5/09/2008

POOR DOGGIE

Galing ako sa work from Alabang, medyo pagod .. medyo wala sa wisyo ... lumilipad sa kawalan ang isip ... nang makarating na ko sa Sta. Rosa ...

Napalingon ako sa kabilang kalsada, may nakita akong aso, nakahilata ... payat ... mukhang may sakit... tapos may tali siya at yung panghuli sa mga nag dodog pound, yun ang nasa leeg niya .... may nakahawak na mama ...

hinang hina yung aso ....

hindi ko alam kung pano ko magrereact .. kasi sa tabi pa ng kalsada ..

alam niyo naman ako, mahilig ako sa hayop, lalo na sa dogs ..

parang .. gusto kong sumigaw that time, gusto awayin yung tayong nakahawak ng panghuli sa mga aso na nakakabit sa nag hihingalong aso sa kalsada ...

naisip ko pa kung ano ang kahihinatnan ng asong yun ..

kung baon sa lupa ...

o lubog sa kumukulong tubig ... para maging ASUZENA ....

naalala ko ang aso ko ...

BHEBI KO ang tawag ko sa kanya ....

i love him so much!! na parang anak ko na ...

since i was in college, nasamin na sya ..

puppy pa lang, ako na ang nag aalaga ..

ako na ang mommy niya ..

his true name is DAOMING -- coz DAOMING SUGAT ...

panahon pa un kasi ng METEOR GARDEN ... dami pa niyang sugat nung binigay sa min .. sugatin talaga siya ..

pero ngayon, peklat na lang ..

nakakatuwa lang kasi ang dami daming nakaka appreciate sa kagwapuhan ng aso ko ... heheh ... siyempre, alaga yun!

lagi ako nung sinasalubong kapag kakagaling ko dati sa school .. ngayon naman, nakikipag unahan siya sa pamangkin ko sa pagsalubong sa kin .. and to tell u honestly, parang mas gusto ko pa rin siyang lambingin .. kesa sa mga bata ...

ewan ko .. i remembered the time I told my parents

"I'D RATHER KEEP A DOG, THAN TO HAVE A BABY " ....

ewan ko ... siguro dahil sa hirap ng buhay ..

pero that time kasi asar ako sa mga bata ..

kasi nakakasakit sa ulo .. hindi madisiplina agad .. unlike my BHEBI, sumusunod agad .. ang lambing lambing pa .

ewan ko ba ...

hay ...

Swerte ng mga nagiging aso namen ...

there was even a time na mamamatay na aso, her name was PACEY, dahil natumba siya sa harapan ko, sa gitna ng kalsada, sobrang napasigaw ako at tinakbo ko siya sa bayan pa!!! ang hawak ko lang na pera eh 300 ata ... ang bill, umabot sa 1k!!!!! ayun, hinulug hulugan ko pa!!!! sobrang natakot ako nun .. ayun, luckily, nabuhay naman siya ..

second time, nanganak naman si JEPSEY -- from my tita ... yung bunso, nadaganan ng mga kapatid niya ... eh ang liit niya sobra .. ayun!! medyo nanghina ..

tapos nakakarecover na ..pero nauubusan lagi ng pwesto sa pagdede sa nanay niya..

kaya ginagawa namen, pagpapadede, siya muna uunahin, tapos yung 4 pa na mga puppies .. hay! hanggang hindi na nakayanan ng katawan niya, sinugod ko na siya sa beterenaryo ...

ayun! niresetahan ako ng vitamins ..

ayun, nag work siya .. nakarecover ulit ...

until sa time na bumigay talaga yung katawan niya ...

napaiyak ako nun .. kasi I tried to save the life of that pup .. pero it didnt work .. hindi man lang niya na experience maging part ng BARCELO FAMILY ... :(

I also had a dog, named BRITNEY --- may half breed siya eh .. sa sobrang katakawan, lahat kinakain!!!! ayun, na empacho! lumobo ang tyan!!! hirap dumumi ..

ayun! dinala ko na naman sa beterenaryo for free checkup ...

tinurukan siya ...

naawa nga ko sa kanya eh .. kung hawakan yung tyan niya nung tumingin, ang diin diin.. tapos yung puupy ko, nakatingin lang sa kanila tska sa kin .. huhuhu ...

hay ... tapos kung dalhin ko sila dati sa doktor, naka balot pa . parang baby .. nagtataka yung mga tao, sisilip pa sa hawak ko, makikita nila, aso pala . wahaha!!!

hay ... i missed those times na sobrang natataranta ko sa mga alaga kong pets ..

and it so happened na etong si Abbie, namatayan ng pinaka mamahal niyang si JAYSON, her cat .... na bata pa lang siya eh pet na niya ...

I would feel the same way kung mawala sa kin si BHEBI ..

I used to yell at my parents pag napapabayaan nila alaga ko .. lalo na yung pinaka matagal sa min, si Beethoven ... sabi ko sa kanila, wag nila ilibing o ipamigay kapag hindi pa ko nakakauwe ...

pag dating ko sa bahay, di ko agad siya naisip hanapin, kasi nakasiksik lang yun ...

pero narealized ko na wala siya sa bahay, sumigaw na ko ..

ayun, nag explain parents ko sa kin ..

napaiyak talaga ko.. kasi mahal na mahal ko yun eh ..

SI BEETHOVEN ata yung aso na nung bata pa ko eh kinakausap ko kapag may kaaway ako, kapag malungkot ako .. at kapag pinagalitan ako ng parents ko ..

hay .. I missed that doggie ...

No comments: