4/13/2004

march 14, 2004 (in my room) 09:10 am

hi po.. gusto ko lang mag kuwento..
ang sarap pala ng feeling na kahit wala akong bf, still i know that someone cares for me pa rin.. like my best friend since grade 6, si nil.. naging mas strong yung friendship namin dahil dun sa crush niya that we often talk about sa phone.. nakakatawa nga kasi kapag uuwi na kami sa bahay, tawagan agad sa phone.. ang tanga ko pa nga kasi hindi ko pa alam kung ano ang "long distance call" kaya super laki ng PLDT bill namin.. heheheh.. tapos every last day of exams, sa bahay ang deretso naming dalawa.. minsan may kasama kami, minsan naman kami lang talaga.. tapos sa bahay naman, ayon, kain kami ng kain tapos nag pa piano siya.. pag pagod na, papahinga kami sa labas ng bahay namin.. pag may napag usapan, hahaba na nang sobra yung topic na yon hanggang sa lumawak pa yon.. heheheh.. pero nung nag high school kami, medyo naging alinlangan yung friendship namin kasi nagkaroon siya nang barkada na super kinaiinisan ko.. grupo nila Jayson na laging nang aasar sa kin.. yun, nahawa siya.. kinalimutan na tuloy ni nil yung closeness namin before at naging isa na rin siya sa mga nanunukso sa kin! super miss ko na ang bestfriend ko na yon kasi tumagal hanggang 3rd yr yung tuksuhan na ganon eh.. pero minsan nakakausap ko pa rin naman siya ng maayos.. until nung JS PROM namin(juniors kami), na nominate ako sa Juniors.. aba, si Nil, narinig kong sumigaw.. hindi para i cheer ako kundi para asarin ako! .. kaasar diba? parang maiisip mo, anong klaseng kaibigan yun?.. pero pinabayaan ko lang .. at least ako na nominate, sila hindi! heheheh.. i finished my 4th yr sa ibang lugar(sa samar).. so nagkahiwalay kami ni nil nang isang taon na super hindi kami nag kakausap.. tapos .. nung nag college na kami.. hindi ko na matandaan kung paano ulit kami nagkausap sa phone nito.. parang tumawag siya dito sa bahay na natyempuhan niya ako tapos nag ka kuwentuhan na about sa studies.. pareho kami ng course dati.. Pol Sci.. nako! everytime na naguusap kami nito about politics, hindi umuurong.. as in ipaglalaban niya kung anongn nasa side niya! .. kahit nakakairita na, proud pa rin ako sa best friend ko kasi hindi talaga siya sumusuko.. like dun sa panliligaw niya dun sa crush niya noon pa since grade six.. alam niyo ba na almost six years niyang hinintay yon?!?.. pero wala eh.. nag sawa na rin si nil.. aba'y tama lang na iwan na niya yun noh kasi nahihirapan lang siya! pinaasa siya nung gurl nang sobrang tagal at walang assurance kung sasagutin pa ba siya nun! hay nako.. hindi ko naman kakayanin yun kung ako ang babae, sasagutin ko na ang best friend ko! minsan lang may mabuhay na lalaki na tulad ni nil noh!.. heheh..minsan alam niyo ba, tumawag yan sa kin yan si nil bandang 2 am na ata yon.. himbing na himbing ako sa pagtulog tapos binulabog ako niyan! sasabihin lang niya yung problem niya dun sa babae.. haay !! waah!! nakakasawang pagusapan yung babae na yon tapos wala pa siyang napapala!! ayon, inabot kami nang 5 am ata nun.. grabe.. ewan ko kung long distance sa kanila yun kasi sa binan sila nakatira eh.. basta, ang haba nang paguusap namin. kung mapuputol man, siguro dahil may gagamit ng phone nila.. as in walang sawang kuwentuhan at kantyawan! .. .. .. .. .. nakakatuwa pa nga kasi hindi niya nalimutan ang birthday ko.. actually nasabi ko na sa kanya na pumunta sila sa bahay sa celebration ko mga week before nun.. tapos ang kuwento niya sa kin eh nasa bahay daw siya nang tropa nila(mga high school friends pa) nang maalala niyang birthday ko! ayon, kinaladkad si Ethel(schoolmate ko nung high school until college) sa bahay! take note.. naalala niya bigla huh! at ang oras non nung pumunta sila eh 10 na ata or malapit nang mag 11pm! hehehe.. katuwa noh? akala ko nga hindi na siya pupunta non eh.. kaya sobrang love na love ko ang bestfriend ko! sobra!!
pero ngayon.. may gf na raw siya.. sa chat room sa YM niya nakilala.. taga Quezon raw.. hindi na lang niya sasabihin daw king maganda o panget tingnan ko na lang raw yung Cosmo na ire release ata ngayon.. na feature daw yung babae dun.. heheh.. ano kaya dun?? yung model siya dun sa mga bloopers!?! heheheh.... ;D nakakasar lang kasi alam mo yun.. may kaagaw na ko sa attention nung best friend ko.. nagtatampo na ako pero hindi ko lang pinapahalata sa kanya na nagseselos ako.. hmp! basta mas close kami PERIOD!... biniro ko nga na bakit pa siya maghahanap ng isang "kaibigan" just to highten his emotional skills kung nandito naman ako diba? im willing to help him.... binibiro ko na nandito naman ako bakit pa siya mag g gf nang iba..... heheheh.. palusot lang yon, baka makalusot eh.. heheheh.. :D ang sabi naman niya, ang best friends, best friends lang.. huhuhuhuhu... ;( pero medyo naging okay na rin ako nung may nasabi siya na parang kahit anong mangyari, he'll stay on my side.. aahh.. para akong nabunutan ng tinik.. heheheh.. :D at alam niyo ba, last na kita namin nitong lalake na to eh nung bday ko pa! hay, wala atang balak magpakita sa kin to eh! ;( pero kahit na, love ko pa rin tong best friend ko! heheh..

~out~

april 2, 2004

ANG TABA MO NGAYON AH! eto ang laging bati sa kin nang mga kakilala ko na matagal ko nang hindi nakikita.. haay.. do they really have to tell how big i am? well, at least nag improve naman noh?.. haay.. nakakairita! minsan nakakatuwa kapag maririnig mong "ang chubby mo ata ngayon"which depends on how they will tell it . kailangan ko na namang magpapayat! hindi lang nila alam kung gano kahirap magpigil nang pagkain!!! hhmpp!!!

~out~

april 8, 2004

im here in my room with my nephew.. at nakikipag kuwentuhan siya sa kin.. tapos nasagi sa usapan namin ang magiging tawag sa kin nang magiging anak ko.. i want my future baby to call me "mommy"... wala lang trip ko lang.. ang cute kasi eh.. pero i was thinking that time, who could be my baby's daddy?? :) heheh.. naisip ko lang yun kasi parang ang sarap isipin nang future family.. pero ang engot ko naman kasi wala naman sa isip ko na magpaligaw ulit, pano ako magkaka bf?? pero..... yah alam ko naman na dadating rin sa buhay ko ang guy para sa kin like what they always tell me.. pero nagsawa na rin ako sa kakahintay at kakahanap nang guy for me.. once in my single life, i saw the guy but unfortunately, he dumped me and jumped to another flower.. (you got what i mean?)

well i have this crush.. he's like my kababata.. a chubby guy.. we often see each other before when he's still here in laguna.. hindi siya guwapo pero kapag siya yung kausap ko , parang nare releave yung mga pains ko.. ewan ko if that was because of his sweet voice.. kapag na tiyempuhan niya na masama ang pakiramdam ko, as in gumagaan talaga ang loob ko.. (parang faith healer ah!)
actually, naging kami when i was in first year--1st sem. pero ewan ko ba sa kanya kung bakit pinagdudahan niya ako.. at ayon, 1 night and i day lang kami naging mag on.. SAKIT GRABE!! pero natiis ko yon.. hindi ako nagparamdam sa kanya.. at sa dulo, he called me at nag explain siya.. nag doubt nga daw siya sa feelings ko sa kanya.. siguro feel niya na naiilang ako sa face niya.. pero dati yon! nung kami na, siyempre tanggap ko na kung anong itsura niya! grabe, kung kelan ko na siya sineryoso, dun pa niya ako iniwan.. well, you can call it a karma.. kasi before niloko ko na rin siya.. pero sa ngayon, kahit nasa ibang bansa siya, hindi pa rin niya ako kinakalimutan.. naalala ko pa nung first na nag register ako sa friendster, siya ang pangalawa kong nasa list sa friends. kung mababasa lang sana niya to ngayon, siguro mararamdaman niya na mahalaga pa rin siya sa kin........ love you BhebeKo.........

~out~

No comments: