9/29/2005

haaay.. kakapagod.. ngayon lang ako ulit naka hawak ng computer.. im so relaxed right now..
sobrang stressed ako simula pa nung saturday for our docu! tapos pahinga ko lang nung sunday na umuwi ako sa bahay..

saturday - nagpunta ako sa kadiwa ng sobrang aga kasama si mark. bumalik kami don ng hapon para mag research ng mga tindera para sa interview. pumunta rin kami sa barangay hall.. haay..

monday- nagkita kami ni pepet sa 711 around 8:30am.. ayon inintay lang namin ng onti si anton pero dumerecho na rin kami sa kadiwa around 9:10am.. nakatayo lang kami at pagalala sa buong kadiwa kaka hunt ng mga bumbay na nagpaputang.. nakakainis nga lang kasi ako lang ang kumikilos sa pagtatanong.. nahihiya daw kasi si anton at pepet. oh well.. may mga hinabol akong mga bumbay pero ayaw nilang makipag usap ng matagal.. siguro dahil nga busy sila.. tapos hapon, dumating si sky, nagpunta na kami sa templo ng mga hindu sa may Gate 3.at JACKPOT talaga kami! may mga naka tambay na bumbay sa templo , mga naglalaro ng cards.. ayon, pumasok muna kami sa templo nila.. tapos nakipag usap na kami sa mga bumbay.. may nakilala kami doon at sinama kami sa bahay nila sa bayan. buti mabait siya. at JACKPOT na naman, naka REVO pa! wahah!ang kulit sa loob ng bahay nila, pinapanood nila puro sa india, hindi kami maka relate nila sky at karlo! wahah! pero enjoy naman..

tuesday- nagpunta kami sa bahay ng bumbay na nakilala namin. yung bayaw niya ang sasamahan namin sa paniningil nun sa palengke.. umagang umaga na naman yon! mga 9am.. maaga akong nagising nun! bad trip pa ko kay mark! kasi ang tagal niyang dumating nun.. haaay... tapos ayon nga, si pepet ang camera man, kami ni sky ang kasama.. sumama rin si karlo at mark.. natapos na namin ang lahat ng interview, footages ng paniningil ng bumbay.. haay! grabe! ang daming pera nung bumbay! as in! lahat na ata ng bulsa sa damit at pantalon niya may pera! wahah!!!tapos nagpunta na kami sa bahay ni anton.. i was expecting na maaga ang tapos ng editing namin.. shit! wala akong kadala dalang mga damit! ayon, nag overnight kami sa pag edit! punyeta! waaaa!!! at P55.00 na lang ang pera ko mula ng tuesday hanggang sa natapos na ang editing namin (thursday)...

wednesday- pina polish na ang docu namin.. tapos nagsulat na rin ng voice over.. nakapag download na rin ng music.. akala namin mapapasa namin ng maaga kaso nagka problema na naman.. grabe!na i burn na yung unang CD kaso nung sinalang na sa vcd player, waaaa, walang sounds. ayon inulit at hinek muna ni karlo. yung pagod namin, pagpupuyat namin, biglang madadagdagan pa dahil hindi namin naipasa on time! pero buti iniurong ni sir hanggang thursday.. sobrang puyat na puyat na kami! ako nga, konting pikit ko lang dun habang sinasamahan ko si sky sa pag eedit, walanghiya, tulog agad ako! wahah! sobrang tuloy tuloy kasi ang pagpupuyat namin! tapos ako ang huling natulog.. grabe si pet, sinakop yung buong sofa bed! wahah! sa sahig tuloy natulog sa tabi ko si mark.. lakas pa maghilik nung dalawa eh nasa gitna pa naman nila ako! heheheh! :)

thursday- hindi ko tanda yung oras pero ginising ako ni sky para itanong kung na i burn ko na yung CD.. eh hindi naman ako marunong nun eh. tska nahiya naman akong gisingin nun si karlo dahil laging napuputol ang tulog nun kakatawag ko para magpatulong sa computer. tapos ayon bumangon na kaming lahat. pinanood muna nila sky yung docu at tiningnan ang bedding bawat footages.. ayos naman daw. heheheh, aba ako ang huling natulog sa kanila para igawa ng music yung footage sa loob ng bahay ng mga bumbay ah! heheheh.. :) tapos nun umuwi muna si pepet at sky. binurn na nila karlo yung cd.. yung isa tumataon at yung isa naman eh maayos.. pero okay na yon! at least may nagawa na kami at polish na yun ng maigi! :) sabay sabay kami nila anton, mark at karlo palabas.. binaba ni anton si karlo sa isang kanto.. ewan ko kung saang lugar yun. heheheh! :) sabi ko kay anton, gawin na niya ang pinaka mabilis niyang pagmamaneho ng kotse niya para makahabol kami sa chemistry namin. grabe, habang natutulog ako sa likod, feeling ko tumatalbog talbog ako! wahah! :) at awa naman ng Diyos, naipasa na rin sa wakas ang docu namin! hay nako, pag nag comment yung prof namin dun baka mapatay na namin siya dahil sobrang effort na ibinigay namin sa pag gawa ng docu na yon! heheheh :)

nakapasok naman ako at nakahabol sa chemistry, late nga lang ng 30 minutes! :) tapos hindi na naman ako nakinig sa stat namin, gumawa kasi kami ni icko ng ipinasa ng mga kaklase ko nung tuesday eh diba hindi nga ako nakapasok dahil shooting day namin yun.. waaaaah!!!! may ipinapagawa pa naman dun as assignment namin. waaa!!!!!good luck sa akin! heheheh................ :)

hay salamat! okay na ang docu namin, at okay na rin yung pag urong ko sa interview sa abs cbn para sa ojt. im such a dork para ireject yun noh. kaso i have to. hindi ako nakapag pasa ng mga requirements kasi hindi ko nga balak mag ojt. ang problema pa don, PERA na naman. sobra! bayad ng mahigit P1,600.00 para sa processing ng papeles sa ojt. eh what if matanggap ako dun, eh di dorm ako.. eh magkano na naman yun. nag aaway na nga kami ng tatay ko dahil gusto niyang malaman kung magkano ang dorm na uupahan namin(kung mag o ojt ako). aba malay ko! aba, gusto ba naman niyang alamin ko! what the! eh hello, pano ko malalaman yun eh NANDITO AKO SA DASMARIÑAS, TATAY!!!HELLO!!!! pero mabuti na rin yung hindi muna ako mag ojt. pahinga, para makapag relax na rin ako. okay lang kung summer grad ako.. at least yun, may maiipon na si tatay diba?..... hay.. ang hirap talaga pag wala pera. buti na lang at wala akong nagastos ng 1 araw at kalahati dahil sa pag eedit namin...wahah!
haay. docu naman sa video post prod naman at thesis presentation ang aasikasuhin ko. waaa!!!!!!!!!! good luck!

miss my parents, my doggie, my sister..... haay! :(
sobrang stressed! gusto ko munang umuwi! hindi ko alam na wala palang pasok bukas. nakapambahay na ko nung sinabi ni mark! waaaa!!!!

oh by the way, sobrang pagod namin ni mark, ang sarap ng tulog namin mula 2 hanggang 6pm! wahah!!!!!! :)
happy 14 months mahal ko!!!!!!!!!!!

~out!~

No comments: