5/16/2008

please help me ......



Last week, my tita gave birth to a baby boy .. the very last BARCELO na magdadala ng surname namen ....

unfortunately, abnormal ang baby ....
pero mas abnormal ang nanay niya.
you know why? kasi may diabetes siya ..
and she wants to keep the baby be delivered sa bahay, sa komadrona dahil akala niya eh makakatipid siya .. which never happened ..
sumobra sa araw yung baby bago nailabas . pinwersa pa ng ganong midwife yung baby ... hiniwaan pa ang nanay niya para mailabas lang siya..


makikita mong baby pa lang, palabas pa lang siya sa mundo, puro hirap na ang naranasan niya ..
bakit kasi may mga tao na nagpapasarap lang at hindi alam kung anong magiging future ... at eto, ang nangyari, kame ang nahirapan ... kame ang hinihingian ng tulong..


everyday they spend P10,000.00 ... nasa incubator siya at kung makikita mo, hirap siyang huminga ..

and according to his doctor, madaming complications sa katawan niya .. and his left arm---- wala ng pag asa ...

sinayang nila yung bata ...
maputi, matangos ang ilong, BARCELO talaga ang itsura ..
pero walang kwenta eh ...
galit ako!! galit na galit talaga sa mga magulang niya lalong lalo na sa tita namen .. na hindi naman tlaga kamag anak, asawa siya ng kapatid ng tatay ko ..
kung makikita ko siya, talagang masasampiga ko talaga siya!!!


look at my cousin now!!!!! naghihirap! batang bata pa lang!!!!









5/09/2008

HAPPY BIRTHDAY SISTER!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


MAY 9 ---- happy 23rd BIRTHDAY by dearest bestfriend!!!!!!!!!!!!!!!!



This will be a surprised gift for you .. hehe ...

Grabe .. ang tanda mo na .. wahaha!!! susunod na ko .. pero malayo pa .. hehe ..

Parang kelan lang .. yung lumipat kame sa Village natin .... then we were 5 years old back then, I celebrated my 6th birthday with you ...

Hindi ko makakalimutan yung napag daanan natin .. after 17years of friendship, nandito pa rin tayo sa isat isa ...I would always be proud of what we are right now ..


Hindi man tayo naging perfect sa relation natin before as friends, of course, given na yun dahil bata pa eh .. intindi na yung ibat ibang tao ang nakakasalamuha, ibat ibang ugali ang ma aadopt ..

But what really makes me happy is that, even if we dont text that much, we dont have the kalokohan texts at laugh trip, I know that deep inside, you still think of me ... and I do the same ..

Eto na siguro ang sobrang napaka tagal ng friendship na alam ko sa buhay ko .. hehe..

kahit may mga friends ako sa school, sa work, wala pa rin naman tatalo sa yo ...

siyempre, oroginal BRATINELLA and MALDITA tayo eh .. :)

mga moments na magkasama tayo na hindi ko talaga kakalimutan!!!


1. lalaro tayo sa buhangin, at gagawa tayo ng sarili natin na village...
2. magsswimming tayo sa lababo niyo sa likod bahay nung mga bata pa tayo
3. mag bibike tayo twing hapon ... para pacute ka sa crush mo , si ERIC!! wahaha!!!!
4. tagpuan niyo ni Maxe ang kanto ng village .. at nag aabutan kayo ng letters sa harap ng bahay namen .. at ako naman ang kinikilig..
5. unang love letter mo sa kin, SWEET VALLEY HIGH pa ang stationery ..
6. pupunta tayo sa PAVILION para lang kumain sa HEN LIN ng siopao at goto at siomai ...
7. laugh trip sa text, sa telepono at lakas trip manlait ...
8. nung CHRISTMAS party, tinext mo pa ko nun na hinihintay niyo kame nila nanay at tatay at naka ready na sa harap ng bahay namen lahat ...
9. kumanta ka ng IM A BIG BIG GIRL IN A BIG BIG WORLD .... haha!!!!!
10. pinasayaw niyo ko n KEVIN ng BABY ITS YOU sa harap ng bahay at nag video pa kayo . at inedit mo pa na may DARNA!!!!
11. nakakalungkot na isipin na hindi na natin nagagawa to ---- ANG MAG SPEND NG TIME TOGETHER JUST TO WATCH HORROR PROGRAMS KAHIT BADUY EVERY MAHAL NA ARAW ... and also spending time on CHRISTMAS ..
12. yung batang paslit pa tayo, nagdugo ilong ko at si Ate Marlene ang kumarga sa kin sa clinic habang inaayos ilong ko.
13. yung nadulas at nagka tahi ako sa chin sa sobrang sarap ng paglalaro natin ...
14. hindi mo ko nakakalimutan sa birthday mo ...
15. and you are still there ... no matter what .... that you still love me .. as your forever bestfriend ...


NO MATTER WHAT HAPPENS ... ikaw pa rin sis ko ... si maggie na maganda .. TULAD KO!!! hehehe...


HAPPY BIRTHDAY AGAIN!!!!!!
~OUT~
NEW FOUND FRIENDS SA NEW TEAM .


Eto na ang makukulit na pictures namen .. I really love crazy and stolen pictures .. kasi dun talaga lumalabas yung pagka kulit at magandang itsura .. haha!!!


HALATANG GUTOM OH!!!!



AT SI FRIEND, MANG INGGIT DAW BA NG FRIES ..


WALA LANG .. TRIP LANG NIYANG GUMANYAN..




BIG AAAAAAAHHHH!!!!!





BUSOG NA YAN SI ANDY ...



AYAN, HUMIHIRIT PA PALA NG NGUYA ..



BELAT??!!!! WAHAHA!!!

FIRST PICTURE NAMEN NI PRECIOUS SA TRANING ROOM 2 FIRST FLOOR




SI LESTER, HE'S NOT A GUY.. GIRL HEART SIYA.. TAKAW!



BIGLAAN NA PICTURE



KULIT NOH .. GANDA NG HAIR KO DYAN .. HEHE..

Anyways, makukulit talaga mga tao sa team ... kakatuwa .. yung sa MCDO, it happened lang kanina ... napilitan akong maghintay kay Andy at Presh ..

wala lang .. hehe ...
wala ko makakasabay eh .. ayun, tska gusto nila ko kasama .. hehe .

love them :)

si Lester, nagddrama, may beke dawe siya ..

hmmmmmm....

~out~


POOR DOGGIE

Galing ako sa work from Alabang, medyo pagod .. medyo wala sa wisyo ... lumilipad sa kawalan ang isip ... nang makarating na ko sa Sta. Rosa ...

Napalingon ako sa kabilang kalsada, may nakita akong aso, nakahilata ... payat ... mukhang may sakit... tapos may tali siya at yung panghuli sa mga nag dodog pound, yun ang nasa leeg niya .... may nakahawak na mama ...

hinang hina yung aso ....

hindi ko alam kung pano ko magrereact .. kasi sa tabi pa ng kalsada ..

alam niyo naman ako, mahilig ako sa hayop, lalo na sa dogs ..

parang .. gusto kong sumigaw that time, gusto awayin yung tayong nakahawak ng panghuli sa mga aso na nakakabit sa nag hihingalong aso sa kalsada ...

naisip ko pa kung ano ang kahihinatnan ng asong yun ..

kung baon sa lupa ...

o lubog sa kumukulong tubig ... para maging ASUZENA ....

naalala ko ang aso ko ...

BHEBI KO ang tawag ko sa kanya ....

i love him so much!! na parang anak ko na ...

since i was in college, nasamin na sya ..

puppy pa lang, ako na ang nag aalaga ..

ako na ang mommy niya ..

his true name is DAOMING -- coz DAOMING SUGAT ...

panahon pa un kasi ng METEOR GARDEN ... dami pa niyang sugat nung binigay sa min .. sugatin talaga siya ..

pero ngayon, peklat na lang ..

nakakatuwa lang kasi ang dami daming nakaka appreciate sa kagwapuhan ng aso ko ... heheh ... siyempre, alaga yun!

