4/11/2006

how to live a new life..
may naranasan na ba kayo na ma feel yung kagaya ng sa akin.. na feeling niyo kahit anong pilit na magabago eh parang may nag sasabi pa rin sa utak niyo na HINDI KA NA MAGBABAGO AT HINDI KA NA MAPAPATAWAD PA! yung feeling na kahit anong kagustuhan mong laging maging mabait, maging mapagkumbaba, hindi mo makaya??... im not saying that I AM SO BAD! what i am saying is that I want to change, but "some" people were like forcing me like they were telling me that i cannot change my life better.. like its too late..
gustong gusto ko ng magbago.. alam ko kung ano ang mga naging kasalanan ko sa sarili ko, sa pamilya ko at sa ibang tao.. pero sana maisip nila, maisip ko na kayang kaya ko pa ring maging maayos.. para sa sarili ko at para sa kapwa ko..
may magsasabi man na hanggang sa pagtanda ko, ganito pa rin ang magiging ugali ko..
naging masama ako sa sarili ko, sa iba, naging mapang abuso ako, naging brutal ako..
pero sana mabura na yun sa isipan ng mga taong nakapaligid sa akin.. yung tipong kalimutan na nila yun..
alam ko sa sarili ko na kahit anong mangyari, nandiyan pa rin Siya para sa akin.. at alam ko na hindi Niya ako papabayaan at kakalimutan kahit anong mangyari.
pero pano ko matatanggap kung talagang nagbago na ako??... kung mismo sa REYALIDAD na to eh may mga tao na nagsasabi na WALA NA AKONG PAGBABAGO..
minsan naisip ko na magpaka layo na lang sa mga tao na to.. pero hindi ko kaya.. dahil ibig sabihin nito, nagpatalo ako sa sarili kong konsensya..
hindi ko na alam kung sino na ba talaga ako eh.. ang daming nagbago.. ang daming nagpabago ng ugali ko.. hindi na nga rin ako kilala ng sarili kong pamilya eh.. nagbago na raw ako simula ng mag kolehiyo ako..
oo, nagbago ako. masama at mabuti.. pero TAO LANG AKO... nagkakamali at sinusubukan kong tumayo sa pagkakadapa...
ngayon, kahit hindi ako lagi nagagabayan ng pamilya ko, sinusubukan kong mamuhay ng independent.. sinusubukan kong matuto ng sarili ko lang.. matutong magkaron ng kaalaman sa mundo ng sarili ko lang ang nagtuturo..
sana kung ano man ang mga nagawa kong kasalanan sa lahat.. sa Kanya.. sana mapatawad pa rin ako.. dahil handang handa na akong magbago..
masama man sabihin pero handa na rin akong mawala sa mundo..
salamat sa lahat lahat..
salamat sa pagbabasa ng nasasaloob ko..
maraming salamat.
LIWANAG
linda barcelo
sa mundong madilim
liwanag ang nais masilip
saan patutungo, saan babaling
kung ang aninong sumusunod
ay isang marahas na halimaw
na pilit kang ipinapain
sa pulang apoy doon sa ilalim.
mainit, maingay, masikip
gustong kumawala dito sa isip.
pusong puro sakit
kapalaran ba dapat ay ganto kapait?
poot at galit
kasamaan ay gustong iwaglit
liwanag sa puso at isip
sana ay mamalagi na lamang
dito sa aking panaginip.
~out~

No comments: