8/31/2004

what if

* what if im still single??
-- ill be celebrating my birthday unhappy(coz im loveless)..

*what if i have no NIEKO??
-- i dont know what will happen in my life without him..

*what if im insensitive??
-- many people will probably get mad at me with that attitude..

*what if im not friendly??
-- i will live my entire life and die tomorrow alone

*what if im sick today?
-- i know the people who will only feel concern about my health are my family and my nieko..

*what if im unpretty??
-- i will hide my self under the tabl.. hyuk! :D

*what if i will die tomorrow without them knowing??
-- heheh,, good luck nalang sa kanila! heheh....

~out~



lakas nang topak ko noh?? wala lang.. may hang over pa sa utak ko eh.. napuyat kasi ako kagabi.. wala lang.. im here nga pala of course sa tambayan.. sa ICT comp shop.. ayon si nieko, nawala na lang bigla, natutulog dun sa isang sulok.. heheh.. hindi ata nakatulog kagabi.. :D

nga pala, were done na sa midterm exam namin para sa newsroom prod!! my partner George chose Aldrich to be our talent.. ayon.. i hope na pasado naman kami sa ginawang performance ni aldrich.. sana nga na record ko sa video cam yung pag perform ni drich! hmm.. ;(

im thinking if i should go home by tomorrow.. wala kasi akong exam eh.. on thursday pa.. pero i also thought na baka hindi rin ako makapag aral sa bahay.. haaay..

----------------------------------------------------------------------------


my sister gwen

i just finished reading her blog and she posted her favorite people with her comments there.. :) well.. nakita ko pangalan ko dun.. kakatuwa lang kasi kahit hindi na kami masyadong nagkikita at nagkakausap eh naaalala pa rin niya ako.. grabe! weve been friends for 14 years!!! GAWD! :D sobrang tagal na! sobrang dami na ring nangyari sa ming magaganda at pangit..

first na nagkakilala kami nito eh nung nagpapagawa pa lang kami nang bahay.. lumapit yung mommy niya sa nanay ko .. (or yun ang naaalala ko) tapos kasama si maggie at gino.. ayon.. nakipag laro na sila sa kin agad!we were only 5 years old that time! then when we stayed there na, lagi kaming magkasama.. hindi lalagpas ang araw na hindi kami maglalaro! minsan nga, napag usapan ulit namin yung naglaro kami sa may buhangin tapos ang tanga ko kasi nilalagyan ko yung ulo ko nang sand!! heheh.. kunwari shampoo!!! heheheheh... :D

nung lumaki laki na kami.. we had our bikes.. every end nang class namin, bandang 4-5pm, lalabas na kami niyang tapos mag ba bike kami.. nagpapalitan pa nga kami nang bike namin eh.. mas trip ko kasi dati bike niya kasi malaki! masarap i drive! :D heheh..

naging baduy but very sweet yung friendship namin nung nagsimula kaming magsulatan nang kung ano ano kahit magkalapit bahay lang kami.. :D naalala ko pa nga nun , SWEET VALLEY HIGH pa nga una kong ginamit na stationery eh.. :D tapos may kanya kanya pa kaming address nun.. hindi ko na lang sasabihin yung place ko kasi YUCKY.. baduy talaga!! :D heheh.. grabe, siguro kaya ako naging ganito kasipag magsulat nang letters sa friends dahil nasimulan ko dito kay maggie.. heheh.. tapos nung pumunta ako sa kanila, isang beses eh pinakita niya sa kin kung gaano na kadami yung nasulat kong letters sa kanya!! grabe! hindi mabilang! .. .. :D

when were on our 5th grade, dun nagsimula yung pagiging gala namin ni maggie.. lumalabas kami nang bahay bandang 6-7pm para lang ikutin yung buong village.. not to mention yung lagi naming pagdaan sa bahay nang crush ko na naging crush niya na naging sila pala!! heheh.. :D pero simula nung napagalitan kami nang nanay at mommy namin eh tinigil na namin yun.. :(

si maggie yung tipo na kahit anong sabihin ko sa kanya eh kakampi siya sa kin.. siguro kasi kilala na niya ko talaga kaya hindi na siya nagdadalawang isip para magduda pa.. lagi ko siyang kakampi.. minsan, iyakan kami pag wala nang choice.. kahit sa phone at madaling araw na eh magtatawagan pa rin kami..

lahat halos nang secrets ko eh alam nya.. well, ganun din naman siya sa kin eh.. :) sobrang tiwala kami sa isat isa.. kaya nga love na love ko tong girl na to eh! lahat nang kaaway niya.. minsan kaaway ko na rin.. sobrang love ko nga kasi siya..

minsan, kapag may topak kami, napapag tripan namin yung babaeng pinanganak para maging kaaway namin.. heheh.. :D

tapos nung nagbakasyon dati.. trip lang namin niyan kahit wala kaming pera, pupunta kami dun sa malapit na mall sa sta.rosa tapos kakain lang nang siopao(kay maggie) tapos akin naman yung GOTO tska choco halo nang Coleman.. heheh.. tapos kapag walang magawa, mang ookray lang kami niyan.. heheh.. :D nakakamiss na tuloy yon.. kaso wala na kaming panahon ngayon eh..

madami mang nangyaring hindi maganda sa friendship namin na parang maiisip mo na bakit kaya kami nag aaway or bakit kami hindi nag uusap, still, never kong naisip na iwanan siya sa ere..

aba, ikaw na magkaroon nang friend fo 14 years!! isa yun sa mga unbelievable sa buhay ko.. ooohhhhh.. :D

sana tong friendship na to eh hindi na mawala maggie.. sana yung sinabi mo sa blog mo na aalis na kayo dito eh saka pa yun.. mmm.. ayoko pang mawala ka dito sa laguna noh.. wala na kong sister ever!!! mmmmm....

love u sis!
i miss you na sobra!
im proud to have you!

~out~



No comments: