Just got done with my shift.. hay. dito pa rin ako sa room.. wala lang.. maya pa ko uwi sa dasma.. kasi baka masyado ko mapa aga... ayun..
Nagtext nga pala si Mark sa kin.. wala lang. Basta.. hindi ko na alam kung pano pa dapat magreact sa mga nangyayari sa buhay namen.. pero I think the best way for us is to stay as friends... kelangan ko pa mag move on.. kelangan rin niyang magpahinga sa mga pananakit na nagawa ko sa kanya... hay! eto kelangan kong pasayahin ang sarili ko para lang hindi ko maisip na nag iisa ako..
i didnt know that I was hurting you....
kala ko masaya na ang lahat dahil wala ng giyera sa mundo natin.....
ang sa kin lang, hindi naman sa umiiwas.. kailangan ko lang ng panahon para makapag isip isip.
hindi kita iniwan dahil sa hindi na talaga kita mahal..
at hindi ako ang mismong nangiwan, diba?
sumunod lang ako sa gusto mo.. pero iba ang inisip mo, inaway mo pa ko.. inisip mo na pinagpalit kita. eh ikaw? hindi mo ba naisip na PURO SARILI MO LANG INIISIP MO nang iwan mo ko? diba? pero ayus lang.. at least pareho na tayong malaya..
lahat nang tao natutuwa dahil pareho nila tayong nakikitang masaya.. pero kala lang nila yun. may mga panahon na naiisip din naman kita eh.. kaso pinipigilan ko yung feelings ko dahil ayoko muna dahil baka masaktan na naman kita. At ayoko na naman mangyari yun dahil baka mag away na naman tayo.. sana naiintindihan mo ko.. sana alam mo mga pinagsasabi ko.. salamat sa lahat ah.
alam mo naman na hindi pa rin naman kita kayang kalimutan eh.. weve been together for almost 2 years. mahirap kalimutan yun.. lalo na kung madaming nangyari. kaya ngayon, para pareho natin malimutan ang past, please understand na kelangan kong gawin to.. naiintindihan mo naman ako, diba?
alam mo naman na hindi maaalis yung nandito eh.. alam mo yun.. pero hindi lahat ng bagay eh kailangang naka stick sa isat isa... kung hindi talaga magkasundo kahit onting bagay lang, dapat lang na maghiwalay na diba? pero hindi ko sinasabi na forever magkakalimutan na.. hindi naman ako ganun eh. I still make it a point na parte pa rin ng buhay ko yung past ko. naging masaya man o malungkot..
it does not mean that when I say I HAVE MOVED ON, taken for granted ka na.. hindi yun.. ikaw pa... sa masasaya na nangyari sa labas ng Mama Maria Dorm ko.. yung habbulan every night hanggang madaling araw. Yung maghihintay tayo ng 12 am sa labas ng dorm pag monthsary natin.. yung pag alaga mo sa kin pag may sakit ako.. lalo na nung may bulutong ako.. tska yung pag tyaga mo sa kin at sa kalat ko nung nalasing ako at sobrang suka ko... you know what, naging maswerte ako dahil naging part ka nang buhay ko..
sino ba naman ang hindi sasaya sa pagkakaroon ng bf na tulad mo na kahit pagalitan na sa bahay ng mga magulang, nandyan pa rin sa tabi ko, nagpupuyat sa editing house para sa project ko.. Nagttyaga sa mga kagagahan ko.. hay..
teka.. tama na muna ang kadramahan.. nagaalburuto na si Jyx... hehehe... mya na lang..
~out~
No comments:
Post a Comment