4/15/2005

hay.. life is so short.. ngayong week, nakarinig ako ng mga balita na marami na ang namatay sa la salle.. haay.. si kuya allan na nagtatrabaho sa MPR sa JFH. tapos si Papu na kaibigan nila mark.. tapos may isa pa pala na medicine student na nabaril ata namatay rin on the spot. naisip ko, bakit kailangang mangyari to sa isang linggo lang?

si kuya allan, naging part na siya ng life naming magka kaklase.. kasi siya yung in charge sa pg e edit, pag bu burn ng mga music. alam mo yun, siya yung first na naging ka close ko sa MPR Boys tapos siya yung mawawala.. haay.. kelan lang rin nung nakita ko si Papu nung nakasalubong namin siya ni mark nung nag enroll kami.

para nga ring nakakawalang gana na ngayon kasi kahit anong ingat ang gawin natin, mangyayari't mangyayari pa rin yon.. kung time na ba talaga natin.

my friend Angela was a victim of holduppers..

sana ako, kahit ganito ako kawalanghiya, matagal pa rin ang mararating ko.. marami pa akong pangarap sa buhay. marami pa akong balak gawin sa buhay ko.. m,arami pa akong gustong pasayahin gaya ng nieko.. gusto kong ma fulfill yung mga gusto ko.. magawa lahat ng pangarap ng parents ko sa kin.

marami akong mahal sa buhay gaya ng parents ko, boyfriend ko, friends ko.. sana pag ako naman ang nawala(wag sanang mangyari), maisip nila na hindi ako kawawa.. kasi lahat naman tayo mawawala dito sa mundo. i mean sana hindi sila malungkot kasi nauna na ko sa kanila. dapat maging masaya rin sila on the other hand kasi at least, sa buhay ko at buhay nila, nagkasama sama kami.

and for all those people who kept fighting me on my back, sana matuto na kayo.. maigsi lang ang buhay. sabi nga ni Sky, KARMA LANG YAN.. sige kayo, baka kayo na sumunod sa kanila! hehehe..

JOKE!

~out~

No comments: