12/30/2008

I MISSED THEM SO MUCH


<

With Gela ... Pauwi na kame nito from Starbucks dati pa.. Hindi pa ako pregnant. Kakamiss tong babae na to. Ang kulit. Haha! Buti at nagka work kaagad siya sa Singapore . So proud of her ...
Naalala ko nung college, tatambay.. magkatext lage pag magkikita na.. sa inuman, napaka behave. Ang lakas uminom! Uuwi pa sa Bacoor ang lagay na to..
Napaka pihikan pa sa lalake... haha.. Nag match ako sa kanya, si Nockie, dati .. Wawa yung guy, kasi hindi niya pinapansin, though medyo type din niya kasi kalbo. haha.. weird, kalbo lang, crush na.. well, ganon kame kababaw.. Haha!
Ang maganda dito kay Gela, magaling magpigil ng sarili. Like sa pagyoyosi, pag sinabi niyang ayaw niya, talagang ndi mo siya mapipilit.
Naalala ko tuloy nung naka grad na kame ni Jem, siya naman ang pinupuntahan namen ni Jem sa school. Haha!!Wala na siya mapuntahan, school bahay na lang siya nung umalis na kame sa DLSU-D .. Haha..
Wala ka makikitang problema sa mukha ng babae na to grabe.. Laging masaya.. Swerte nga ng lalake na magiging asawa neto, bakit kamo?
MAGANDA na, MATALINO pa.
Matatawa ka dito, aabsent, papasok pag gusto niya nung dating naging magkaklase kame, tapos pag quiz, aba, ako pa nangongopya! wahaha!!
At almost perfect pa niya!
Miss ko na talaga to si Gela..


Si Jem, this was the time na paalis na siya at papasok na sa office.. Iniimpluwensiyahan na namen na wag na siya pumasok, minsan lang kase kame magsama sama, aba, nangiwan pa rin! Haha!
Naging close kame neto ni Jem nung 2nd year 2nd sem, I believe...
Yung mga time ni Lady Gudaiva sa isa sa major namen nung Summer. Haha! Siya yung lage ko kausap sa room, kasi petitioned subject namen yun.Nagsama ang Comm at Broad Journ... Nakakatuwa tong babae na to kasi she knows how to go with the flow. Walang arte, walang kahit anong makikita mo.. KIKAY lang .. yun lang ... haha!
Mayosi, malakas rin uminom, pero the best talaga yung dati na nangyari sa min ni Mark na nagaway kame sa tabi ng kalsada na bangag talaga ko.. Si Jem ang sumaklolo sa kin...
Hindi ko yun malilimutan siya ang hinanap ko nun.. Buti at hindi pa sya nakakauwi. Hay. Just like Angela, hindi ako iniiwan..
May song pa nga siya na paborito nung summer class namen.. THIS LOVE.. haha !
Kaya pag naririnig ko yun, naaalala ko siya, till now. At ang favorite ko naman that time eh I MISS YOU by Blink182 ...
Parang si Angela lang din to, maganda na, matalino pa..
Hindi rin ako iniiwan sa times na kelangan ko siya. Laging excited makita ko..
Kahit naka grad na kame, pag may time siya, pinupuntahan niya ko sa office kahit maglakad siya ng hatinggabi sa kalsada from her office to mine. Grabe..
Kakamiss lang yung bonding na yun. Last na nagkita kame yung maliit pa tyan ko eh, sa Shakey's pa yun sa Festival.



Hay .. Hindi ko sila malilimutan.. Tignan niyo naman ang ayus namen diba. sa harap ng madaming tao sa ATC, nag gaganto kame. Haha!! Mga hindi nahihiya.. Bakit ba, inggit sila? Eh di GAYA ... hehe ..

Sana next year pag dumating si Gela, may time si Jem para naman happy ulit kameng tatlo..
Kakamiss mga tambay natin sa dorm ko .. Mga inaantok ang mga to sa kwarto ko pag humihiga at ayaw na mga bumangon ..
Well, ang panlaban ko lang eh ang mahiwagang PASABOG ko!
ALam na nila yun. Haha!! Ang baho eh ..
Pazis, miss ko na kayo ..

LOVE YOU GUYS!!!
Mwah!!
~out~

No comments: