12/28/2008

PASKO NILA





Ganito ang madalas natin makita natin sa kalye ... Madaming bata sa lansangan na walang damit, madungis, walang permanenteng bahay.



Bakit ganun ang mga tao sa mundo? Mag aanak ng marami pagkatapos papabayaan lang nila?

Konting kulbit lang, kinabukasan buntis na...

Naghihirap na nga ang buong mundo, dumadami pa lalo ang mga tao ..

Ako, magkaka baby na rin by next year .. Pero handa na kame dito .. May nakalaan na savings para sa baby ko..

Mahirap lang sa loob yung ganyan na makikita mong ang daming tao sa kalsada, biglang may nagkalat din sa tabi na mga maliliit na batang napakadumi ng itsura.


Hindi ba naaawa ang mga magulang nila sa kanila? Ang akin lang, sana isipin muna nila ang mga gagawin nila, kasi hindi naman sila ang nahihirapan eh, yung mga batang inilalabas nila mula sa sinapupunan nila.

Pagkatapos isisisi nila sa gobyerno na hindi sila kayang tugunan sa mga pangangailangan nila?


Ang daming magulang na gusto magka anak pero hindi magka anak. Lahat ginagawa nila para mabigyan sila ng supling.

Pero ano ang ginagawa ng iba dyan? Itinatapon nila sa kalye. Tapos pag may nakapulot, at nabigyan ng magandang kinabukasan, kukunin na .. ano yan, tuta? Na pag naging aso na, kukunin na?


Hay nako!

Para sa mga magulang .... please wag nyo naman pabayaan ang mga anak niyo..


~out~

No comments: