my GAWD! im so good to you that i never said any comments about you sa mga dorm mates natin! tangna! nauurat na ko sayo!!!!!! kung alam lang ni (gurl na nainis ka one tym) na kinainisan mo rin siya! leche! ewan ko ba na onting bagay lang eh ginagawang mong big deal! eh ang dali lang naman linisin yung tiles na yun! like hello!!!!!! kainis ka na talaga! i wanna go out of that dorm thats why i havent slept in my dorm for like 3 days!!! kainis kasi! i dont want to see her face! hindi ko siya makapa eh! i mean hindi ko sure kung pano ko siya i a approach kasi minsan okay siya minsan naman hindi! tangna naman talaga oh! kainis na siya! yeah, im beginning to hate people again! especially HER!! i really hate her! dati pa naman eh! actually, hindi ko naman talaga siya feel nung una pa lang.. kaya nga nag sisisi ako kung bakit dun pa ko naka isip na lumipat after that MAMA MARIA DORMITORY SHIT!
why do i have to experience this!!??!! ive been good to her! i never comment anything kahit may sama ako ng loob sa kanya! yah, im giving up.. ako na ang aalis! ako na ang lalayo...
sabi nga kanina ni momi rosa, sna daw ako tutulog.. sabi ko, "ewan ko..lalayo muna ko.. bahala na."
ang hirap kasing mag adjust sa ugali nang isang tao lalo na pag paiba iba nang ugali.. am i correct?!!! kainis lang talaga kasi im being so plastic to myself na nga eh! i mean kahit urat na urat na ko sa ugali niya, im still thinking of good days we had!
narinig ko kasi sa kanya kanina while i was changing clothes.. the door was still open and she was saying something.. when i locked the door, i heard "naiinis ako.."
sabi nung isang dorm mate ko, "bakit?"
she replied and the only words i heard were "maglalagay nga ako ng kasing laki ng pinto".. the heck of her! tangna! like what i said, nalimutan ko!!! at nag sorry naman ako eh kasi nabigla ako! at least naging aware pa rin ako na nagkamali na ko! like hello!!! kapag naiinis naman ako sa kanya, hindi ako nagsasabi sa mga dorm mates namin! and i really dont have plans to tell them! i dont want them to think na against ako sa mga kasama ko sa dorm..BUT I REALLY WANNA SHOUT KANINA WHEN I HEARD HER NA "TANGNA MO! YABANG MO! FEELING KA! PRANG WALA TAYONG PINAGSAMAHAN AH! GANDA NANG PAKIKITUNGO KO SAYO TAPOS GANUN LANG! SINISIRA MO KO SA MGA KASAMA NATIN TAPOS IKAW, NEVER AKONG NAGBITAW NG MASAMANG WORDS SAYO SA MGA KASAMA NATIN!"
ewan ko.. kaya siguro wala nang pumatol dun eh! ang arte kasi... ang babaw niya kasi.. onting bagay lang! leche! siguro pinagtya tyagaan na lang siya nung ex niya or hindi ko lang alam kung sila parin.. ewan! the hell i care right!!!! pucha!
good luck na lang sa career niya! yabang niya! or ewan ko.. baka talagang hindi lang namin feel ang isat isa!
i hate .. really!!!!! lalo na yung isang baboy na lagi niyang kasama! buti nga hindi namin kasama sa kwarto yun eh! isa pa yung paki alamera eh! naiinis ako dun everytime na makikita niya kong paalis tapos tatanungin ako nun or pupunahin na "san ka na naman pupunta?" parang hello! paki mo ba sa buhay ko!?! siya lang kaya ang nang iintriga sa kin ng ganun! di bale na lang kung close kami noh! tangna! i hate them! gusto ko na talagang umalis sa dorm na yun! i wanna dorm in windrward with sky!shit!!!! i hate them!! i hate them!!
mga paki alamera, mga pinanganak sa sama ng loob kaya kumukulot ang buhok! magsama sama kayo! i hate you!!!
~out~
grabe ang hirap ko ngayon huh! as in nangangarag na ko sa chemistry! ewan ko ba kung bakit pa kasi namin kailangang i take ang minor subject na yun eh ang layo naman sa Journalism nun.. yeh we need to take that kasi nga nasa curriculum! pero the heck, the fact that its minor, pinapahirapan kami masyado na parang mas mataas pa ang standard nun kesa sa majors namin! buti nga hindi na naalala nung prof namin yung tungkol sa project namin na advertisement nang mga products eh! aba, prelims pa lang yun gusto na niya kami mag produce ng ganun! eh sa major nga namin eh finals na pinapasa yun! swerte siya! grabe nga ang exams namin eh! though multiple choice lahat halos eh nakakawindang naman1 parang lilituhin talaga kami dun sa mga choices! as in! kakaiba talaga mga exams ng physical science! leche! nakakaurat!
buti na lang nakapag aral ako ng around 9am sa comm research naminkaya medyo may nasagutan naman ako. sa dulo kasi essay kaya ayos na rin.. pero hindi ko pa rin sure kung tama ang pinag lalalagay ko run! hay nako! late pa nga ako. pano si mark, tagal maligo.. pero naka habol pa nga ako kaya ayos lang rin.. ayon, wala pa rin akong permit exam.. hay .. hirap talaga pag mahirap ka pinanganak noh! pero at least ako, tanggap kong mahirap talaga kami.. hindi na ko umaasa na magkaron nang magagarang kagamitan.. -- naks, lalim! .. heheh.. pero siyempre, minsan naiisip ko, lalo na pag dating sa pagbabayad. shit talaga! ang hirap pag hindi na ko naka connect sa CAP! ang hirap tuloy maghagilap ng pera! hay nako.. ayon, baka mindterms nako magbayad.. nako.... hirap talaga ng buhay ngayon.. kasi naman si tatay, ang aga niya mag retired(pero totoo lang, kelangan na niya kasi matanda na siya).. heheheh... :)
hay.. naiisip ko na naman tuloy ang thesis ko.. gastos na naman dahil sa mga kailangang materyales.. sambot ko lahat dahil wala nga akong partner.. pero kung papasa naman, at least parang nabayaran na rin yung hirap ko diba? haaay...
nagkita kita kami nila jem at sky sa green cab.. ayon, i gave them letters.. hehehe.. lam niyo naman ako, hilig magsulat.. umm... problemado pa rin si jem dahil depressed sa nangyari sa kanila ni bon.. eh siya naman kasi ang nakipag break eh.. pero mas maganda na yun para medyo mawalan naman siya nang problema... pareho rin kasi kami nun na paranoid eh.. haaay..
grabe, parang kelan lang, nakasama ko pa sila jem at sky sa communication theory namin nung 2nd yr 2nd sem. heheh.. pinagti tripan ko pa nga nun si jem (hindi pa kami close nung time na yun) kasi habang nag re report siya, lagi niya nasasabi "PARANG".... nakakadami nga siya kaya kada sabi niya nun eh nililista ko!! hehehe.. kinuwento ko nga sa kanya yun eh, natawa lang siya sa sarili niya.. heheheh.. at etong si sky eh naiilang pa ko sa kanya dati dahil parang ang sungit... pero take note, yung mga hindi ko aakalain na magiging ka close ko eh sila pala tong makakasama ko parati! heheheh... nga naman, birds with the same feathers flock together! wahahah!! yosi, inom, chikahan ang trip namin! lalo na last summer 2004-2005, astig kami kasi lagikaming nag bi billiards kasama ng isa pang pasaway na si gela! hehehe.. isa pa nga pala sa tropa ko si gela, nakilala ko lang siya sa dati kong room mate.. kaso wala nun ngayon dito.. tapos bigla na lang kaming naging close.. lagi na kami nagkakasama.. at dun nagsimula yung tropa namin! hehehe.. trip talaga namin nung mga yun, bilyaran, yosi... tambay sa harap ng skul! astig! heheheh.. walang kwenta.. heheheh.. nakakamiss ang bonding naming apat! shit!
tapos ngayon, 4th year na kami.. magkakasama pa rin kami.. kaso hindi na namin nagiging kaklase si jem.. si gela malayo course sa min kaya never namin magiging kaklase yun.. wag na lang iwish na maging magkakaklase kami, patay na! asahan mo, swithching na naman sa pag aabsent! heheh.. naalala ko tuloy yung REED105 namin.. minsan lang kami magkakasabay nila sky at jem! pag absent ang isa, dalawa kaming nasa room.. ganun parati.. wala lang, nagkakataon lang.. pero kakamiss yun! i mean kakamiss yung magkakaklase kami! si jem kasi hindi kinuha yung commres namin eh! sayang... hay.. ang tanda na namin! tapos makikita ko na lang bigla ang sarili ko na naka graduate na ko.. hay.. magkakasama pa kaya kami?? malamang bihira na.. lakas ng mga trip nila eh.. lagi sila sa gimikan.. alam mo naman ako, malayo sa syudad.. eh yung mga yun, laking manila.. or night life.. bihira lang ako maka gimik eh! last 1st yr lang to 2nd yr lang ako nakatikim ng eastwood nights eh! heheh.. kakahiya man ishare pero thats the truth! wala rin kasi akong pera.. nagpapaka totoo lang.. heheh.. ^_^
hay.. bukas exams na namin ng IJ at post prod ata yun! 12 noon ang simula tapos sumunod eh 4pm - 5:30pm.. lupit noh?? layo ng agwat! buti nag dodorm ako para hindi hassle.. haaay...
guys! inom tayo sa friday! coolness!! sama ko si mark ha! mwah!
love you mark! mwah! advance happy 1st year anniversary! mwahmwah!!! i love you so much! sorry nga pala kagabi! mwahmwah! love you!!!! mwahmwah!!!!!ingat po ikaw lagi! love you!!!.. heheh.. ulit ko...
^_^
good luck sa exams po!
~out~
7/18/2005
THE INTERVIEW WITH GOD
I dreamed I had an interview with God. “So you would like to interview me?” God asked.“If you
have the time” I said. God smiled. “My time is eternity.”“What questions do you have in mind
for me?”“What surprises you most about humankind?”God answered...“That they get bored
with childhood,they rush to grow up, and then long to be children again.”“That they lose their
health to make money...and then lose their money to restore their health.”“That by thinking
anxiously about the future, they forget the present, such that they live in neither the present
nor the future.”"That they live as if they will never die, and die as though they had never
lived.”God’s hand took mineand we were silent for a while.And then I asked...“As a parent, what
are some of life’s lessons you want your children to learn?”“To learn they cannot make anyone
love them. All they can do is let themselves be loved.”“To learn that it is not good to compare
themselves to others.”“To learn to forgiveby practicing forgiveness.”“To learn that it only takes
a few seconds to open profound wounds in those they love, and it can take many years to heal
them.” “To learn that a rich person is not one who has the most,but is one who needs the
least.”“To learn that there are people who love them dearly, but simply have not yet learned
how to express or show their feelings.”“To learn that two people can look at the same thing and
see it differently.”“To learn that it is not enough that they forgive one another, but they must
also forgive themselves.”"Thank you for your time," I said humbly. "Is there anything else you
would like your children to know?"God smiled and said, “Just know that I am here... always.” -
author unknown
grabe, exam week na naman.. bakbakan na naman ang pag aaral namin! kainis! ang bilis nang panahon. later on makikita ko na sarili ko with my batchmates na nag ma march na sa stage.. shit!!! tanda ko na! leche.. pero i still look young.. bweheh..
i went to windward with sky kaninang past 4pm.. ayon, akala ko makakapasok na ko sa mismong dorm niya pero wala pa raw sa kanila yung susi.. ewan .. may problema pa sa dorm nila kasi may nakatira pang dormer.. ang tanga ng may ari noh? tumanggap siya ng uupa pa ulit pero may nakatira pa.. inuubos lang raw nung nag re rent pa yung contract daw nun.. so we stayed sa dorm pa ni ryan.. nandun si denden, si yeosuf, si rajah, si ryan at clowie.. tapos nood lang kami ng TV.. astig nga eh may cable! nakapanood pa tuloy ako ng TOTALLY SPICE! favorite ko kaya yun! astig nun eh! call me "isip bata" pero mas maganda naman yung cartoons na yun with those ANIME noh.. heheh.. tapos biglang umulan ng malakas eh saktong niyayaya ko na nun sila sky na umuwi kasi nga papalabas na nang class si nieko.. ayon, inabot kami ng malakas na ulan sa daan.. eh hindi pa kami kasya sa payong. sumukob kasi si denden eh dapat sa min lang ni sky dapat yun. eh etong lalakeng to, mapa impress lang si sky, ayon kahit may sipon, sige pa rin, sumama pa rin sa pag hatid sa min. buti na lang may dumaan na tryc! ayon.. haay.. sa sobrang lakas ng ulan, nabasa masyado ang nieko.. wawa nga eh.. ayon, kasalukuyang natutulog dito sa loob ng shop.. heheh.. napagod siguro sa pagtakbo sa gitna nang ulan.. heheheh.. nilagyan ko nga ng panyo sa likod kasi baka malamigan ang likod, magkasakit pa siya.. wawa naman siya.. wawa rin ako kasi hindi kami magkakasama.. waaaaaa!!!!!!!!!!!!! hehehe...
hay. shit, naalala ko na naman ang exams ko tomorrow! my god! chemistry sabay comm research namin! GOOD LUCK sa kin! goodness!!! ang hirap na kaya ng chem tapos sabay memorization pa sa commres! goodness!!!
teka.. nakakaramdam na ko ng gutom... ano kaya makain??...
ei nga pala, grabe kagabi! nandun kami nila mark at billy sa dorm ni billy.. eh mag iinom kami nun.. wala lang.. tamang pampa antok lang. nabuksan na ni mark yung dalawang redhorse na maliit. tapos naglabas ng cassette si billy.. tapos nainitan siya kaya hiniram muna niya yung fan sa kabilang kwarto na iniwan lang muna nung bagong lilipat na dormer.. tapos habang umaandar yung cassette, ayon, sinaksak ni billy yung fan then BOOM! sumabog! takot namin ni billy kaya takbo agad kami sa may pinto! si mark, ewan ko, wirdo niya pinanood pa yung sunog! heheh.. tapos si billy nagsisisigaw na "TESA, TANGGALIN MO! TANGGALIN MO!" heheh. iisa lang kasi yung nasa isip namin ni billy na baka sumabog yung cassette or yung fan.. syempre, sunog yun! ayon.. nadali tuloy ni billy yung mesa , natapon din yung beer.. kalahati nga naubos eh.. sayang.. ayon.. tinanggal na nga ni mark yung saksak tapos lumiyab pa lalo! sunog nga yung kurtina eh! tapos ang daming sumigaw nung time na yun kasi dun daw sa may poste eh may lumiyab bigla dun sa mga wire.. tapos ang daming naglabasan.. yung iba, usisero, ung iba natatakot.. lalo na kaya yung mga dorm mate ni billy na babae! kahit nga ako natakot eh! pero buti si billy ang nakaranas nun kesa sa mga babae dun.. baka lalong magkasunog dun.. siyempre, duwag ang mga babae eh.. haaay.. accident prone nga daw tong si billy eh! nako, ayoko na sumama dun! heheh...tapos natatakot pa yung mga ibang dorm mate niya kasi siya lang ang lalake dun sa dorm.. siya lang ang unang lalakeng napag dorm dun.. eh yun nga, ang sabi, natatakot nga raw yung mga babae kasi lagi raw nagiinom si billy.. eh kasi sabi ni billy, yung inom niya na yun, pampa antok lang kasi hindi pa raw siya sanay sa room niya.. ayon.. eh no smoking, no drinking pala dun! sabi ko na nga ba eh pero sabi naman ni billy eh ayos lang raw dun sa pwesto namin kasi sa may labas naman.. sa lobby.. tapos nakita namin yung nanay ni ara na kapatid nung may ari nang dorm.. ayon, sabi nga na patanggalin kay billy yung mga bote ng beer sa CR kasi pupunta na raw yung may ari ng dorm.. hay nako si billy talaga!!!
wakekek!!
miss ko na si mahal ko.. dadiko! gising na! wag ka matulog! antukin! sige, puyat pa kasi eh! hay.. mahal kita nieko! mahal na mahal! mwahmwah!! lapit na tayong mag 1 year!!! so excited na talaga! everytime na nag po post ako rito, lagi kong nababanggit yun! hehehe.. sana july 28 na!! waaaaaaaaa!!!!!!!!!!!hehehe...
mahal kita nieko!!!
~out~
7/17/2005
my cousin ate rose forwarded a picture to me na kinuhanan ni tito rico when he came here sa house from australia. he was telling us how my ate roana(his daughter) does sa country nila.. she's quiet busy .. and i miss her.. as i was saying, nabigla ako dun sa pic kasi sobrang wasted ako nun! hindi pa ko naliligo.. palakad na rin ako nun papuntang dorm ko eh.. i was so damn fat on that picture! eeeuuw... yayks! i cant imagine myself fatter than i am right now. eeuuw..
hay.. this week, exam days na.. the whole week would make me so busy.. a lot of things running in my mind.. exams, tuition fee worth P11,400.00! shit! and i cannot pay that fee this month coz my father hasnt earn that big amount. how i wish i can help them ... sana pagka graduate ko, kunin ako nila ate rose papuntang australia.. but first, i to tour ko sila muna dito sa tin siyempre! haay... sana bumuti na ang isip ko.. mahirap mag aral pag marming iniisip eh.. haaay...
nieko! gising na! kanina ka pa natutulog!!! wahahahahaha!!!!
~out~
7/16/2005
this day.. umm... kakalungkot kasi kala ko magiging maganda ang lahat.. hindi pala.. bigla kong nakita si jem sa may tambayan and then i gave her a hug tapos nakita ko namumula yung eyes niya.. i asked her why she's crying.. umm.. so sad to know na break na raw sila ni bon.. bakit ganun?.. kakalagay ko pa lang naman dito sa last post ko na in love pa rin siya sa boyfriend niya tapos malalaman ko lang na wala na sila! ewan ko how will i help her .. siya lang naman ang makakapag pa calm sa sarili niya. all i can giver her is support.. tapos kanina.. i took the exam kay sir geslani.. dapat kasama ko si leah but i didnt saw her agad.. hinanap ko siya sa may kubo pero nasa may clinic pala siya.. ayon.. hindi siya nabigyan.. sorry leah for that.. im really sorry.. pero buti na lang pumayag si sir na bigyan kayo nila aye ng chance.. sorry talaga! love you! :)
mamaya magkikita kami ni jem at 3 pm.. wala lang.. gusto ko lang siya makitang okay na siya.. sana maging okay agad siya. i really wanted to help my friend.. but how??... hindi ko naman pedeng awayin si bon.. talagang mabibigay ko lang yung support and hugs and kisses.. sana nandito si sky .. nakita ko rin pala si gela.. langya, yung gamit niyang damit, meron din ako nun! hehehe... pero okay lang.. pag natyempong sabay namin ginamit yun eh para lang naman kaming sasayaw.. heheheh... :)
i love nieko! heheh..
miss ko na si maggie.. :) see you sister! mwah!
hi to abbie and leah! mwah! love you gurls! :)
~out~
7/15/2005
im so excited .. our 1st year anniversary is getting near! YIPEEEE!!! hehehe.. wala lang.. saya ko lang.. umm.. this past few days, medyo nagkaroon kami ng onting misunderstanding pero naging okay na rin naman agad. and im happy for that. i love you nieko! love you so much! lam mo naman yun eh! kahit ano mangyari love kita! OO... heheh... umm.. happy anniversary! sana magtagal pa tayo!
this month, sobrang dami kong nakikitang in love.. wala lang.. si abbie, she's fine with andrew.. si eyah, kay pon.. :) si sky.. umm.. basta in love yan! si jem, alam ko love pa rin niya si bon.. ang sister ko, in love palagi kay kevin.. heheh..
i wanna say thank you t eyah, kasi pinakain niya ko nang dinner sa dorm niya. balak ko lang sana ihatid yung food na yun tapos pinakain na din niya ko.. heheh.. tapos onting tambay dun.. sana dun na rin ako nag do dorm kaso for sure hindi ako papayagan ng parents ko.. siyempre, layo kasi sa school tapos laki pa ng pamasahe diba?
sister! miss na kita! kamusta na kayo jan?! grabe, saya na naman tayo! wala nang kakampi si manyak at baboy! hehehe.. bwahahah! sana umalis na rin yung baboy na yun jan! ayoko pa rin lumabas pag nanjan pa rin siya! eeuww.. baka gusto niyang tuhugin ko siya ng bamboo! bwahaha! ay teka, baka maging kapalit naman ni demonyo si ARVIN.. euuwness.. extra?? nakikisali rin?? tapos sasabihin niya na nakikisawsaw ako sa away niyo eh si arvin na kakampi rin nila kaya! diba? eeuww.. i hate thinking about those trashy people, wait, are they people??.... hehehe..
miss ko na bahay namin! miss ko na si bhebiko, si jepsey!si krishna, si krizelle... si nanay at tatay.. si moymoy..
people... im getting ready to start a new life.. i love you mark tesalona! love you so much!
~out~
7/14/2005
i sont know what went in my mind to skip my tuesday classes.. and now, my mind's so full of things i have to do by tomorrow.. i have to take my special quiz in chemsitry tomorrow at 2pm right after my class in COMMRES.. shit! i havent texted mr. geslani to re sked my quiz in comelec. this is also shit! nagsisisi na ko that i skipped again kanina that's why i dont i have any idea what will i study fior tom in chem..... many says thats its hard.. well, what can you expect on a chem class??.....
i hate everything
i dont know why i feel so mad everytime i see that big fat guy in our section! ewan ko.. marami na rin ang naiinis dun and one of them is MOI! ....
i had a very tiring day today.. after i went to my elem stat class, i went to from JFH505 down to JFH102 to attend my next class.... we just discussed the film we watched.. then after that i went outside with Abbie to surf for my assignment in chem(again).. then after that i went ahead at the physical science department to pass it. then my org(24FPS) had set an interview for new applicants.. good thing i only interviewed 3 people (1 of them was Abbie :) ).. then the next location, meeting of Crossbars on the same floor...
hay.... dami ko na iniisip.. overloaded na! hindi ko pa nga nababayaran ang tuition fee ko.. for sure, pipila na naman ako nang napaka haba niyan!
im gonna miss my nieko
nieko.. mamimiss na naman kita.. hindi na naman tayo magkakasama ngayon.. hay... kakalungkot naman.. anywayz, mahal na mahal kita! sobra! ingat ka lagi! wag ka maxadong paka addict! tingnan mo ko.. mya pa lang ako maglalaro... heheh.. love you!
~out~
7/11/2005
i know almost all of you were shocked to what ive post last day. it was all true. for me, im just being me when i wrote it. i dont expect people to give me hugs and their kind advices. but thanks to eyah for asking me and taggin me if im okay now. as ive said to her kanina during our Investigative Journalism class that mark and I were okay. i wish nothing will happen again. how i wish. i talked to him last night and i asked him if he will never gonna leave me , he answered "hindi ko alam"..... WHY??!!!! if youre willing to stay in this relationship, you wouldnt think twice whether you will stay or leave. parang youre still expecting a lot of fights and arguments again.
thanks eyah, joyce, sky, jem, gela and abbie for giving me your super duper motivating advices.. it really works.... yun nga lang, nasa kin pa rin ang decision. i thought if ever he leaves me, no one can fill my life anymore. just what eyah said in my tag board, there are a lot of people loving me the way i am.
yeah..
but i accepted already that loving takes so many risk....
life is nothing without pain...
life can teach us what the difference between right from wrong...
but still, ourselves make the decision..
we tend to blame ourselves if we do bad things....
i love him... you all know that.
time will come for us to know if we are really for each other.
but how i wish .. KAMI NA LANG TALAGA.......
7/09/2005
you know rona, if only you could feel what i feel... you will understand how WE(ryan) are so devoted to you and to mark(my bf).. im not forcing you to get back from ryan.. im just telling na nakaka relate ako sa nangyayari sa inyo ngayon. sobrang hirap pala na minahal mo na nga yung tao, ganto pa mangyayari... sasabihin pa niya na ayaw na niya.. na sawang sawa na siyasa nangyayari ... hindi ko na alam ang gagawin ko..
GOD please help me..
im fading..
if i can only kill my self, gagawin ko...
hindi na ko sanay nang ganito... ayaw kong mawala siya.. pero bakit hindi niya suklian yung mga ginagawa kong panunuyo sa kanya.. alam kong alam niya kung gaano ko siya kamahal.. at hindi magbabago ang pagmamahal ko na yun sa kanya.. hinding hindi. kung ano man ang mangyari sa kin ngayon, bahala na...
bukas hindi ko na alam kung magigising pa ko.. or makakarating pa ba ko ng buhay sa amin mamaya? i dont know...
im trying to make my self at ease.. but i just cant. im trying to accept what is happening to us right now but i just cant. i dont know. im fading..
he means so much to me.. my world revolves on him.. pero bakit hindi niya makita... lagi niyang nakikita yung mga mali ko??.. hindi ko na alam ang gagawin ko.. lagi na lang ganito...
alam mo naman kung gaano kita kamahal... kung pano kita minahal at tinanggap.. oo, alam ko rin kung pano mo tinanggap lahat nang pagkakamali ko, pero LOVE IS ALL THAT MATTERS.... i really need you right now.
hindi ko talaga matanggap na wala ka na sa kin.. mahal na mahal kita.. i miss you so badly... i need you right now...
ikaw lang ang nakakapag pasaya, nakakapagpagalit, lahat lahat na sa kin....
hindi ko pa kaya to...
sana nga makaya ko.. kahit hindi...
sana mahal mo pa rin ako...
i was expecting na susuyuin mo ko.. pero hindi... parang ayaw mo na talaga.. wala na kong magawa ngayon kung hindi tanggapin lahat lahat ng gusto mo.. kahit hindi bukal sa loob ko.. alam mo naman na ayaw kong mawala ka sakin pero bakit lagi mo na lang ako ginaganito??.... ito na ba talaga yung sign na ayaw mo na sa kin?? na sawa ka na talaga sakin??....
sana one day, makita mo ko, masabi mo na "si len yan, mahal ko yan.. ang sarap magmahal niyan. ang sweet sweet niyan. lagi ako pinapasaya niyan.. sana nga hindi ko na lang siya iniwan.."
alam mo, hindi ko talaga makakalimutan yung araw na naging tayo.. lalo na yung 1st monthsary natin at yung mga sumunod pa.. na lagi tayong nagpapa madaling araw sa labas ng dorm ko.. lagi natin hinihintay na maging monthsary natin. sobrang saya ko nung minahal mo ko, tinaggap mo ko...
kaso wala na ko magawa eh..
ayaw mo na sa kin.. ayaw mo na ba talaga?? ako.... alam mo na sagot ko dun..
kala ko, makaka abot pa tayo nang 1 year.. sakit nun.. yung ine expect mo na yung mahal mo, hindi ka iiwan sa ere pag dating ng malapit na kayong mag 1 year..
sana nga hindi na lang tayo naging tayo.. sana naging magkaibigan na lang tayo dati pa.. sana hindi na lang kita minahal.. matatanggap ko pa sana kung iwan mo ko.. siguro, masaya pa rin tayo hanggang ngayon kung magkaibigan lang tayo dati pa..
baka sabihin mo, sige magkaibigan na lang tayo... pero iba na ngayon eh.. alam mo, naiinis ako sa sarili ko ngayon... bakit ko pa kasi binalak na maging tayo.. ang hirap ma inlove.. pero i still took that risk of loving.. kasi alam ko, masusuklian ng pagmamahal lahat ng ginagawa ko para sayo..
ang alam ko lang.. naging mapagmahal lang ako..
masama bang magamahal ng sobra??....
alam ko rin naman na may mali rin ako... sobrang dami.. pero pinupunan ko namang lahat yun eh.. gumagawa ako nang maraming paraan para mawala na yung galit mo sa kin at sa nagawa kong mali sayo..
alam kong nagpapakatanga na ko... kahit alam kong ayaw mo na, pinipilit pa rin kita.. ewan ko.. hindi ko lang talaga matanggap na iiwan mo na ko...
sobrang hindi ko tanggap.. mahal kita...
hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon..
hindi ko na alam kung saan ako pupunta, kanino ako tatakbo... kung mabubuhay pa ba ko... ewan ko... hindi ko alam...
ang alam ko lang, nagmahal lang ako ng sobra....
~out~
Ako'y malungkot na naman
Amoy chico na ako
Ilang tagay na, hindi pa rin tulog
Tanong ko lang sa langit
Kung bakit pumangit
Ang dating masaya
Ngayo'y panay problema
Bumabalot sa mundo
Bakit ganito...
CHORUS 1Ang pag-ibig, ganyan talaga
'Pag bago pa ang pag-ibig
Ganyan talaga, masaya
Pagkagising ko
Nakita ko si Juan
Na siyang adik sa aming lugar
Parang droga daw ang bisa
Na ginamit nya kanina
Sa una lang daw masarap
CHORUS 2Ang pag-ibig, ganyan talaga
Ako'y nilamon ng pag-ibig
Ganyan talaga, masaya[Repeat]
papakalunod ako ....
hindi ko na alam ang gagawin ko. bahala na...
sana mahal mo pa rin ako kahit wala na ko.. pag nalaman mong patay nako.
hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. baka hindi na ko makauwin ng buhay sa bahay namin. hanggang ngayon walang tumatakbo sa utak ko kung di yung sinabi mo na ayaw mo na.
sinabi ko lang na wala dahil kagabi aywmo na. ngayong sinabi ko nagalit ka dahil ang ayos na natin pagkagising natin.
ako pinipilit kong maging maayos, bakit mo pa kelangang itanong kung sino nga ang bf ko.. eh ikaw lang naman yun.
sasabihin mo na naman na tinatanong mo lang... eh pag nagtatanong ka ng ganun, parang may ibig sabihin.. parang kanina nun tinawag kitang NIEKO, tinanong mo SINO YUN?.....
ayaw mo na ba talaga??.... siguro sawa ka na... ako, sawa na ko sa buhay ko.. iniiwan mo na naman ako...
baka mamatay na ko...
im fading ...
sorry sa lahat..
mahal na mahal kita..
i cant help it..
ikaw lang ang minahal ko nang ganito...
sana hindi ko pagsisihan ang mamatay...
sana makayanan ko to... kahit alam kong hindi ko talaga kayang mawala ka sakin.
mahal na mahal kita... ikaw lang mahal ko....ikaw lang ang minahal ko nang ganito pero bakit mo ko iiwan???.......
sana malaman mo na ayaw kong magkahiwalay tayo. lahat na ginawa ko para maging maayos. imbis na magsorry ka kaninang umaga, itatanong mo pa kung sino ang boyfriend ko....
ang labo...
mahal na mahal kita mark..
ive always wanted to feel your true love... mahal na mahal kita..
im dying..
im fading ...
i love you so much that i cannot do anything for me to realize that you dont want me anymore.
i need you here now..
i love you so much..
sana you will still think of me..
mahal na mahal kita,..
hindi pa rin ako magsasawang sabihin sayo yun..
mahal na mahal kita..
sobrang mahal kita na wala na kong pagmamahal sa sarili ko that i can give it up for you...
i love you.....
wag mo iwan...
~out~