1/04/2009

ISANG TAONG NAKALIPAS

Kay bilis ng panahon... Hindi na natin namalayan na isa na namang taon ang lumipas. Ang daming nangyari, ang daming dumaan sa buhay nating lahat.


Parang dati lang, nung bata pa ako.. Gusto ko lang maglaro, kumain at matulog. Walang pakialam sa mundo..
Lumaki, naging dalaga, nagkaroon ng sariling pangarap at bumuo ng desisyon..
Natutong makihalubilo, natutong magmahal..
Natutong tumayo sa sariling paa, natutong magtiis ..

Parang kelan lang, humihiga pa ako sa tabi ng nanay ko.. nagpapalambing, nagpapa antok..
Ngayon, ang katabi ko na ay ang asawa ko .. At ang magiging anak ko na lang ang hinihintay namin.

Kay bilis naman talaga ng panahon, pero bakit parang mabagal ang pag usbong ng ekonomiya ng bansa?
Sana may pagkakaisa, sana may pagbabago ..

Yun ang hiling ko sa taong ito ..


~out~

No comments: