2/23/2006

many things happened.. many happy moments but some were sad.. but the thing is, ive learned a lot.. a lot to make myself more independent and strong!

many people changed me.. many people taught me how to live.. make the worst out of me..

but still, here i am.. grabbing the best star!

i hope i could get the most precious diamond in the land to make my family happy..

i hope i could say all the words that could perfectly make my relationship with my loved one last forever..

i know words cannot make one feels your sincerity..

but at least, youve said it while its not too late..

i loved the things happened to my life.. though it really made me almost die..

i love the crying moments.. but i dont miss it..

pain is always there..

even you dont want to feel it, life couldnt last without it.

i love almost all about my life..

heartaches, happy things, tragic days, people who have hurt me so much..

thank you....

~out~

1/04/2006

okay na kame ni mark.. THANK GOD! grabe! ganda nga ng salubong nang NEW YEAR sa kin eh.. sana magtuluy tuloy na.. sana wala na ko ma experience na kakainisan ko lang sa buong term! ayoko na ng sakit ng ulo! pede ba!?! ....

haaay.. i love Mark so much! im so sorry talaga nieko kung nasaktan kita at dun sa mga kagaguhan na ginawa ko sayo!

mahal na mahal kita Nieko! mwah!

12/13/2005

ang sakit sakit ng pakiramdam sa tuwing nakikita mo ang taong mahal mo na hindi mo man lang makita na hindi naaapektuhan sa mga nangyayari sa inyo...

bakit ganon??.... alam ko marami akong pagkakamali pero hindi lang naman ako ang may mali eh...

pero ang sakit sakit sa tuwing nakikita ko siya tapos wala man lang paki sa kin. hindi ko alam kung para saan yung mga ginagawa niyang yun sa kin pero sa totoo lang, nasasaktan ako. gusto ko ng pakamatay sa mga pinag gagagawa niya sa kin.. hindi ko man siya makausap ng ayos... hindi ko siya malapitan o malambing man lang.. hindi ko alam kung bakit ganon siya..

gusto na ba talaga niya kong iwasan.. iwanan??...

para na rin niya kong pinapatay sa ginagawa niya eh...

mahal na mahal ko yung tao tapos kung ano ano ang ilalagay niya sa shout out sa friendster niya...

ganun na ba katindi ang GYERA sa pagitan namin???

alam ko, kahit saang anggulo tingnan, sige, ako na lang .. ako na lahat ang may gawa...

ako na ang may mali.. ako na ang may kasalanan..

pero kahit ano rin ang gawin niya, mahal na mahal ko siya..

ngayon, binuksan ko ang friendster ko.. tiningnan ko profile niya... may shout out na naman siyang bago...

ang sakit.. sobra!!!!!!!!! totoo lang.. mas gusto ko pang patayin na lang niya ko kesa sa harap harapan niya kong sinasaktan....

bakit kailangang ipangalandakan niya sa lahat ng tao na hindi siya apektado, na hindi na niya ko kailangan, hindi na niya ko mahal....

bakit???.... hindi ka ba naging masaya nung kasama mo ko!???!!!!!!

yun lang ang tanong ko!!!

~out~

12/11/2005

being single is oh so enjoying.. but there's always a bad side on it... nakakalungkot isipin na kahit anong ipilit mo sa sarili mo eh hindi mo pa rin kayang iwanan at isantabi ang mga napag daanan niyo..

i met new friends, new company.... yup, i enjoy being with them.. but there's still this pain inside me that though im trying so hard to hide it, i just cant...

lot of people try to comfort me.. sure, i appreciate what theyre doing.. but you cannot teach my heart to forget him that quick...

hope this coming prelim exam will be okay.. sana walang hassle.. i promised to him na hindi muna ko iinom eh.. heheheh..

love you all! thanks for the support!

i miss you nieko!

~out~

12/04/2005

better off like this

"ang dami dami dyang iba bakit yung katulad mo pa!"

"TANGA! MAMAW! GAGO! SIRA ULO! PRANING!"

"BUYSIT KA! OO NA! AYOKO NA!"

what came to your mind when you read these??? and sakit diba? oo.. tama kayo sa iniisip niyo.. it's totally over.. adn i dont know when this thing ends.. i mean kung magiging okay pa ba kami..

i dont want people to ask me why did we broke up... all i can say, DI SIGURO KAME PARA SA ISA'T ISA...

minahal ko siya ng sobra.. masama ba yun?

siya lang ang lalakeng ginawa ko ang lahat para mapakita kung gaano ko siya kamahal! pero ewan ko... ganito lang talaga pag di kayo magkasundo..

inaamin ko, ako ang may gawa.. sinasaktan ko siya "physically"... pero siya rin naman eh, just look what he said.. tanga raw ako, bobo, sira ulo...... okay lang sakin kung bugbugin niya ko eh.. wag lang ako sabihan ng mga words na to.. sa dinami dami pa ng taong magsasabi sa kin eh yung taong pilit kong pinaglalaban sa kahit na sinong tao..

di ako perpekto.. nagagalit, napipikon, naaasar... masama bang ilabas ko ang galit ko sa pananakit ko sa kanya??... oo, iniwan niya ko dahil: "ayaw ko ng mabugbog mo!"

kung iisipin mo, ano ang mas masakit? ang mga pasa sa katawan o ang mga matatalim na salitang binabato ng mahal mo??

oo, masyado akong mapilit, lahat ng gusto ko kailangan gawin niya.. sinabihan pa nga niya ako na "para akong robot na kung ano ang sabihin mo, kailangan gawin ko"..

pano ko nman di sasabihin lahat ng dapat niyang gawin eh dahil di naman siya gumagalaw. kailangan ko pa siyang sabihan na:

"mahal, kiss mo ko.."

"mahal, hug mo ko.."

"mahal, mahal mo ba ko?"
then he nods.. at pipilitin ko pa siyang sabihin yung word na "MAHAL KITA" para marinig ko lang mismo sa bibig niya na mahal niya ko......

now tell me, masama ba yung sabihan ko siya??....

siya lang ang lalake na hinahalikan ko in public, siya lang ang niyayakap ko in public... ano bang nagawa ko??.. kung kelan sa kanya ko na binuhos ang lahat ng attention eh sa kanya pa ako nakaranas ng ganito??.... parang di niya ko na a appreciate! ....

APPRECIATE nga ba ang sabi ko??....
nakaw! ndi niya talaga ako na a appreciate! kahit siguro anong gawin kong pag aayos eh hindi niya ko mapapansin! hindi niya sasabihin na maganda ako kapag hindi ko tinanong, di niya sasabihin na mabango ako pag di ko sinabi na mabaho ako... di niya sasabihin na magaling akong sumayaw pag di ko tinanong..

ngayon, pano ko malalaman na gusto pa rin niya lahat lahat sa kin??.... sabihin niyo!

kagabi, aaminin ko, umiyak talaga ako.. kasabay ng panonood ko ng I WILL SURVIVE... ang kwento kasi nun eh mag bestfriends sila tapos walang iwanan.. kaso lahat naman ng nagiging partner nila sa buhay eh iniiwan sila pero sila eh nagdadamayan pa rin.. tapos ang ending eh namatay si Eric Quizon dun.. tapos napaiyak na lang ako... thinking na parang namatayan na rin ako..

miss ko na siya.. parang di na talaga ako sanay na wala siya.. parang di ako mabubuhay pag wala siya.. kaso siya na ang nang iwan sa kin eh.. siguro ayaw na talaga niya sa kin.. sana mamaya hindi na ko umiyak.. kahit sabik na sabik na ko sa kanya, kahit gusto ko na siyang makita kahit hindi niya ko pansinin, okay lang sa kin basta makita ko lang siya.

ang hirap talagang magmahal.....

di naman ako nagsisi eh.. ewan ko lang sa kanya.. kaso, SINAYANG NIYA AKO!

yun lang masasabi ko! sinayang niya ko!

oo, mahilig akong manakit.. pero masarap naman akong magmahal noh! ewan ko lang kung may babae pa siyang makikita na tulad ko na hindi nahihiyang ipakita sa lahat ng tao at sabihin sa lahat lahat na mahal na mahal na mahal ko siya!

mark, nieko, honeyko, baby, dadibabynieko

...... lahat lahat na ng naitawag ko sayo, eto na... sana pag nagka girlfriend ka ulit, walang tatawag nito sayo.. lagot ka sa kin..

hindi ko pa tanggap na wala na tayo.. pero wala akong magawa.. ikaw na ang may gusto..

sabi mo diba na hindi ako natatakot talagang mawala ka.. di totoo yun...

sorry sa lahat ng nagawa ko sayo.. sa lahat ng mga pasa na naibigay ko sayo.. mawawala rin yan.. hayaan mo.. di ka na masasaktan..

mahal na mahal pa rin kita alam mo ba yun.. makita mo man akong masaya, kunwari lang yun... hindi ako magiging masaya pag di ka kasama....

mahal na mahal kita nieko!!!!

di ko na mapigilan ang iyak ko dito. para na kong tanga.. di ko lang talaga mapigilan eh.. heheheh..

o siya. got to go! iiyak pa ko ...

~Out~

11/28/2005

IM SO NUMB!!!!!!!!!


SO NUMB

i'm tired of being what you want me to be feeling so faithless lost under the surface i don't know what you're expecting of me put under the pressure of walking in your shoes [caught in the undertow / just caught in the undertow] every step that i take is another mistake to you
i've become so numb i can't feel you there become so tired so much more aware i'm becoming this all i want to do is be more like me and be less like you
can't you see that you're smothering me holding too tightly afraid to lose control cause everything that you thought i would be has fallen apart right in front of you
[caught in the undertow / just caught in the undertow] every step that i take is another mistake to you [caught in the undertow / just caught in the undertow] and every second i waste is more than i can take
but i know i may end up failing too but i know you were just like me with someone disappointed in you

11/25/2005

inayos ko ang problema and i talked to him.. i never shouted.. i never said bad words.. i was just crying and telling him how much i love him and how much i treasure him.. i said when i am bored in the class, i always write my signature with his surname over it.. imagining that were together na.. and then ayon.. okay na kami maya maya... i hugged him super close to me and i cried like i can hardly breath.. he hugged me back and said : "tama na.. tama na... " like it is quoted with "tama na, okay na.. hindi na kita iiwan pa"..... i almost cry out loud when i heard that.. para kong nabunutan ng tinik! haaay.. thank God! i love that guy!

love you nieko!

~ouT~

11/24/2005

were having our discussion right now in my broad management subject. la lang.. la akong magawa eh. katamad makinig...
kagabi pala, muntik na kaming mag break ni mark..
ewan ko.. biglaan na lang...
kasi kagabi, last day na yon ng monitoring namin ni aye para sa jewel in the palace.. eh gusto ko siyang kasama... kaya nagpahintay ako kay mark up to 11pm. ok lang daw sa kanya nung una.. e di punta na ko sa dorm ni aye.. nag ayos na kami ng mga gagawin.. tapos nag text siya sa kin mya mya na gusto na raw niyang umuwi kasi nga may sakit na pala siya.. eh gusto na niya kong iwan at dun na lang ako sa dorm daw matulog.. eh nakapag sabi na ko sa may ari ng dorm ko na hindi ako dun tutulog eh. tapos nagpahintay pa rin ako...
habang nasa jeep kami, medyo matamlay na siya.. tapos habang naglalakad kami sa loob na ng village nila, eto na, nagtanong na ko sa kanya kung ayaw ba niya kong kasama.. bigla siyang tumahimik tapos biglang bumanat na "kung ayaw mo na, mas ayaw ko sayo"..... eh wala naman akong sinasabi sa kanya nung gabi na yon dahil napaka ayos namin nun.. and then bigla niyang sinabi nung tinanong ko sa kanya na bakit niya sinabi yun, "bakit hindi mo itanong sa sarili mo yan".... oo, hindi ko man alam kung gano kadaming beses na kong nagsabi sa kanya na ayaw ko na sa kanya, pero do you think, magtatagal pa ba ko sa kanya if i still feel it?? may mga dahilan naman ako why i said that pero hindi ko talaga sinasadya... pero mahal ko talaga siya..
-to be continue-

11/23/2005

thesis defense ko na sa december 07! shit talaga! kinakabahan na ko! hay... sana makapasa ako.. natatakot ako sa mga panelist eh. at sa sasabihin ng tatay ko dahil sa mahal na babayaran ko. waaaa!!!

sa sobrang hirap na ng buhay ngayon, haos pumapayat na talaga ako sa sobrang problemado.. sinasabihan ako ng parents ko na mag tipid daw ako.. oo ginagawa ko na yun. pero dala na rin to ng problema at sa sobrang pagod at nagkasakit na rin ako dahil sa stress.. haaay...

good luck sa min lahat! sana walang bumagsak sa thesis defense talaga... waaa!!!

mahal kita nieko! mwah!

~out~

11/18/2005

hay.. finally, nakapag mock defense na ko at nakapag practice na ko with my thesis adviser kanina. grabe, nakaka kaba to think na isa pa lang yung nagtatanong sa kin.. kinakabahan na nga ako sa paparating na thesis defense talaga eh! waaa!!!!!!

i was with Jem sa labas.. kala ko umuwi na siya. heheh.. nagkita kami kanina dito sa shop. ayon.. kwentuhan.. yosi.. ^_^

gusto ko nga palang sabihin: THANK YOU NIEKO sa lahat ng nagawa mo para sa kin. although hindi mo nababasa ang mga nilalagay ko dito, sobrang thank you ako sayo! dahil kung hindi dahil sayo, hindi ako makakatapos ng thesis ko. i love you so much dadibabynieko! i miss you na!

ingat po sa lahat!

~out~

11/15/2005

Yup! Im back! Heheheh... nakakainis ang buhay ko ngayon.. nakapag submit na ko ng thesis ko pero rejected siya kaya inulit ko. Ubos na pera ko sobra! Sa printing pa lang ubos na! Hay! Pero ayos lang. Nakaka tuwang isipin na pinag hirapan ko yun! Hahahah!!!! ^_^
kasama ko kanina si Abbie, sinamahan ko siya sa kuhanan ng grad pic namin. Kaso hindi na siya umabot.. so hinatid na niya ko sa may Dept.. wala lang.. tamang tambay kami dun. Nakaka miss na yung babaeng yun! Sobrang busy lang ako kaya hindi ko masabi sa kanya how much i miss our bonding.. and im happy for her na kasama na siya sa modeling agency ng Elan! Wow! Pero sana ma handle pa rin niya ang studies kasama ang career.. Good luck sayo abbie! ANIMO LA SALLE!
Nakapag overload na ko ng 6 units ulit so 21 na all in all ang units ko! Astig! Makakagraduate na ko sa summer. Pero sa march ako mag mamarcha! Wahah! Astig ng rhyme noh! Heheheh... hay.. sana makatapos na talaga ako. Natatakot lang talaga ako sa thesis ko. Waaaa! Pero buti na lang nandyan si Mrs. Salvan to give me her support! I love her! ^_^
miss ko na ang sister ko! We were together nung saturday night dahil bday party ng mmommy niya. Ayon, tamang kantahan kami sa videoke. Pamilyang mahilig kumanta yun eh! Pati ako nadamay pa! Kinanta ko yung better days kahit di ko alam pano kantahin yung mabilis dun! Nag humming na lang ako! Weheh.. nakakamiss yung pagtawa niya everytime na sinasabi ang word na JOK! (as in joke)... hay.. may puppy kami na pareho ang breed.. kaso mas maliit lang yung akin. Ang bait nga nung pup niya eh.. hay..
SIS, katabi ko si kuya randy.. miss ka na niya. Sabi niya layo pa raw ng bday ko, matagal ka pa niya makikita! Heheheh... ^_^ sis, senxa na hindi ako nagtagal sa bahay nio kasi gumawa pa ko ng thesis ko.. lam mo na.. waaaa!!! sis, nakuha ko na grad pic ko! CHAKA! Heheheh.. ^_^ love you!
kanta dito sa computer shop ang EVER AFTER , naalala ko tuloy si Eyah.. miss ko na rin yung bruhan yon! EYAH!!!!! MAGPAKITA KA SA KIN!!!! miss you po! Penge ng grad pic mo! ^_^ kayo ni abbie, bigyan niyo ko! Weheh!
Bday nga pala ni Jem bukas! Dude! Happy bday! Love yah! Pare, painom ka! May tanda ako na promise mo sa kin! Nalimutan ko lang kung ano.. heheheh... oi, penge ako ng grad pic mo!
Haaay.....
ano na kayang mangyayari sa buhay ko noh.. muntik na kong sumuko kahapon. Muntik ko ng pilasin ang grad pic ko! As in! Kasi feeling ko, babagsak ako. Pero di ko ginawa noh! Hindi pa namana ako ganun katanga para gawin yun! P900.00 din yun noh! Waaaa!!!! ^_^
kanina sinamahan ko boyfriend ko with his friends na kumain. Tapos may sumunod pang isa! Langya, isang sisig, pinag hatian ng tatlo! Tapos madami pang kanin ang inorder nila! Grabe! Lakas lumamon! Heheheh.. kaya hindi pumapayat boyfriend ko eh! Hindi ko naman mapigilan, eh pano, sa laki ba naman ng garahe ng pagkain niya eh mapipigilan ko ba yun! Heheheh.. ^_^
mahal kita nieko! Mwah!
~Out~~

11/10/2005

im here in JFH208 right now.. wala na kaming ginagawa kaya eto, nag blog na lang ako para hindi na ko gumastos mamaya..

ayon.. balak ko ngayon umuwi sa bahay.. may kukunin lang ako tapos hindi ko sure kung makaka balik agad ako sa dasma.

medyo hindi pa okay ang schedule ko ngayon dahil marami pa akong inaasikaso.. haay.. may thesis pa. kainis.. pero sana maging okay na ang lahat parang last sem..
pumasa nga pala ako sa chemistry.. heheh, pasang awa nga lang. weheh!
miss ko na si sis, si mark, yung bagong pup ko na si britney.. waaaaaaaaa!!!!!!!!
addict na naman ako sa GUNBOUND! sobra! dami ko nang avatar eh! lalakas pa! kaya lagi akong nasa avatar on! heheheh... ^_^

mahal na mahal kita nieko!

~out~

10/06/2005

sobrang hirap parati pag finals na... daming projects, daming assignments.. lahat lahat na nang pwedeng ipa submit ng professors! haaay.. ganyan talaga maging estudyante. believe me, hindi ka totoong estudyante pag hindi mo naranasang mag PANIC sa lahat ng deadlines ng projects mo.. haaay..

kanina, lahat ng mga masterpieces ng mga JOURNALISM students ay ipinalabas na sa Jose Basa bandang 11 am. nakakainip dahil ang tagal ipalabas ng documentary namin. heheheh.. pangatlo kasi kami sa huli.

para akong nabunutan nang isang tinik ngayon sa aking sarili.. nakakangiti na ko nang maayos. nakakapag saya na ko.. pero marami pa rin akong kailangang gawin..

THINGS TO DO:

kailangan ko nang mag present ng chapters 1-3 namin tomorrow. tapos kailangan kong gumawa ng assignment ko sa Elem Stat. tapos i have to write a script para sa Educational Broadcasting namin. Plus, i have to make a reaction paper from Chapters 1- 11! Goodness! sino ba naman ang hindi maloloko niyan!

natapos namin ang pag re edit ng maaga ng docu namin na ipinalabas na rin nga kanina. kaso na late kami ng gising.. eh kailangan naming pumasok ng 10am sa Chemistry namin dahil kailangan naming maka kuha ng special quizzes para makahabol kami sa grade. pero sa sobrang pagod at puyat, ayon, 9:30 na kami nagising.. si mark pa nga ang nanggising sa min eh. anywayz, ayon, good luck na lang sa amin sa Chemsitry grade sa finals. haaay..

------------------

buti pa si sis, vacation na niya sa Tuesday.. ako meron pang pasok dahil may exams pa ko.. 2 lang pero sa dorm pa rin ako tutulog from sunday to friday! heheheh.... wala lang.. para makasama ko ng matagal si Mark...

------------------

mahal na mahal kita mark!
salamat sa lahat..

-----------------

i wanna thank Ms. Salvan also for being so patient teaching me on my thesis.

----------------

Goodluck sa amin sa Video Post editing! P720.00 ang ambagan namin dahil P5000.00 ang package deal na kinuha nila.. ewan ko.. ang labo.. pero sana naman maging maganda naman ang kalalabasan dahil ANG MAHAL NUN!

~out~

10/04/2005

ang lungkot sa labas... parang walang ka buhay buhay.. pero wala yon sa kin.. lahat ng nasa loob ko, nagwawala.. gusto lahat makawala na.. gusto nang matapos na..

ayoko ng ganito na lahat na lang pare pareho ng deadlines.. pero that OUR LIFE! being a
student, kailangan talagang maging responsable sa mga paper works.. nagyon ko lang naranasan yon lahat lahat..

nararamdaman ko na ang pagiging isang 4th yr.. kaka galing ko lang sa department namin, nagpa consult ako sa adviser ko at nagpa validate ng survey questions ko sa isang professor.. ayon, okay naman daw. kaso ang problema, parang may nakagawa na raw ng topic na yon.. waaaa!!! pano na ko???.. baka ma revised na ko! wawa naman ako....
nakatulong naman silang pareho para mas maintindihan ko ang study ko.. sobrang nagpapasalamat ako sa kanilang dalawa..

mamaya makikipagkita ako kay george para ibigay na ang shotlists ng docu naman namin sa Video post production namin.. haay buhay naman talaga! ang hirap!
sabi ko nga sa parents ko, gusto ko nang gumraduate kasi ang hirap ng ganito.. umaasa ako sa magulang ko, tapos ang daming gastusin.. buti sana kung tapos na ako at may trabaho na ako na maayos.

gusto ko na talagang maka graduate! shit talaga!
nakakahiya na nga sa parents ko kasi puro pera na lang... wala na kong ginawa kung hindi padagdagan ang allowance ko kasi ang daming gastusin!
pero ganyan talaga....

at alam ko, may katapusan lahat to...

at MAKAKA GRADUATE NA RIN AKO SA WAKAS!!!!
GOOD LUCK SA MGA JOURNALISM 4TH YEAR!!
~out~

10/03/2005

this is SHIT!

gawd.. lapit na ang mga deadlines pero eto pa rin ako.. wala lang.. walang paki alam.. waaa!!!!

naiinis pa ko kay anton kasi hindi niya agad nakuha kay rey yung VHS tape eh kahapon ko pa tinetext yun sa kanya na wag niyang kalimutan! hay nako! kainis! pano na yun! eh kung magkikita lang kami ngayon ni rey eh di sana ako na lang ang kumuha eh ang usapan nila, magkikita sila ngayon! bakit pa kasi ako umasa sa kanya eh alam ko naman na baka malimutan niya! shit talagang buhay to!

i wanna die!

shit!!!!

tapos bukas may quiz pa kami s CHEMISTRY! PUCHA! tangina naman! kainis! puro na lang haggardness!! waaaa!!! punyeta talaga! i hate my life! i hate FINALS!!!!!

lots of requirements, deadlines !!! mukha na kong TANGA SA malalaki kong EYEBAGS!!!! waaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!

i hate it!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

punyeta!

tangina talaga!!!!!!!!!!!

~Out~

9/29/2005

haaay.. kakapagod.. ngayon lang ako ulit naka hawak ng computer.. im so relaxed right now..
sobrang stressed ako simula pa nung saturday for our docu! tapos pahinga ko lang nung sunday na umuwi ako sa bahay..

saturday - nagpunta ako sa kadiwa ng sobrang aga kasama si mark. bumalik kami don ng hapon para mag research ng mga tindera para sa interview. pumunta rin kami sa barangay hall.. haay..

monday- nagkita kami ni pepet sa 711 around 8:30am.. ayon inintay lang namin ng onti si anton pero dumerecho na rin kami sa kadiwa around 9:10am.. nakatayo lang kami at pagalala sa buong kadiwa kaka hunt ng mga bumbay na nagpaputang.. nakakainis nga lang kasi ako lang ang kumikilos sa pagtatanong.. nahihiya daw kasi si anton at pepet. oh well.. may mga hinabol akong mga bumbay pero ayaw nilang makipag usap ng matagal.. siguro dahil nga busy sila.. tapos hapon, dumating si sky, nagpunta na kami sa templo ng mga hindu sa may Gate 3.at JACKPOT talaga kami! may mga naka tambay na bumbay sa templo , mga naglalaro ng cards.. ayon, pumasok muna kami sa templo nila.. tapos nakipag usap na kami sa mga bumbay.. may nakilala kami doon at sinama kami sa bahay nila sa bayan. buti mabait siya. at JACKPOT na naman, naka REVO pa! wahah!ang kulit sa loob ng bahay nila, pinapanood nila puro sa india, hindi kami maka relate nila sky at karlo! wahah! pero enjoy naman..

tuesday- nagpunta kami sa bahay ng bumbay na nakilala namin. yung bayaw niya ang sasamahan namin sa paniningil nun sa palengke.. umagang umaga na naman yon! mga 9am.. maaga akong nagising nun! bad trip pa ko kay mark! kasi ang tagal niyang dumating nun.. haaay... tapos ayon nga, si pepet ang camera man, kami ni sky ang kasama.. sumama rin si karlo at mark.. natapos na namin ang lahat ng interview, footages ng paniningil ng bumbay.. haay! grabe! ang daming pera nung bumbay! as in! lahat na ata ng bulsa sa damit at pantalon niya may pera! wahah!!!tapos nagpunta na kami sa bahay ni anton.. i was expecting na maaga ang tapos ng editing namin.. shit! wala akong kadala dalang mga damit! ayon, nag overnight kami sa pag edit! punyeta! waaaa!!! at P55.00 na lang ang pera ko mula ng tuesday hanggang sa natapos na ang editing namin (thursday)...

wednesday- pina polish na ang docu namin.. tapos nagsulat na rin ng voice over.. nakapag download na rin ng music.. akala namin mapapasa namin ng maaga kaso nagka problema na naman.. grabe!na i burn na yung unang CD kaso nung sinalang na sa vcd player, waaaa, walang sounds. ayon inulit at hinek muna ni karlo. yung pagod namin, pagpupuyat namin, biglang madadagdagan pa dahil hindi namin naipasa on time! pero buti iniurong ni sir hanggang thursday.. sobrang puyat na puyat na kami! ako nga, konting pikit ko lang dun habang sinasamahan ko si sky sa pag eedit, walanghiya, tulog agad ako! wahah! sobrang tuloy tuloy kasi ang pagpupuyat namin! tapos ako ang huling natulog.. grabe si pet, sinakop yung buong sofa bed! wahah! sa sahig tuloy natulog sa tabi ko si mark.. lakas pa maghilik nung dalawa eh nasa gitna pa naman nila ako! heheheh! :)

thursday- hindi ko tanda yung oras pero ginising ako ni sky para itanong kung na i burn ko na yung CD.. eh hindi naman ako marunong nun eh. tska nahiya naman akong gisingin nun si karlo dahil laging napuputol ang tulog nun kakatawag ko para magpatulong sa computer. tapos ayon bumangon na kaming lahat. pinanood muna nila sky yung docu at tiningnan ang bedding bawat footages.. ayos naman daw. heheheh, aba ako ang huling natulog sa kanila para igawa ng music yung footage sa loob ng bahay ng mga bumbay ah! heheheh.. :) tapos nun umuwi muna si pepet at sky. binurn na nila karlo yung cd.. yung isa tumataon at yung isa naman eh maayos.. pero okay na yon! at least may nagawa na kami at polish na yun ng maigi! :) sabay sabay kami nila anton, mark at karlo palabas.. binaba ni anton si karlo sa isang kanto.. ewan ko kung saang lugar yun. heheheh! :) sabi ko kay anton, gawin na niya ang pinaka mabilis niyang pagmamaneho ng kotse niya para makahabol kami sa chemistry namin. grabe, habang natutulog ako sa likod, feeling ko tumatalbog talbog ako! wahah! :) at awa naman ng Diyos, naipasa na rin sa wakas ang docu namin! hay nako, pag nag comment yung prof namin dun baka mapatay na namin siya dahil sobrang effort na ibinigay namin sa pag gawa ng docu na yon! heheheh :)

nakapasok naman ako at nakahabol sa chemistry, late nga lang ng 30 minutes! :) tapos hindi na naman ako nakinig sa stat namin, gumawa kasi kami ni icko ng ipinasa ng mga kaklase ko nung tuesday eh diba hindi nga ako nakapasok dahil shooting day namin yun.. waaaaah!!!! may ipinapagawa pa naman dun as assignment namin. waaa!!!!!good luck sa akin! heheheh................ :)

hay salamat! okay na ang docu namin, at okay na rin yung pag urong ko sa interview sa abs cbn para sa ojt. im such a dork para ireject yun noh. kaso i have to. hindi ako nakapag pasa ng mga requirements kasi hindi ko nga balak mag ojt. ang problema pa don, PERA na naman. sobra! bayad ng mahigit P1,600.00 para sa processing ng papeles sa ojt. eh what if matanggap ako dun, eh di dorm ako.. eh magkano na naman yun. nag aaway na nga kami ng tatay ko dahil gusto niyang malaman kung magkano ang dorm na uupahan namin(kung mag o ojt ako). aba malay ko! aba, gusto ba naman niyang alamin ko! what the! eh hello, pano ko malalaman yun eh NANDITO AKO SA DASMARIÑAS, TATAY!!!HELLO!!!! pero mabuti na rin yung hindi muna ako mag ojt. pahinga, para makapag relax na rin ako. okay lang kung summer grad ako.. at least yun, may maiipon na si tatay diba?..... hay.. ang hirap talaga pag wala pera. buti na lang at wala akong nagastos ng 1 araw at kalahati dahil sa pag eedit namin...wahah!
haay. docu naman sa video post prod naman at thesis presentation ang aasikasuhin ko. waaa!!!!!!!!!! good luck!

miss my parents, my doggie, my sister..... haay! :(
sobrang stressed! gusto ko munang umuwi! hindi ko alam na wala palang pasok bukas. nakapambahay na ko nung sinabi ni mark! waaaa!!!!

oh by the way, sobrang pagod namin ni mark, ang sarap ng tulog namin mula 2 hanggang 6pm! wahah!!!!!! :)
happy 14 months mahal ko!!!!!!!!!!!

~out!~

9/23/2005

nakakaloka na.. wala lang.. dami ko pa ring iniisip... dami ko pang hindi nagagawa...

sana hindi magalit ang mga tao sa paligid ko pag hindi ko agad nagawa lahat ng mga assignments ko within the group.. haaay...

sana matapos na lahat to..

maraming gastos.. maraming hirap.. maraming nagkakasakitan...

God please help me!!!!!!!!


~out~

9/22/2005

ganyan ang buhay.... kanina nagkaron kami ng symposium about journalist/ broadcaster .. at may mga speaker pa kami na nasa propesyon... well, i love hearing stuff about media and everything.. medyo naging makulit nga lang ako sa huli sa open forum.. heheheh.. kasi nga medyo nagustuhan ko yung mga speech nila..

anywayz.. buhay.. daming trials... dami kong nakikilalang ibat ibang tao na may ibat ibang problema... naisip ko, HABANG SINASABI NIYO ANG PROBLEMA NIYO SA KIN, feeling ko nadadala ko rin yung mga pains niyo.. heheheh... but thats okay..

sobrang dami ng iniisip ko that i even cant concentrate with my studies! i cant read, study well! this is shit! mga subjects na complicated, lalo pang ginagawang komplikado ng mga professors! mga minors na nakaka bore, lalo pa nilang ginagawang walang kwenta! saan pa kami sisipagin niyan?!

sobrang nakakatamad na... dami ko pang kailangang gawin..

gusto kong maiayos ang buhay ko....

im starting to fade...

my boyfriend is becoming aloof on me.. hes not sweet anymore.. parang bumabalik na naman yung dati na dapat kong sabihin yung dapat niyang gawin... he doesnt hug me unless i say so. how i miss those nights when mark and i spent the whole time in front of mama maria waiting for the time to strike at 12am.. heheheh.. monthsary kasi namin yun.. we were always running around playing TAG... we were like children hungry for games and attention.. i just dont know why this happens right now.. i wanna make him fall in love with me THAT MUCH again..

but how?

i cannot measure that feelings in his heart right now..

i dont know if he's just waiting for the time for me to leave him.. but sorry for him, i wont leave! ^_^ coz i love that guy so much!

i gave him the whole me! i aint gonna let him leave that fast.....

but im hoping that one time he will realize that i am worth loving for... coz i loved him so much! and i promise every breath i take is only for him.. (sniff, drama)....

with this situation, other feels different... i mean others right now cannot find their love... i pitty those people who has been left behind by their loved ones.. alam niyo, marami pa niyang iba.. alam ko naging martir din kayo gaya ko at gaya ng boyfriend ko.. stay strong.. God loves you.. hold on..

mahal na mahal kita mark anthony arieta tesalona!

~out~

9/20/2005

hey.. long time no blog huh.. heheheh.. wala lang.. medyo busy eh..

well, marami akong ikukuwento..

matt gould(joe schmo show) knew already that he was in a fake-reality TV.. heheheh.. i like the way he expresses his feelings towards his friends in the show. grabe, mamimiss ko ang show niya! naiiyak nga ako nung alam ko nang patapos na ang show na.. well, sa pagkaka alam ko, maraming pinagpilian bilang JOE SCHMO pero lucky for him at siya ang napili.. lucky rin ang mga staff ng show na yun dahil si matta ng pinili nila.. hindi sila nagkamali.. nag work lahat.. nagustuhan ng mga actors and actresses si matt.. super naging effetive lahat ng ginawa nilang script para kay matt na sobrang nadadala ang emotions niya.. also, mga viewers nila.. lalo na ko... kahit alam kong pinagkaka isahan siya, hindi ako nagsasawang panoorin ang show nila.. coz i just love Matt! :D

sana may continuation pa yung interview kay matt...

-------------------

last saturday, mark and i went to a party (maxxene's bday) sa may paliparan malapit sa GMA cavite.. tapos medyo galit galitan kami ni mark so nagpaka lasing ako.. ayon, nabangag ako.. as in hilong hilo ako.. so we went inside the house, sa salas ako nakaupo.. mark left dahil magyoyosi raw siya.. tapos mayamaya, may nararamdaman akong dumidiit sa may .. alam niyo na... sa ano ko... so pagmulat ko ng mata ko, ayon, may lalakeng naka yellow na dumaan. lintek minura mura ko siya! tapos umiiyak na ko sobra! tapos tinawag ko si mark.. tapos ayon naglapitan na lahat.. eh sabihin na nating lasing ako.. pero alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid ko! hello, kung magpapapansin ako, eh hindi naman yung panget na naka yellow pipiliin ko! kadiri kaya! malas lang niya dahil ako ang nakatapat niya! tanginang yan! hindi ko alam kung pano ko napatahan ang sarili ko sa pagiyak... grabe! nadere derecho ko nga yung kape na mainit eh! cool, huh.. heheheh...

per mayamaya okay na rin ako.. nagising ako, 12 am na... dun na lang kami pinatulog sa bahay nung nanay ng baby na may bday.. ayon, pinagkasya namin ni mark ang sarili namin sa maliit na folding bed.. heheheh.. pinagkasya talaga... buti nakatulog pa rin kami.. para nga kaming sardinas sa salas eh.. halos bawat sulok may mga nakahiga.. heheheh...

------------------------------------

sa stat, leche.. ang hirap! good luck na lang sa kin! waaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!

~OUT~