BEWARE OF MONSTERS!
haay.. i just finished talking with a friend. it was so great coz i found a lot of things from ... should i say if he's a HE or she's a SHE? whatever... basta.. i realized something from what we have talked about. something that will make my life change.
are you confused who's these monsters i am talking about? well, im not forcing you to think who are these monsters im pertaining to pero beware of them! sila lang naman yung mga tao na hindi ko aakalain na nilalapastangan na pala ang pagiging mabait ko sa kanila. i never knew that these people who i trust, i love, i treasure eh sila pa pala ang mga taong magiging pabigat sa buhay ko.
hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin lahat lahat dahil alam ko pag nabasa niyo to, you can trace kung sino talaga sila. pero kung makilala niyo man tong mga tinutukoy ko, well, bahala na kayo kung sasabihin nyo sa kanila.basta ako, malinis ang konsensiya ko at wala akong ginawang kasamaan sa kanila ni minsan.
kung binasa nyo before yung pinost ko sa isa kong blog(very private blog) kung saan sinabi ko talaga isa isa yung mga names nila, well, eto na naman, MAIN CHARACTERS na naman sila sa blog ko na to.
bakit pa kasi nila kailangang maging plastik sa kin? bakit ba kailangan pa nila akong pag usapan sa likod ko? hagik hikan, sobrang kasiyahan, walang patid na chismisan.... eto pala ang naidudulot ko sa mga taong ito kapag nasasagi ako sa usapan nila. alam ko naman yun from the start eh. hindi ko lang pinapansin. minsan nga naisip ko, martir ba talaga ako sa mga kaibigan ko o tanga lang talaga ako. tanga dahil hinahayaan ko silang kawawain ako. martir dahil pinapalagpas ko lang lahat nang mga masasakit na salitang nakukuha ko sa kanila.
bakit ba laging mga mali ng iba ang pinupuna nila? hindi ba nila naisip na mas masahol pa sila? sabi nga nang kaibigan ko, "bakit kasi ayaw mong lumaban?" sabi ko naman, "natatakot kasi ako tska for the sake of friendship, pinalalagpas ko na lang." sabi naman niya, kung nasimulan ko na raw noon pang lumaban sa mga yon, panigurado, mabait sila sa kin ngayon.
kanina nga, nagpaparinig pala tong isang HALIMAW na to sa room eh. since wala naman akong pakialam sa kanila, hindi ko sila pinapansin nor pinapakinggan. nagulat nga raw tong CONCERNED FRIEND ko na to kung bakit hindi raw ako nag react sa sinabi nung HALIMAW..... eh sabi ko nga, wala akong pakialam sa kanila!ano nga naman ang mapapala ko sa pagpatol sa mga MONSTERS na yon? eh ang akin lang, naging mabait lang ako at maparaya.. yun bang kahit ano na lang, basta sinabi nila, don ako. pero hindi naman ako tanga kung pasusugurin nila ako at sabihing tumalon ako sa tulay noh!
bakit kasi kailangan pa nila akong itrato na "kawawa"... sabi nga nung FRIEND ko, lalo raw tuloy akong namo motivate sa ganung way nila sa kin. THATS TRUE!
sabi ko nga, kaya nga lagi akong lumalabas agad ng room pag tapos na ang klase at sumasama na lang ako sa boyfriend ko, mas feel ko yung kalayaan ko.... walang nang uuto, walang nananakit, walang pa bibo effect.. ewan ko, nagpaka tanga lang talaga ako.
sobrang mahina talaga ako pagdating sa mga kaibigan ko. lalo na pag nakasama ko na sila ng mahabang panahon. yung mga taong binibigyan ko ng pagpapahalaga, sila pa pala yung future MANLILIBAK ko. ayoko ng gulo, ginawa ko lang tong post ko na to dahil nilabas ko lang yung sama ng loob ko. yung sakit na nararanasan ko sa tuwing pumapasok ako sa room. nakikisalamuha sa mga taong HALIMAW pala kahit magaganda sa panlabas na kaanyuan. mga taong tinuring ko nang hindi iba sa kin. hindi na maaalis sa sarili ko yung fear na baka kawawain na naman nila ako... yung fear na baka pagtulungan na naman nila ako.
kung sino man ang makakabasa ng sinulat ko rito, kayo na ang maghusga.. kilala niyo naman siguro ako diba? sa palagay niyo? do i deserve this?
~out~
No comments:
Post a Comment