5/10/2005

nakakainis ngayong araw na to!

kainis! kaw na, malimutan mo ang pin number ng Credit Card mo! eh kailangan ko nang bayaran ang midterm ko ngayon! bullshit talaga! tapos pagdating ko pa computer shop, hinahanap ko si Mark na nandun din si lugar na yon. aba, tinawag ko nat lahat, hindi pa agad lumapit! kinulbit ko pa siya bago niya ko pinansin .. tinataguan lang raw niya ko.. ewan ko ba! eh super problemado na ko ngayon! tapos gaganun pa soya. tapos nung lumabas ako, hindi man lang sumunod! kumumpol pa ulit dun sa mga tropa niya! tapos mayamaya, pagkalabas nila, sasabihin niya na papasok na raw sila. ano yun? hindi na nga niya ko sinamahan kahit saglit eh biglang aalis na agad siya. sino ba naman ang hindi maaasar nun! tapos pansin ko lang na hindi na siya malambing sa kin.. ano bang nagawa ko? masungit ako? eh siyempre, ikaw ba naman, hahalikan ka na ngat lahat, ikaw pa tong aayaw. kainis! kesyo mabaho raw siya.. eh ano! as if naman! wala naman akong paki dun eh. hindi naman niya ko kailangan pagsungitan din. yon nga, sasabihan niya ko na masungit ako tapos hindi man lang niya pansin na sinusungitan na rin niya ko. hindi ko na siya maintindihan eh.. parang ako na lang lagi ang nagpapasensiya.. nanunuyo.. naglalambing.. lumalapit.. hay nako! hindi ko na alam.. pero mahal ko siya.. tapos kanina, nakatayo ako nung pinuntahan ko siya dito sa computer shop.. aba, hindi man lang nag offer ng chair.. talagang hinayaan lang niya ko na nakatayo.. ano ba!

minsan naisip ko, ganun ba talaga pag matagal na ang relationship niyo? para sakin, parang habang tumatagal, dun ako nagiging sweet eh.. ewan ko.. minsan naisip ko, nagbago ba siya?

mahal ko siya, oo... aminado ako... pero nakakatampo lang eh. alam mo yung times na nagpapaganda ka para sa kanya tapos hindi niya mapapansin.. nagpa relax ako ulit ng hair para magpacute sa kanya, hindi man lang niya binabati everytime na inaayos ko ng maigi..

mga simple things na gusto kong ma appreciate niya na hindi ko man lang nakukuha.. sasabihin lang niya na "dati ka pa naman maganda eh".. eh hello! nagpapaganda pa nga lalo para sayo eh!

ewan ko.. kailangan ko lang ilabas tong sama ng loob ko..

walang kokontra! this is what i feel!

~out~

No comments: