11/16/2004

CONFUSED

i dont know kung paano na ko mag su survive nito. lahat na nang tao eh against sa decision na ginawa ko. pero anong magagawa ko, mahal ko yung tao... hindi naman sa nagagalit ako sa mga taong umaayaw sa kanya pero wala naman akong magagawa kung yun ang pananaw nila diba? basta alam ko sa sarili ko na mahal ko siya..

sa totoo lang, simula nung naging kami, lagi na lang akong nasesermonan sa bahay.. hindi ko alam kung bakit ba ayaw nila sa kanya eh wala naman siyang ginagawa..... dahil ba sa "pangit" siya.. who cares? eh hindi naman sila ang makikisama.. tapos eto pa si tatay eh masyado akong iniipit.. hindi lang niya alam kung gaano kalaki ang naitulong nung taong kinaaayawan niya sa buhay ko.. si nanay siyempre, papanig yun kay tatay.. sabihin na natin na once nang nagkamali ang ate ko sa pagpili nang will niya, pero i am damn different to her! mahal ko siya... yun ang alam ko..

pero nahihirapan ako eh.. sana lang eh wag nila akong i pressure.. hindi sila ang naaapektuhan dito eh.. buhay ko ang nasisira at naiipit..

sana marunong mag internet ang mga tao sa bahay namin para mabasa nila kung anong nararamdaman ko kapag nasa bahay ako.. feeling ko nga, mas mabuti na lang na may pasok ako parati para iwas sermon tungkol sa kanya...

mahal ko si mark... wala silang magagawa...

alam kong concern lang sila sa kin pero.....

hindi ko na alam....

~out~

No comments: