5/10/2005

nakakainis ngayong araw na to!

kainis! kaw na, malimutan mo ang pin number ng Credit Card mo! eh kailangan ko nang bayaran ang midterm ko ngayon! bullshit talaga! tapos pagdating ko pa computer shop, hinahanap ko si Mark na nandun din si lugar na yon. aba, tinawag ko nat lahat, hindi pa agad lumapit! kinulbit ko pa siya bago niya ko pinansin .. tinataguan lang raw niya ko.. ewan ko ba! eh super problemado na ko ngayon! tapos gaganun pa soya. tapos nung lumabas ako, hindi man lang sumunod! kumumpol pa ulit dun sa mga tropa niya! tapos mayamaya, pagkalabas nila, sasabihin niya na papasok na raw sila. ano yun? hindi na nga niya ko sinamahan kahit saglit eh biglang aalis na agad siya. sino ba naman ang hindi maaasar nun! tapos pansin ko lang na hindi na siya malambing sa kin.. ano bang nagawa ko? masungit ako? eh siyempre, ikaw ba naman, hahalikan ka na ngat lahat, ikaw pa tong aayaw. kainis! kesyo mabaho raw siya.. eh ano! as if naman! wala naman akong paki dun eh. hindi naman niya ko kailangan pagsungitan din. yon nga, sasabihan niya ko na masungit ako tapos hindi man lang niya pansin na sinusungitan na rin niya ko. hindi ko na siya maintindihan eh.. parang ako na lang lagi ang nagpapasensiya.. nanunuyo.. naglalambing.. lumalapit.. hay nako! hindi ko na alam.. pero mahal ko siya.. tapos kanina, nakatayo ako nung pinuntahan ko siya dito sa computer shop.. aba, hindi man lang nag offer ng chair.. talagang hinayaan lang niya ko na nakatayo.. ano ba!

minsan naisip ko, ganun ba talaga pag matagal na ang relationship niyo? para sakin, parang habang tumatagal, dun ako nagiging sweet eh.. ewan ko.. minsan naisip ko, nagbago ba siya?

mahal ko siya, oo... aminado ako... pero nakakatampo lang eh. alam mo yung times na nagpapaganda ka para sa kanya tapos hindi niya mapapansin.. nagpa relax ako ulit ng hair para magpacute sa kanya, hindi man lang niya binabati everytime na inaayos ko ng maigi..

mga simple things na gusto kong ma appreciate niya na hindi ko man lang nakukuha.. sasabihin lang niya na "dati ka pa naman maganda eh".. eh hello! nagpapaganda pa nga lalo para sayo eh!

ewan ko.. kailangan ko lang ilabas tong sama ng loob ko..

walang kokontra! this is what i feel!

~out~

5/09/2005

my sister's bday

today is my sister maggie's bday.. she's planning to celebrate her party at batangas.. yeba! swimming galore again! yeba! hehehe.. white sand daw eh.. wow! nice! i miss going to beach! hay...

i miss my sister that's why when i got home, we spent the whole time with each other.. we met on Saturday at around 5pm and we went home at 3am the next day.. nice huh.. hehehe.. well, miss ko na siya eh.. tagal na naming hindi nagkita.. wala lang.. we talked about her crush, Kevin.. and that guy joined us sa tambay namin.. ayon, todo kilig si sister... hehe.. and we also talked about Jen.. yung kinakapatid niya.. wala lang.. naiinis na kasi siya ulit dun.. ewan ko, hindi lang daw talaga nag jo join yung ugali nila sa isat isa.. ayon.. wala lang..

hay, 20 na ang sister ko.. tapos after 4 months, eto na, matanda na rin ako, 20 na ko.. but i still act like a little girl.. sobrang hyper ko nung gabi na magkasama kami grabe! heheheh. parang sobrang full charge ako! hehehe.. kulit ko raw.. eh na miss ko na siya tska wala si Jen kaya nakapag bonding kami.. ewan ko, naiilang ako dati pa dun sa girl nayon eh. the first time i saw her, lalo na nung nakita ko siyang nagpapakarga sa mommy ni sister, parang ano yun, mas sweet pa siya kesa sa totoong anak ni ate marlyn.. wala lang... ang kuwento kasi niya sa kin eh parang gusto niyang laging naglalambing yun sa mommy niya.. tska idol daw siya nun.. kumbaga, lahat ng gusto niya at binibili niya, kelangan meron din siya. o di kaya naman, kapag may pinaplano palang siya na bilihin, minsan, inuunahan na siya.. ano yon?.. IDOL! hehehe...

ayon... happy bday sister! i miss you! mwah!

~out~

5/05/2005

YAHOO MAIL!
sent by: mark anthony tesalona
date sent: august 14, 2004
9:24pm


hi! mahal ko! musta kana? ako e2, kabado! baka kasimawala ang relationship natin eh! papayagan mo bangmawala!? siguro dami mo naman ipapalit sakin eh noh!?hehehehe! wag kamagagalit! try ko lang express what'sinside of me!!! wag ka mag-alala, mahal na mahalkita!!! miz na talaga kita! pasensyahan mo pic ko safriendster ha! feeling ko kasi nababaliw na ko eh!just trying to express my feelings talaga eh!buburahin ko din yun pagnagkaayos na lahat! pasensyakana sa mga pasakit nabinigay ko sayo ha! ramdam monaman siguro na nai-sacrifice ko na mga friends kopara sayo! o siguro hindi pa, kasi nung nag-overnightako kina james eh nagalit ka dahil pumasok ako kagadat kasama ko si james, siguro inisip mo na hindi kokaya iwanan friends ko! pero hindi, ngayon mas masayaako with you! kung dati sila ang nakakapagpasayasakin, ngayon ikaw nalang, at wala pangnakakapagpasaya sakin kundi ikaw lang sa ngayon! di kopa alam kung may darating pang makakapagpasayasakin!... un namang problem mo sa bahay nyo, yaan molang, malulusutan mo yan! natin pala! hehehehe! iwanba daw! basta hanggat maari eh makipag-usap ka! wag kamagtanim ng galit, mahirap yan, baka mabulok!!!hehehe! basta sabi ko sayo hanap ka ng makakapagpasayasayo! kahit konti! yoko lang talaga na nakasimangotka! tsaka ang galit, bawasan! wala namang magandangidudulot kung lagi kang galit di ba!? ok na akongayon! di ko na naiisipang mamatay! napag isip-isipko na, na marami akong maiiwan na nagmamahal sakin!lalu na ikaw! ngayon pang may problem ka! basta staysweet! wag mo lang ako ipagpapalit, di ko alam anggagawin ko at magagawa ko! basta ung pinapatanong kosayo ha, ung tungkol sa!!? pagpinagpalit mo ko,... namagsama kyo ng matagal, mabuhay kayo ng matagal!hanggang 100yrs old! isipin mo rin kung bakit! ha!basta always smile! hehehehe! mahal na mahal kita!kung sakaling ipagpalit mo ko! pagtanda mo ng 100,tsaka mo malalaman ang galit ko! sabi mo sakin paginiwan kita babanatan mo ko, un ung galit mo sakin, diko pa alam ang iba pang magagawa mo sakin kungsakaling maiwan kita, baka di mo lang ako mabanatan sasobrang galit, pero di ko naman magagawang iwan ka eh!promise! ah basta! tama na nga yang iwan-iwan na yan!basta mahal ko! kung sakaling makapag decide ka naiwan ako, at sumunod nalang sa magulang mo, eh walaakong magagawa kundi tanggapin! di ba mahal!!! perokaya pa talaga yan sa pakikipag-usap eh! basta, di korin alam kung lagi akong nasa tabi, di ba!? pano pagmay emergency, tulad nung pag-overnight ko diba!? bakamasanay ka na lagi kita kasama! tapos kontingpagkakamali ko napupuna mo! di ba!? basta-basta kanagalit, di mo manlang pinag-iisipan kung dapat kamagalit!... ung isa pa! ung paghatid ko sayo!nagagalit ka, kapag ayaw ko sumama kasi wala akongpamasahe! hehehe! ganun talaga, ganun kamina-disiplina pag dating sa finance! tsaka nadala namom ko na kapag madami akong pera, madami akongnagiging bisyo, hehehe! diba naikwento ko sayo nana-suspende ako dahil sa alak! ako nagpa-inum non eh!hahehhahE! pero pinag ipunan ko yun noh! hahahaha!tsaka naisip ko lang talaga na ako ang lalaki, ako panililibre mo! di ba!? parang nakakatapak ngpagkalalaki! di ba!? pero sabi mo nga ok lang un sayo!hehehehe! kaya next time pagtumanggi ako, isipin morin ang nararamdaman ko ha! dito nalang muna medyomahaba na type ko!hehehe! ang balak ko talaga ehmaglaro! pero miss na talaga kita eh! sige! paalam!MAHAL NA MAHAL KITA. TANDAAN MO YAN!!! WALA NG DUDA!!!

cute ng letter ng mahal ko noh? kaso hindi na niya ko sinusulatan ng ganto kahaba..

mahal kita nieko!

mwah!

