Yehey!!! Sweldo na naman! Last day ko na to sa work ko at Maternity Leave na ko by tomorrow until March 1 '09 .. Excited na nga ba ko para mag New Year?
Siguro ... Pero wala ng mas hihigit pa sa pagiging excited naming lahat kung dadating na ang little angel namen..
Siya lang lahat ang pinaglalaanan namen. Nagwwork kame ng Dad niya for his future. Sana lang, maging good baby siya.
Gaya ng ibang mga nanay, naiisip ko rin yung mga tanong na:
"Magiging mabuti ba akong ina sa kanya?"
"Mapapalaki ko kaya siya ng maayos?"
"Magiging mabuti ba siyang anak at susundin lahat ng tama?"
"Makakapagtapos kaya ang anak ko ng kolehiyo?"
Eto ang mga uri ng tanong na palaging sumasagi sa isip ng mga magulang. Pero ang sa kin, as long as you are all happy together, magiging mabuti at masaya ang pagsasama ng buong pamilya.
Sa totoo lang, hindi naman talaga madali ang maging isang anak.
Pero pano pa kaya ang pagiging isang MAGULANG..
Masasabi kong maswerte ako dahil may magulang ako na laging nandyan. Nagkamali man ako ng minsan, napatawad din nila ako kaagad dahil sa mabuting pinakita ko rin sa kanila.
Hindi ako perpekto...
Pero iginalang ko kung ano sila.. at kung ano ang tama... Pinag aral nila ako at humiling sa Diyos na makapagtapos ako.. nakita ko sa kanila ang sikap sa pagtatrabaho, makakain lang kame, makapag aral lang ako, at mapagtapos..
Hinding hindi masusukat ng kahit na ano ang nagawa ng mga magulang ko sa kin.
Kaya nandito ako lagi para sa kanila para umagapay..
~out~
No comments:
Post a Comment