lagi ako nung sinasalubong kapag kakagaling ko dati sa school .. ngayon naman, nakikipag unahan siya sa pamangkin ko sa pagsalubong sa kin .. and to tell u honestly, parang mas gusto ko pa rin siyang lambingin .. kesa sa mga bata ...

ewan ko .. i remembered the time I told my parents

"I'D RATHER KEEP A DOG, THAN TO HAVE A BABY " ....

ewan ko ... siguro dahil sa hirap ng buhay ..

pero that time kasi asar ako sa mga bata ..

kasi nakakasakit sa ulo .. hindi madisiplina agad .. unlike my BHEBI, sumusunod agad .. ang lambing lambing pa .

ewan ko ba ...

hay ...

Swerte ng mga nagiging aso namen ...

there was even a time na mamamatay na aso, her name was PACEY, dahil natumba siya sa harapan ko, sa gitna ng kalsada, sobrang napasigaw ako at tinakbo ko siya sa bayan pa!!! ang hawak ko lang na pera eh 300 ata ... ang bill, umabot sa 1k!!!!! ayun, hinulug hulugan ko pa!!!! sobrang natakot ako nun .. ayun, luckily, nabuhay naman siya ..

second time, nanganak naman si JEPSEY -- from my tita ... yung bunso, nadaganan ng mga kapatid niya ... eh ang liit niya sobra .. ayun!! medyo nanghina ..

tapos nakakarecover na ..pero nauubusan lagi ng pwesto sa pagdede sa nanay niya..

kaya ginagawa namen, pagpapadede, siya muna uunahin, tapos yung 4 pa na mga puppies .. hay! hanggang hindi na nakayanan ng katawan niya, sinugod ko na siya sa beterenaryo ...

ayun! niresetahan ako ng vitamins ..

ayun, nag work siya .. nakarecover ulit ...

until sa time na bumigay talaga yung katawan niya ...

napaiyak ako nun .. kasi I tried to save the life of that pup .. pero it didnt work .. hindi man lang niya na experience maging part ng BARCELO FAMILY ... :(

I also had a dog, named BRITNEY --- may half breed siya eh .. sa sobrang katakawan, lahat kinakain!!!! ayun, na empacho! lumobo ang tyan!!! hirap dumumi ..

ayun! dinala ko na naman sa beterenaryo for free checkup ...

tinurukan siya ...

naawa nga ko sa kanya eh .. kung hawakan yung tyan niya nung tumingin, ang diin diin.. tapos yung puupy ko, nakatingin lang sa kanila tska sa kin .. huhuhu ...

hay ... tapos kung dalhin ko sila dati sa doktor, naka balot pa . parang baby .. nagtataka yung mga tao, sisilip pa sa hawak ko, makikita nila, aso pala . wahaha!!!

hay ... i missed those times na sobrang natataranta ko sa mga alaga kong pets ..

and it so happened na etong si Abbie, namatayan ng pinaka mamahal niyang si JAYSON, her cat .... na bata pa lang siya eh pet na niya ...

I would feel the same way kung mawala sa kin si BHEBI ..

I used to yell at my parents pag napapabayaan nila alaga ko .. lalo na yung pinaka matagal sa min, si Beethoven ... sabi ko sa kanila, wag nila ilibing o ipamigay kapag hindi pa ko nakakauwe ...

pag dating ko sa bahay, di ko agad siya naisip hanapin, kasi nakasiksik lang yun ...

pero narealized ko na wala siya sa bahay, sumigaw na ko ..

ayun, nag explain parents ko sa kin ..

napaiyak talaga ko.. kasi mahal na mahal ko yun eh ..

SI BEETHOVEN ata yung aso na nung bata pa ko eh kinakausap ko kapag may kaaway ako, kapag malungkot ako .. at kapag pinagalitan ako ng parents ko ..

hay .. I missed that doggie ...

5/07/2008

SO MUCH TO LEARN .....

today, I got the chance to talk to one of the HR people .. she listened to 2 of my calls ... what the heck!!!! kung ano pa yung mahirap na concern, eto pa yung tumama sa paglisten niya sa kin .. hay! ayun, at least I learned now how to activate one subscription as a family sharing minutes ..

You know what guys, I dont know why I would still rather to stay with this account .. kahit minsan pumapalpak na talaga pamamalakad ng company ..

laging late ang pag bigay commission, minsan pa eh kulang kulang ang sweldo .. dont get me wrong, im not making blabs towards the company, this is my blog so I can write whatever I want to ...

in fact, gusto ko pa rin magwork dito ... un ang sabi ko sa HR ...
siguro i ayos nila palakad nila in terms of payroll, walang aalis na employee nila ...

lets talk about the CAMPAIGN itself ...

SPRINT ....



If you will ask a lot of americans, if they know SPRINT ..... OF COURSE!!!! sino ba ang di nakakakilala sa SPRINT ...

eto lang naman ang isa sa pinaka mahitap na account sa lahat ng network provider ...

at eto pa ang isa sa leading cellphone network provider!! promise ...
mayayaman, may mahihirap din na subscribers ...
pero may mga policies na hindi dapat labagin ng customers .. kasi masususpend ang account nila ..
speaking of suspension ... madami sa account na to ang suspended ang account ..
YOU WILL SEE THEIR PAYMENT HISTORY --- OMG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

ang dami nilang broken payment promises ...
ni hindi sila marunong magbayad on time ..
they will tell you that they didnt get any paper bills ...
pero madami kameng ways or options to see the said bill ....
they can check it online naman ..
then they will say they dont have a computer ..
kaya nga may computer or internet cafe eh ..
diba ...
hay!! mga gumagawa lang sila ng way and reasons para di sila makapag bayad ..
at maghahanap ng credit ... for the "inconvenience" ....
WHAT THE!!!

kame pa ba ang may gawa kung hindi sila marunong magbayad??? hay nako!!! kaya nga they have the option to change their plans eh ..
para malaman nila kung hanggang magkano lang ang budget nila for the phone bill .
sisisihin pa kame dahil sabi nila nag payment arrangement na sila eh yung last arrangement nila eh broken promise naman ... hay nako ..

kanina may kasabay ako ...taga DIRECT TV naman siya...
isa rin sa account ng convergys ..
TOP CABLE PROVIDER naman ...
hay nako ...
nasabi ko sa kanya, kahit anong gawin natin, bakit ganun, alila pa rin tayo ng mga KANO!?!?!
customer service is pag aassist sa mga taong kailangan ng tulong ....

KATULONG!?!?!
hay! kung magaling ba naman ang PRESIDENTE NATIN!!! EH DI SANA MALAGO NA ANG WORK NATIN DITO!!!! pero madami pa ring unemployed .. and hindi pa qualified ang mga graduates!!! nakakahiya!! tapos na mention ko pa pala sa friend ko na sabi ng MALACANANG na mag add daw ng kaalaman .. mag aral pa raw ng dagdag course .. PARA SAAN , SIYEMPRE, PARA KUMITA PA RIN ANG EDUCATION .... oo nandun na ko sa pag lago ng kaalaman, pero ... DIBA DAPAT KASAMA NA YUNG DAGDAG KAALAMAN SA COLLEGE!?!?!?! ibig sabihin ....

HINDI PA TALAGA GANUN KA COMPETENT ANG EDUKASYON SA BANSA NATIN!!!!!!!!

NAKAKAHIYA!!!!!!

5/03/2008

GANTO KO MAG EMOTE



frustrated photographer ako .....kaya kung ano na lang na maisip kong pose, yun na lang! hahah!!!



gagawin ko eh magpipicture lang ng madaming madame, at pipiliin ko lang ung tama sa panlasa ko .. wahaha ... parang pagkain lang ah ..

mas okay sana kung may photoshop ako noh .. para ma edit ko ung nasa mukha ko na un ... ung butas .. huhuhu!!!! kasi nagka chickenpox ako ..... huuhuhu ....

tingnan mo oh, siguro kung may photoshop, na edit ko eyebags ko.. wahaha!!!!! pero ngayon, meron na kong VITAMIN E from bodyshop ... just bought it the other day ...

la lang ... nakakasawa kasi na tumingin lang sa camera parati .. haha ....

un oh, what is eyebags!!! @_@

WOW!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! i never thought i'd post this mess ... hahaha!!!!! wala naman mahalay diba? wala naman kasing makita.. haha!!! pero, its cute diba? i love my MOLE!!!! :)
Look what I am right now .....

hay.. la lang .. i just remembered the old days ..

daming nangyari sa buhay ko ..
sobrang hindi ko talaga kakayanin kung iisipin ko ulit kung mangyayari pa yun sa buhay ko ..
Ive been through a lot of things in my life .. and thank you LORD that I survived ..
Started when I was a kid, lagi akong na lleft out, lagi akong na bubully ...
Pero alam niyo, things really turned out to be right..
It might be a curse to those people who made me feel shit, dahil most of them suffer right now..
Some of them eh walang work, some of them eh nabuntis ng maaga .... some of them eh walang kuwenta na ang buhay..
wala lang..
at least ako, eto, I am still here, maayos ang buhay ..
wala ng problema ..
I finished my college na sobrang tiniis ko rin kung ano ano ang nangyari sa loob ng 4 and a half years of studying in La Salle ..
im not saying that Lasallians are bad people ..
pero siyempre, iba iba ang tao..
swerte ko na nga at naka survive pa ko ... kasi nandun si Mark .. :)
buti na lang eh nakilala ko un! nako! kung hinde, ewan ko na lang ..



~out~
at last!!!!!!!!!!!!!! here are my pictures in ANILAO....






hay at last naman... eto lang ang maiipost ko ..


kulang pa to .. la lang , kakatamad mag post eh ..hehe ..

5/01/2008

NEW TEAM .....


MAY 4th -- I'll be with a new team ...

TEAM BETH

comments about the new team???
umm ... quite okay as of right now ..
they are so friendly .... and TL Beth is so nice pala ...
to be honest with you, before, I thought sobrang mataray, suplada, and not so accomodating .. pero when she coached me around 4am in the morning, she discussed with me the goals of the team, how she handles the team and everything ...
then I realized, she's not that bad naman pala ...
I was scared being with her team and being handled by her coz I was traumatized sa nangyari sa friend ko na hinandle niya ..
si Jayson..
eh pasaway naman talaga siguro siya kaya ayun, na kicked out .. at nachugi ...
ayun ...
We also had a team meeting kanina ..
sobrang kulit at maingay ...
puro asaran and all that ...
at si TL Beth, napaka ingay din!!
so nice of her seeing na parang isa siya sa mga agents lang kung umasta ..

YEAH... FIRST IMPRESSION ------- NEVER LAST ..... HAHA!!!!!!!!! yun ang nakita ko ....

I just wished na pag tungtong ng MAY 4--- all of my metrics would be high ....
I wish all of them would be good ... para hindi ako kahiya hiya ....
may kawave mate kasi ako dun .. in terms of selling, well, ayus naman ako ..

kaso ngayon, lalo nila pinataas ang goal .. KUNG DATI-- AS OF MARCH--- ANG GOAL EH $3.50 .... AS OF APRIL-- THEY MADE IT $4.20 .... THEN THIS MAY....

GOOD LUCK!!!

$4.50 !!!!!!!!!!!!!!!!!

GOODBYE COMMISSION!!!!!!!!!!!!!!!!!

HUHUHUHUH!!!!!!!!!!!!!!!!!....
Sana naman eh makapag accomplished pa ulit ako ng magandang sales stats ....
buti nalang ang mga evals ko from QA, 2 failed and 4 passed naman ....

cool ....

sa ngayon, Im enjoying my shift at 12am, kasi ang bilis ng time ...
sana lang nakakapag pahinga pa ko ng ayus ...
kasi ang hirap makakuha ng tulog ..
nanonood pa kasi ako ng dvds.. hahaha!!
sa ngayon, 4 hours lang ang naitulog ko ...
hay!! pero ayus na yun!! 12am, hagip ng mejo malaking sweldo dahil sa NIGHT DIFF .. haha!!!

~out~