~out~
im back! so, eto ako ngayon sa laboratory namin.. medyo sad.. i miss my home.. i miss my pamangkin.. i miss everything.. ngayon, i met my friends outside ng school. they were actually waiting for me.. ayon, kuwentuhan.. medyo concious sa itsura ko. but they made me happy saying na "buti nga konti lang sa mukha eh".. ayon.. ayos naman..

bad trip nga lang sa room kasi itong prof na to, hindi man lang magconsider! hello! as if naman na pede akong umalis nung panahon na may sakit na ko! eh uuwi na nga ako eh! tska hindi ko naman kinalimutan ang mga responsibilities ko eh! yah i know na marami akong na missed.. pero i make it sure naman na wala naman akong maaapakan na mga gawain noh! as if!

pagpasok namin sa school, ayon, we saw the OB van ng ABS SBN.. ayon, nandito na naman sila.. sayang, hindi ko nadala yung video camera ko! heheh.. oo na, baduy na.. pero wala eh, fan ako ni john lloyd coz he's so damn hot! heheh..

about naman sa sakit ko, okay lang.. makati, masakit.. pero walang magagawa.. i feel like hell! shit talaga! ano yun? ano kamo ang sasabihin ng iba? okay lang.. at least naranasan ko na to habang bata pa ko.. hindi na ko magwo worry kung sakaling may anak nako at saka lang ako magkaka bulutong.. hirap yun..

sa ngayon, parang hindi ko pa kayang mag isa ulit.. na mimiss ko na yung pag aasikaso ng parents ko sa kin.. yung hugs ang kisses ng pamangkin ko sa kin.. haay... i miss them a lot!

i wanna thank my nieko for being there to comfort me.. grabe.. you make me feel that im so special.. salamat talaga.. mahal na mahal kita! happy 9 months nga po pala.. i love you!

~out~

5/04/2005

march 20,2005
hi guys! im here at my room.. presently listening to CONFESSIONS of Usher.. sound trip lang dito sa room ko kasi wala naman akong pwedeng pagkaabalahan. haay.. kakamiss rin pala ang school days noh? yung maagang babangon.. makikipag unahan sa banyo dahil male late na.. yung papasok ng wala pang kinakain.. heheh.. yung pagpupuyat ko dahil kausap ko si nieko or ka text ko siya.. hmm.. and also i miss doing projects.. yung pagiging haggard everyday. yung madaming iniisip.. yung maraming pinagkakaabalahan..
pero malapit na rin ang summer class. magiging busy na rin ako! ang iniisip ko nga lang ngayon eh yung everyday na civilian attire.. hay! ubusan na naman to ng damit! hmp! balak ko ngang yayain ulit si nanay na mamili ng mga damit. sabi ko nga nung una sa kanya eh sa ukay ukay na lang kami para mura masyado pero ayaw niya. may mga bago naman daw na mura. ah basta.. kailangan kong makarami ng damit noh! i really have to para hindi ako magmukhang kawawa sa wash day.. balak ko na nga rin na kahit pambahay eh gagamitin kong pampasok.. ah bahala na! heheheh..
my messages:
to nieko, you know that youre my everything. my world revolves only for you. i will never forget the day when you called me on the phone to say lovely things about me. that was the time i realized that i deserve someone like you. and i decided to choose you as my boyfriend. i love you! youre my life.. my asawa! my everything. even though we always fight, my love for you will never change. i know we could cross those trials were having right now. just hold on baby. i love you!
to abbie, maraming salamat sa mga good memories.. for still keeping me as one of your treasured friends. im so glad that once in my life, i met a person like you. you mean so much to me abbie. youre one of those person that i want to thank because you changed half of my life. i will not be like me right now if you werent there when i needed you most. im so thankful to you abbie my bessy...
to my sis, thanks for being my sister ever. you made me strong.. you made me learn lots of things.. you know girl, youre a part of my life.. we grew up together with different views, different interests.. but im thankdul that we still have each other. im lucky to have a friend like you sis. i love you!
to jem, i miss those days na lagi tayong magkasama sa room.. dakdakan ever. yung mga kalandian natin.. yung mga kuwentuhan na walang katapusan. kakamiss ka talaga! thanks for being my BUDDY for almost 11 months! lapit na ngang mag 1 year dahil diba summer tayo naging close? haay..
to sky, salamat dahil naging parte ka na rin ng buhay ko. isa ka sa nagpalakas at nagpatunay na i deserve good treatment. thanks for making me also strong.. for telling me that i should not let people to make me go down.
--------------
"Mahal kita sobra! Muahugz chupchup! I love you!!! Miz na kita pagaling kana!!! Mwah!"
"Hi! Mahal ko! Miss na kita! Mahal na mahal kita! Pagaling kana! Bilisan mo na! Miss na miss na kita! Ingat ka palagi! Gawa na tyo ng ishna! Heheheh! Joke lang po! I love you 3X a day! Lagi kang nasa isip ko! Buti nalang lagi kang tumatawag! Mahal kita! I love you! I love you! I love you!"
sinulat ng nieko yan sa computer ko habang nagaalaga ako ng pamangkin ko sa room ko last may 2,2005.
nung kinuha na niya yung baby, bigla kong nakita na nakalagay na to .. ang sweet noh.. heheheh..
hay.. ang bait ng mahal ko alam niyo ba yun?.. he went to our house last friday para lang ihatid yung police reports sa kin para makagawa ako ng article para sa newspaper namin?! 7:45pm na nga siya dumating sa bahay eh.. wawa naman.. well, masarap naman ang ulam eh kaya okay lang yun sa kanya.. heheh.. solve na siya dun! :)
tapos monday, kahapon nga, may 2, nagpunta siya dito para naman kunin na yung article ko pero wala pa kong nagagawa kaya habang nandito siya, ayon, ginawa ko pa lang.. heheh..
ang saya namin grabe! nilalaro kasi namin yung pamangkin ko na baby, si krishna.. ayon, sumasama na kasi sa kanya e.. feeling close na sila.. hehehe.. :) may video pa nga silang magkasama e.. nakakatuwa yung baby na yon.. ang daldal na tapos ang likot! haay.. naisip ko, sana magkababy rin ako ng ganun kabibo.. heheh... naiwan pa nga kami ni nieko, krishna, si krizelle, tska si moymoy.. puro bata yung mga yon.. hay.. hindi man lang sinabi sa min na aalis yung mga kasama naming matatanda.. hehehe.. ayos lang, feeling one big happy family kami! hehe.. :)
tapos pinanood namin yung video nung baby.. tapos nood din kami ng chasing liberty.. haay.. kaka inlove pala yun.. :) disc 1 lang nga ang napanood namin kasi uuwi na siya.. naabutan pa nga ni tatay si mark eh.. buti na lang hindi nagalit. haay..
sa ngayon, may 3, dito lang ako sa kuwarto.. ang init pero wala na kong mapupuntahan.. hindi naman ako pedeng lumabas..
nami miss ko na baby ko! mahal na mahal ko yun kahit lagi kaming nagaaway. sawang sawa na nga mga kaibigan ko pag may naikukuwento ako sa kanilang away namin ni mark pero normal lang naman yun eh. imposible naman na walang away sa mag bo boyfriend sa inyo noh. hay nako.. pero masarap pag walang nagtatalo, nagsisigawan.. hay.. sana tuloy tuloy na..
9 months na nga pala kami! im so happy.. 3 months na lang! woohooo!!!!! :) im so excited! sana mas maging strong kami.. alam ko naman na kaya naming magtagal eh.. well, we love each other very much.. no reason for breakups.. ayokong umiyak.. mahirap akong maka recover sa heartache.. ayoko na ring masaktan.. ilang heartaches na napagdaanan ko.. kaya sana si mark na ang final guy ko.. well, you can all say na were too young to think about it.. pero yun yung gusto ko eh.. you may say na marami pa dyang iba, like my boyfriend used to tell me when were having a fight.. mmm, marami ngang lalake dyan.. the question is, do i like them? do they see me and love me??... and the hell i care if there's lots of guy! isa lang naman ang gusto ko.. and that is mark anthony a. tesalona... ei nieko, nalimutan ko po yung middle name mo.. heheh.. is it ARIETA? .. uy, sounds like araneta.. mayaman.. heheh.. or cuneta.. wow! big time .. heheh...
hay nako. puro joke time na to..
well, the final statement i will tell you guys is... remember to look always at the bright side in your relationship when youre having a big fight.. remember those funny things you do when youre making tambay with each other.. that you dont want to let go of him.. those plans that you make for your future.. dont just let your guy throw those great memories with you...
when he is about to leave you, let your feelings out. when you feel like crying, cry.. and as much as possible, lower your pride.. ask him also to go out for a small talk.. if he rejected your invitation, better wait for the right time.. then KULITIN MO ULIT SIYA.. show him your love..
but if it didnt work.. well, its his lost.. at least you did your everything to prove that you deserve love from him..
haay.. why am i saying this stuff??.. oh well...
better say goodbye!
CIAO!
~out~

4/26/2005

hi po nieko.. :) miss na kita! :) dito na kami sa jfh 208.. nag quiz kami pero mali yung na review ko. buti na lang pinakopya ako ni josh.. yun, may nasagot ako. hay.. nakakainis nga lang yung hippo na yun! kala mo kung sinong napakagaling at ang bilis nakapagsagot eh hello, may kodigo ata.. nakita ko siya na may tinitingnan sa harap niya.. eh diba, nasa laboratory kami kaya pedeng mag keep ka ng kodigo dito?...ayon, nagmamarunong siya na wag na lang raw idefine pa yung sagot namin kasi naisulat na raw niya.. eh pano, wala ata sa kopya niya yung definition.. kainis siya! sobra! kairita..

musta nga pala class niyo? nagka quiz ka ba? mmm....

lam mo, tampo talaga ko sayo kasi hindi ka nagrereply agad.. eh alam mo naman na naiinis ako pag wala kang reply, ganun ka rin kasi eh.. heheh.. anywayz, miss na kita.. mahal kita! :)

mahal na mahal.. :)

~out~

4/25/2005

my head aches
sobrang sakit ng ulo ko grabe.. sa init siguro to.. tapos papasok ako sa malamig na computer shop na to. hay.. anywayz, walang masyadong nangyari sa araw na to kasi sa tatlong subjects, 1 lang ang may pasok becoz of brown out.. ayon, buti na lang.. kasi hindi pa kami agad makakapag report.. hehehe.. nagdiscuss lang sa ethics then nag pass kami ng reflection paper namin about sa na discuss namin last week. tapos i got my term paper back about ethical issues. hay, 2.75 nga lang ako eh. pero siguro kung may mga references akong ginamit, malamang makauha pa ko ng mataas.. well, at least hindi 1.0 ang nakuha ko.. hehehe...

may mumps ang friend ko, wawa nga siya eh. imbis na nakapasok siya, ayon, sumasakit ang mumps niya. i hope she'll be okay na.. kakamiss na siya eh.

i had my lunch with my nieko, jem and james(mark's friend). tapos nauna na kami ni jem sa dorm ko tapos pumasok na sila nieko sa school. then when i went to JFH, ayon, wala nga raw dumating na students na kaklase namin.. ano yun, boycott? hehehe.. pero wala rin naman kasi ata yung prof namin eh.. hay, ano na kayang gagawin namin dun?...

tomorrow na ipapakita ni ms. brenda yung grades namin sa newswriting and editing namin! shit.. heheh.. i cant wait for it.. aba, kahit naman lagi akong late dun, i make sure naman na matataas naman ang grades ko sa quiz and exam noh! oh well...

:)

~out~

4/19/2005

mahal kita nieko!

4/18/2005

april 17, 2005 -house-
ive lost my best friend. my very close friend. kagabi ko lang nalaman na may nililigawan na pala siya at yun yung kinakapatid ni maggie, si Jen. ayos lang kung manligaw siya eh. sino ba naman ako para ma control ang feelings niya. kaso nakaka tampo lang sa kanilang lahat, ako na lang pala ang hindi nakakaalam sa sitwasyon na yon kaya ako, mukha na akong tanga at inosente. wala lang. yung mga bagay na dapat hindi na sabihin eh nasasabi ko na ikina seselos nito ni Jen. ang akin lang, naging kaibigan pa nila ako kung naglilihim pa sila diba? i really have to know what's happening around kahit ba sabihin natin na lagi akong nasa dasma! eh siyempre, kaibigan ko rin si Jen, ayokong masasaktan ko siya kung may masabi ako kay tope, gaya nung nag mention ako na niligawan ni tope yung pinsan ko na si Lavin, tska yung dating nagka gusto kay tope na kaibigan ng ka school mate ko sa la salle. yun bang mga ganung bagay eh maiiwasan ko sanang masabi kung alam ko na agad na ganun pala sila, diba? para kasing kalalabasan nun, ako pa yung magiging dahilan kung bakit nagseselos si Jen sa mga pinagkukuwento ko sa harap nila. ayoko lang maging kontrabida sa kanilang dalawa. feeling ko tuloy, parang hindi na nila ako kailangan pa. tska bakit ba kailangan nila akong pag lihiman diba? eh since 1st year high school eh kilala ko na yan si Tope. si maggie, since 5 years old pa lang kami. parang ako na tong napapag iwanan despite those years na napagsamahan namin. wala lang, kakatampo lang. pero na explain na sa kin ni Maggie lahat so okay na. kaya ngayon, alam ko na kung anong dapat kong ikuwento sa harap nila para hindi magigng dahilan ng pagseselos ni Jen. well, bagay naman sila eh. heheh.. sabi nga ni nanay, si olive oil at si Bluto raw. teka, asan naman si Popeye! hehehe.. :)

4/15/2005

hay.. life is so short.. ngayong week, nakarinig ako ng mga balita na marami na ang namatay sa la salle.. haay.. si kuya allan na nagtatrabaho sa MPR sa JFH. tapos si Papu na kaibigan nila mark.. tapos may isa pa pala na medicine student na nabaril ata namatay rin on the spot. naisip ko, bakit kailangang mangyari to sa isang linggo lang?

si kuya allan, naging part na siya ng life naming magka kaklase.. kasi siya yung in charge sa pg e edit, pag bu burn ng mga music. alam mo yun, siya yung first na naging ka close ko sa MPR Boys tapos siya yung mawawala.. haay.. kelan lang rin nung nakita ko si Papu nung nakasalubong namin siya ni mark nung nag enroll kami.

para nga ring nakakawalang gana na ngayon kasi kahit anong ingat ang gawin natin, mangyayari't mangyayari pa rin yon.. kung time na ba talaga natin.

my friend Angela was a victim of holduppers..

sana ako, kahit ganito ako kawalanghiya, matagal pa rin ang mararating ko.. marami pa akong pangarap sa buhay. marami pa akong balak gawin sa buhay ko.. m,arami pa akong gustong pasayahin gaya ng nieko.. gusto kong ma fulfill yung mga gusto ko.. magawa lahat ng pangarap ng parents ko sa kin.

marami akong mahal sa buhay gaya ng parents ko, boyfriend ko, friends ko.. sana pag ako naman ang nawala(wag sanang mangyari), maisip nila na hindi ako kawawa.. kasi lahat naman tayo mawawala dito sa mundo. i mean sana hindi sila malungkot kasi nauna na ko sa kanila. dapat maging masaya rin sila on the other hand kasi at least, sa buhay ko at buhay nila, nagkasama sama kami.

and for all those people who kept fighting me on my back, sana matuto na kayo.. maigsi lang ang buhay. sabi nga ni Sky, KARMA LANG YAN.. sige kayo, baka kayo na sumunod sa kanila! hehehe..

JOKE!

~out~

4/10/2005

I LOVE MY MOTHER SO MUCH! NO ONE CAN HURT HER!

