12/29/2008

Missing Abbie



Why I miss this girl so much ...

Kailangan pa ba itanong yan? hehe ..

Ganda ba naman ng kaibigan kong to , tignan niyo naman. First year college pa lang kame, magkasama na kame sa lahat ng class. Hindi naghiwalay mula Pol Sci hanggang mag Broad Journ..

Namimiss ko kay Abbie yung pagiging makulit. Matakaw.. at bongga sa bango! hihihi ..
Ang kulit pa nito minsan, pag papasok na kame sa class, papasundo pa sa dorm niya. At ang tagal pa lumabas. Kikayers.. hehe. Tapos maglalakad kame, parang mag gfs .. haha, holding hands while walking.

TIBO??

Hindi naman...

Medyo nagkakatampuhan lang minsan, siyempre hindi naman mawawala sa magkaibigan yun. Hanggang sa makakita na kame ng iba pang friends.. Pero hindi naman namen kinakalimutan ang isat isa.Pag kailangan ko ng kausap about love, nandyan naman siya.

Naaalala ko pag may nangaaway sa kanya, ako unang naaapektuhan. Ewan ko. Ayoko lang kasi na nasasaktan siya.

Proud ako kasi kahit minsan naituring niya akong bestfriend .. kahit 2 taon lang kame halos nagkasama ng matagal. Siyempre, nakatagpo na siya ng MAN OF HER LIFE .. At dun na syempre ang focus niya. At ako rin, nagka bf na.

Natutuwa ako pag nirrecall ko lang yung mga pinagsamahan namen ni Abbie. Yung nagpa picture pa kame sa Waltermart, para may remembrance. hehe.

Magdidinner lagi ng sabay, walang ligtas. At ang babaeng to, napaka lakas kumain! Hindi naman tumataba!

Nga pala, may sasabihin ako ... Eto walang kasinungalingan to ..

Nung magkaklase pa kame, lagi niya sinasabi dream niya maging MODEL ..Wala akong pera dati non, malapit na din kasi noon ang bday niya.. Hindi ko alam ang ireregalo ko sa kanya.. Alam niyo ba naisip ko? Maghahanap sana ko ng tao na makakatulong sa kin para maipasok siya sa Modelling ... Kaso, naunahan ako.. Nalaman ko na lang na may nasalihan na si Abbie.
Sayang gusto ko pa naman siya non i-surprise..

Wala lang.. Share ko lang..

ABBIE

You know how much I love you... Sobrang tuwa ko kasi isa ka sa mga treasured friend ko.. Kahit isa lang ako sa maliit na kaibigan mo, sana hindi mo pa rin ako kalimutan...

~out~

2 comments:

-tina- said...

ang petty naman niya.. :)

lenny said...

Symepre Tina .. bestfriend eh .. heheh .. ganda lahat .. ^_^