what will you do if one time, someone will offend your mother or make her cry? will you just ignore it? well.. i will never let anyone abuse my mother! grabe, we went to Rob at Sta.Rosa. nag groceries kami para sa mga dadalhin ko sa dorm. my mother told me to take my things at the baggage counter with my pamangkin(krizelle). then nasa malayo pa lang ako, nakita kong walang tao sa cashier na pinilahan ni nanay. yun pala nagpapa palit ng barya yung babae. i observed the moves of that BITCH while she walks towards us. and i noticed na nagdadabog siya. halos ibalibag na niya sa mukha ng nanay ko yung pera. so i asked her "ANONG PROBLEMA MO?" the BITCH answered me, "WALA AKONG BARYA EH, BAKIT BA?!" oh that bitch! i can hardly wait to punch her big nose! tapos sinagot ko siya ng "PROBLEMA MO?" sabi niya, "ikaw anong problema mo?".. sabi ko, "BINASTOS MO NANAY KO , TANGA KA BA?!" that bitch! hay nako! "GUSTO MONG SAPAKIN KITA?" i told her.. "EH DI SAPAKIN MO!" the bitch answered me! so i told her to go out. dun kami magsapakan! take note, hindi sabunutan ha! as in sapakan! eh that time i was wearing a cap so i feel so BOYISH! hay nako! ewan ko ba sa biatch na yon! tapos my mother reported what happened at the customer service. then hindi ko pa rin tinigilan yung babae.. paligid ligid ako sa may tabi niya. HAY NAKO! CALL ME MALDITA! BUT IM A REAL MALDITA! ORIG TO! tapos sinigawan ko siya na"SIGE BULONG PA! ANO BANG PROBLEMA MO? DUN TAYO SA LABAS ANO!?!" that bitch! gusto ko na talagang upakan eh! diba she said eh di sapakin mo.. sana pala ginawa ko na! tapos ayon. kinausap na siya nung isa sa officer sa customer service tapos nag pa apologize yung babae sa bitch na yun! nung una hindi ko tinatanggap.. galit na talaga ako eh! well.. nag sorry siya sa nanay ko pero ayaw din nang nanay ko.. aba.. sino ba naman ang papayag na sorry lang ang katapat nun eh parang tinapakan na niya kami!?! eh napaka pangit naman niya compare to me! haler! mmmm....

sana mabigyan ng lesson ang mga taong ganito.. i hate bitches coz im one of them.. i hate them!

makarma sana siya!

~out~

3/16/2005

March 15, 2005



wala lang.. gusto ko lang mag comment about dito sa picture na to kasi medyo naging fan din naman ako kahit papano no heart.. gusto ko lang malaman kung may masasabi ba kayo tungkol dito.

i got this from my friend's laptop. she's a SHE.. look alike sila.. heheh.. kaya naintriga ako kung bakit niya kinuha tong picture na to.. sa palagay niyo, hidden cam ba to or sinadya? wala lang.. kasi parang nag pose pa talaga sila para makuhanan diba? nakaka intriga lang talaga..

and heart can report to the police about this kind of scandal right? I know this is very old to discuss about pero ngayon ko lang naisip na bakit hanggang ngayon eh usong uso na yang kawalangyaan ng mga tao na kinukuhanan ultimo mga pag se sex nila ng bf niya!?! Isn’t that weird? Makatao pa ba tong Gawain na to? I think its not..



ive seen a lot of scandals when 2005 came…. Ewan ko kung ang panahon na to eh para sa mga kawalangyaan talaga. Hindi ko alam kung anong napapala nang mga taong tuwang tuwa sa mga kahalayang pinag gagawa nila.

First scandal I saw was Michelle Estevez.. but I saw it only on TV when it was reported in almost all news reports in the Philippines. Siyempre, nakakahiya diba? As a girl, naaawa ako sa kanya kasi nabastos siya.. nakita lahat lahat sa kanya dahil sa mga taong walang magawa.. pero in any ways, hindi maiiwasan nang tao na masisi siya dahil bakit niya hinayaan ang sarili niyang maging bangag that time diba?

para sa isang katulad ko, mahirap din para sa kin ang makakita ng mga babaeng kinukuhaan ng mga malilibog na lalake using their VIDEO PHONES!

halata naman kasi kay Michelle na lasing siya dahil sa itsura pa lang eh. pero hindi pa rin natin alam lahat kung ano talaga ang nangyari sa kanya. well, since nasabi na niya on national TV kung ano talaga ang nangyari sa kanya, OFF ISSUE na siya..



as if!?! ang pangit naman nung babae na sinasabing si heart yung nakikipag sex dun sa guy na malaki ang katawan! as if noh! ako man when i saw it, alam ko agad na hindi si heart yun.

tska bakit naman niya gugustuhin na magkaka sex video siya right? wala lang...



wala lang.. obvious na siya yun.. sa ilong pa lang niya eh.. pero im still sad for her kasi parang nabiktima siya dito eh.. and its still questionable kung sino ang may pakana nito... diba parang napaka baboy ng dating? from her provate part upto her breasts then yung face niya? parang planado lahat na after niyang mabangag eh kukuhanan siya ng video?



oh my GAWD! parang naliligo lang na bata.. these are the lines na madalas kong naririnig everytime na may nakakakita ng video clip ni mahal.. heheh... bakit naman kasi diba ifinorward pa ng kasama niya yun?!



katangahan lang niya dito eh yung nagsalita siya.. syempre, mare recognize yun diba? tapos puro kalaswaan lang lahat!

kayo, ma te take niyo ba pakisamahan pa ang bf niyo or asawa niyo na kinukuhanan kayo ng video and fini finger ang private part niyo? sorry to say this but.. this isnt right! may mga babae naman na nagrereklamo sa police kapag na ha harassed sila pero eto naman si booba eh gustong gusto pa.. maybe gusto lang niya talagang magpa kuha kasama ang private part niya.. pinagmamalaki daw ba.. heheh..

so any side comments?

opinions ko lang lahat to ha... at may rights lang akong ilagay ang mga gusto kong sabihin because this is my own blog....

~out~

3/10/2005

hi every one! just finished my 1st set of photojournalism project! hay.. late pa.. badtrip pa! hay nako! mga tao talaga ngayon! ang sakit sa ulo! ewan!!!! ^/^,

3/09/2005

http://petpages.neopets.com/~markito328 see my pet's page please????
its our 7th monthsary! ang cute namin noh? heheh.. ang tagal na namin... sana magtuloy tuloy . . maha ko to!

3/03/2005

so freakin tired of doing my projects!!!! sana matapos na to.. kind of pressured pero ayos lang.. kaya ko to.. alam ko.. gusto ko lang sana magpahinga kaso hindi pwede.. sayang ang oras, sayang sa panahon..

kung pwede nga lang mag magic na lang para tapos na lang lahat! ... ... pero naisip ko, kahit mahirap ang mga dinadaanan ko, at least nag aaral pa rin ako.. hindi gaya nang mga tambay sa labas.. pa kanta kanta lang.. pa hingi hingi na pambili ng yosi.. walang patutunguhan ang buhay..

hay buhay! .....

good luck sa kin.....

~out~

2/18/2005

hi guys! i am so happy today kasi naka 4.0 ako sa ENR1 namin! grabe! kaso malungkot din at the same time kasi hindi kami nagkita ni nieko ngayon.. kasi napagalitan siya ni kuya ryan kasi hindi siya umuwi kahapon sa kanila.. ayon.. absent nga pala ako sa dev broad namin, tska brown out din! naalala ko tuloy na prof namin dun si ms. salvan eh pag brown out, hindi na nagkaklase pa yon.. heheh.. pumasok na lang ako sa RTV namin.. ayon.. nabasa ko dun nung nag internet ako yung post na reply sa kin ni sir rivera.. hahaha.. kakatuwa! ^_^ miss ko na tuloy yon!

tapos nagkita kami ni sky bandang 3pm.. tambay sa dorm.. mayamaya dumating si jem with sachie... tapos ayon.. kuwentuhan.. tapos nung umalis na si jem, mayamaya rin eh umalis na rin kami ni sky.. pumunta muna kami sa dorm ni conrad kasi hinanap namin si ayesha.. tapos umuwi na si sky tapos ako, nagpunta na ko sa dorm nila iyah.. my new found friends.. ^_^

haay... miss ko na mahal ko! love you mahal ko! mwahmwahmwah!!!!!!! ^_^

~out~

2/07/2005

mahal ko... thanks for everything.. mahal na mahal kita. sensya na po sa lahat lahat ha! i love you! i love you! i love you! alam mo naman yun diba? i always tell that to you ... hindi ko nakakalimutan yun na sabihin kasi yun ang totoo! mahal ko, sana magtagal tayo! :) hindi na ko makapag hintay sa 1 year anniv natin!heheh... layo pa nun! :) saya saya ko siguro pag dumating tayo dun! wahahah!!! :) mahal ko, sana hindi na tayo mag away ha. kanina hindi tayo nag away.. muntik na.. pero naging ok naman... mahal kita eh! o sige po.. till here na lang..