11/28/2005

IM SO NUMB!!!!!!!!!


SO NUMB

i'm tired of being what you want me to be feeling so faithless lost under the surface i don't know what you're expecting of me put under the pressure of walking in your shoes [caught in the undertow / just caught in the undertow] every step that i take is another mistake to you
i've become so numb i can't feel you there become so tired so much more aware i'm becoming this all i want to do is be more like me and be less like you
can't you see that you're smothering me holding too tightly afraid to lose control cause everything that you thought i would be has fallen apart right in front of you
[caught in the undertow / just caught in the undertow] every step that i take is another mistake to you [caught in the undertow / just caught in the undertow] and every second i waste is more than i can take
but i know i may end up failing too but i know you were just like me with someone disappointed in you

11/25/2005

inayos ko ang problema and i talked to him.. i never shouted.. i never said bad words.. i was just crying and telling him how much i love him and how much i treasure him.. i said when i am bored in the class, i always write my signature with his surname over it.. imagining that were together na.. and then ayon.. okay na kami maya maya... i hugged him super close to me and i cried like i can hardly breath.. he hugged me back and said : "tama na.. tama na... " like it is quoted with "tama na, okay na.. hindi na kita iiwan pa"..... i almost cry out loud when i heard that.. para kong nabunutan ng tinik! haaay.. thank God! i love that guy!

love you nieko!

~ouT~

11/24/2005

were having our discussion right now in my broad management subject. la lang.. la akong magawa eh. katamad makinig...
kagabi pala, muntik na kaming mag break ni mark..
ewan ko.. biglaan na lang...
kasi kagabi, last day na yon ng monitoring namin ni aye para sa jewel in the palace.. eh gusto ko siyang kasama... kaya nagpahintay ako kay mark up to 11pm. ok lang daw sa kanya nung una.. e di punta na ko sa dorm ni aye.. nag ayos na kami ng mga gagawin.. tapos nag text siya sa kin mya mya na gusto na raw niyang umuwi kasi nga may sakit na pala siya.. eh gusto na niya kong iwan at dun na lang ako sa dorm daw matulog.. eh nakapag sabi na ko sa may ari ng dorm ko na hindi ako dun tutulog eh. tapos nagpahintay pa rin ako...
habang nasa jeep kami, medyo matamlay na siya.. tapos habang naglalakad kami sa loob na ng village nila, eto na, nagtanong na ko sa kanya kung ayaw ba niya kong kasama.. bigla siyang tumahimik tapos biglang bumanat na "kung ayaw mo na, mas ayaw ko sayo"..... eh wala naman akong sinasabi sa kanya nung gabi na yon dahil napaka ayos namin nun.. and then bigla niyang sinabi nung tinanong ko sa kanya na bakit niya sinabi yun, "bakit hindi mo itanong sa sarili mo yan".... oo, hindi ko man alam kung gano kadaming beses na kong nagsabi sa kanya na ayaw ko na sa kanya, pero do you think, magtatagal pa ba ko sa kanya if i still feel it?? may mga dahilan naman ako why i said that pero hindi ko talaga sinasadya... pero mahal ko talaga siya..
-to be continue-

11/23/2005

thesis defense ko na sa december 07! shit talaga! kinakabahan na ko! hay... sana makapasa ako.. natatakot ako sa mga panelist eh. at sa sasabihin ng tatay ko dahil sa mahal na babayaran ko. waaaa!!!

sa sobrang hirap na ng buhay ngayon, haos pumapayat na talaga ako sa sobrang problemado.. sinasabihan ako ng parents ko na mag tipid daw ako.. oo ginagawa ko na yun. pero dala na rin to ng problema at sa sobrang pagod at nagkasakit na rin ako dahil sa stress.. haaay...

good luck sa min lahat! sana walang bumagsak sa thesis defense talaga... waaa!!!

mahal kita nieko! mwah!

~out~

11/18/2005

hay.. finally, nakapag mock defense na ko at nakapag practice na ko with my thesis adviser kanina. grabe, nakaka kaba to think na isa pa lang yung nagtatanong sa kin.. kinakabahan na nga ako sa paparating na thesis defense talaga eh! waaa!!!!!!

i was with Jem sa labas.. kala ko umuwi na siya. heheh.. nagkita kami kanina dito sa shop. ayon.. kwentuhan.. yosi.. ^_^

gusto ko nga palang sabihin: THANK YOU NIEKO sa lahat ng nagawa mo para sa kin. although hindi mo nababasa ang mga nilalagay ko dito, sobrang thank you ako sayo! dahil kung hindi dahil sayo, hindi ako makakatapos ng thesis ko. i love you so much dadibabynieko! i miss you na!

ingat po sa lahat!

~out~

11/15/2005

Yup! Im back! Heheheh... nakakainis ang buhay ko ngayon.. nakapag submit na ko ng thesis ko pero rejected siya kaya inulit ko. Ubos na pera ko sobra! Sa printing pa lang ubos na! Hay! Pero ayos lang. Nakaka tuwang isipin na pinag hirapan ko yun! Hahahah!!!! ^_^
kasama ko kanina si Abbie, sinamahan ko siya sa kuhanan ng grad pic namin. Kaso hindi na siya umabot.. so hinatid na niya ko sa may Dept.. wala lang.. tamang tambay kami dun. Nakaka miss na yung babaeng yun! Sobrang busy lang ako kaya hindi ko masabi sa kanya how much i miss our bonding.. and im happy for her na kasama na siya sa modeling agency ng Elan! Wow! Pero sana ma handle pa rin niya ang studies kasama ang career.. Good luck sayo abbie! ANIMO LA SALLE!
Nakapag overload na ko ng 6 units ulit so 21 na all in all ang units ko! Astig! Makakagraduate na ko sa summer. Pero sa march ako mag mamarcha! Wahah! Astig ng rhyme noh! Heheheh... hay.. sana makatapos na talaga ako. Natatakot lang talaga ako sa thesis ko. Waaaa! Pero buti na lang nandyan si Mrs. Salvan to give me her support! I love her! ^_^
miss ko na ang sister ko! We were together nung saturday night dahil bday party ng mmommy niya. Ayon, tamang kantahan kami sa videoke. Pamilyang mahilig kumanta yun eh! Pati ako nadamay pa! Kinanta ko yung better days kahit di ko alam pano kantahin yung mabilis dun! Nag humming na lang ako! Weheh.. nakakamiss yung pagtawa niya everytime na sinasabi ang word na JOK! (as in joke)... hay.. may puppy kami na pareho ang breed.. kaso mas maliit lang yung akin. Ang bait nga nung pup niya eh.. hay..
SIS, katabi ko si kuya randy.. miss ka na niya. Sabi niya layo pa raw ng bday ko, matagal ka pa niya makikita! Heheheh... ^_^ sis, senxa na hindi ako nagtagal sa bahay nio kasi gumawa pa ko ng thesis ko.. lam mo na.. waaaa!!! sis, nakuha ko na grad pic ko! CHAKA! Heheheh.. ^_^ love you!
kanta dito sa computer shop ang EVER AFTER , naalala ko tuloy si Eyah.. miss ko na rin yung bruhan yon! EYAH!!!!! MAGPAKITA KA SA KIN!!!! miss you po! Penge ng grad pic mo! ^_^ kayo ni abbie, bigyan niyo ko! Weheh!
Bday nga pala ni Jem bukas! Dude! Happy bday! Love yah! Pare, painom ka! May tanda ako na promise mo sa kin! Nalimutan ko lang kung ano.. heheheh... oi, penge ako ng grad pic mo!
Haaay.....
ano na kayang mangyayari sa buhay ko noh.. muntik na kong sumuko kahapon. Muntik ko ng pilasin ang grad pic ko! As in! Kasi feeling ko, babagsak ako. Pero di ko ginawa noh! Hindi pa namana ako ganun katanga para gawin yun! P900.00 din yun noh! Waaaa!!!! ^_^
kanina sinamahan ko boyfriend ko with his friends na kumain. Tapos may sumunod pang isa! Langya, isang sisig, pinag hatian ng tatlo! Tapos madami pang kanin ang inorder nila! Grabe! Lakas lumamon! Heheheh.. kaya hindi pumapayat boyfriend ko eh! Hindi ko naman mapigilan, eh pano, sa laki ba naman ng garahe ng pagkain niya eh mapipigilan ko ba yun! Heheheh.. ^_^
mahal kita nieko! Mwah!
~Out~~

11/10/2005

im here in JFH208 right now.. wala na kaming ginagawa kaya eto, nag blog na lang ako para hindi na ko gumastos mamaya..

ayon.. balak ko ngayon umuwi sa bahay.. may kukunin lang ako tapos hindi ko sure kung makaka balik agad ako sa dasma.

medyo hindi pa okay ang schedule ko ngayon dahil marami pa akong inaasikaso.. haay.. may thesis pa. kainis.. pero sana maging okay na ang lahat parang last sem..
pumasa nga pala ako sa chemistry.. heheh, pasang awa nga lang. weheh!
miss ko na si sis, si mark, yung bagong pup ko na si britney.. waaaaaaaaa!!!!!!!!
addict na naman ako sa GUNBOUND! sobra! dami ko nang avatar eh! lalakas pa! kaya lagi akong nasa avatar on! heheheh... ^_^

mahal na mahal kita nieko!

~out~

10/06/2005

sobrang hirap parati pag finals na... daming projects, daming assignments.. lahat lahat na nang pwedeng ipa submit ng professors! haaay.. ganyan talaga maging estudyante. believe me, hindi ka totoong estudyante pag hindi mo naranasang mag PANIC sa lahat ng deadlines ng projects mo.. haaay..

kanina, lahat ng mga masterpieces ng mga JOURNALISM students ay ipinalabas na sa Jose Basa bandang 11 am. nakakainip dahil ang tagal ipalabas ng documentary namin. heheheh.. pangatlo kasi kami sa huli.

para akong nabunutan nang isang tinik ngayon sa aking sarili.. nakakangiti na ko nang maayos. nakakapag saya na ko.. pero marami pa rin akong kailangang gawin..

THINGS TO DO:

kailangan ko nang mag present ng chapters 1-3 namin tomorrow. tapos kailangan kong gumawa ng assignment ko sa Elem Stat. tapos i have to write a script para sa Educational Broadcasting namin. Plus, i have to make a reaction paper from Chapters 1- 11! Goodness! sino ba naman ang hindi maloloko niyan!

natapos namin ang pag re edit ng maaga ng docu namin na ipinalabas na rin nga kanina. kaso na late kami ng gising.. eh kailangan naming pumasok ng 10am sa Chemistry namin dahil kailangan naming maka kuha ng special quizzes para makahabol kami sa grade. pero sa sobrang pagod at puyat, ayon, 9:30 na kami nagising.. si mark pa nga ang nanggising sa min eh. anywayz, ayon, good luck na lang sa amin sa Chemsitry grade sa finals. haaay..

------------------

buti pa si sis, vacation na niya sa Tuesday.. ako meron pang pasok dahil may exams pa ko.. 2 lang pero sa dorm pa rin ako tutulog from sunday to friday! heheheh.... wala lang.. para makasama ko ng matagal si Mark...

------------------

mahal na mahal kita mark!
salamat sa lahat..

-----------------

i wanna thank Ms. Salvan also for being so patient teaching me on my thesis.

----------------

Goodluck sa amin sa Video Post editing! P720.00 ang ambagan namin dahil P5000.00 ang package deal na kinuha nila.. ewan ko.. ang labo.. pero sana naman maging maganda naman ang kalalabasan dahil ANG MAHAL NUN!

~out~

10/04/2005

ang lungkot sa labas... parang walang ka buhay buhay.. pero wala yon sa kin.. lahat ng nasa loob ko, nagwawala.. gusto lahat makawala na.. gusto nang matapos na..

ayoko ng ganito na lahat na lang pare pareho ng deadlines.. pero that OUR LIFE! being a
student, kailangan talagang maging responsable sa mga paper works.. nagyon ko lang naranasan yon lahat lahat..

nararamdaman ko na ang pagiging isang 4th yr.. kaka galing ko lang sa department namin, nagpa consult ako sa adviser ko at nagpa validate ng survey questions ko sa isang professor.. ayon, okay naman daw. kaso ang problema, parang may nakagawa na raw ng topic na yon.. waaaa!!! pano na ko???.. baka ma revised na ko! wawa naman ako....
nakatulong naman silang pareho para mas maintindihan ko ang study ko.. sobrang nagpapasalamat ako sa kanilang dalawa..

mamaya makikipagkita ako kay george para ibigay na ang shotlists ng docu naman namin sa Video post production namin.. haay buhay naman talaga! ang hirap!
sabi ko nga sa parents ko, gusto ko nang gumraduate kasi ang hirap ng ganito.. umaasa ako sa magulang ko, tapos ang daming gastusin.. buti sana kung tapos na ako at may trabaho na ako na maayos.

gusto ko na talagang maka graduate! shit talaga!
nakakahiya na nga sa parents ko kasi puro pera na lang... wala na kong ginawa kung hindi padagdagan ang allowance ko kasi ang daming gastusin!
pero ganyan talaga....

at alam ko, may katapusan lahat to...

at MAKAKA GRADUATE NA RIN AKO SA WAKAS!!!!
GOOD LUCK SA MGA JOURNALISM 4TH YEAR!!
~out~

10/03/2005

this is SHIT!

gawd.. lapit na ang mga deadlines pero eto pa rin ako.. wala lang.. walang paki alam.. waaa!!!!

naiinis pa ko kay anton kasi hindi niya agad nakuha kay rey yung VHS tape eh kahapon ko pa tinetext yun sa kanya na wag niyang kalimutan! hay nako! kainis! pano na yun! eh kung magkikita lang kami ngayon ni rey eh di sana ako na lang ang kumuha eh ang usapan nila, magkikita sila ngayon! bakit pa kasi ako umasa sa kanya eh alam ko naman na baka malimutan niya! shit talagang buhay to!

i wanna die!

shit!!!!

tapos bukas may quiz pa kami s CHEMISTRY! PUCHA! tangina naman! kainis! puro na lang haggardness!! waaaa!!! punyeta talaga! i hate my life! i hate FINALS!!!!!

lots of requirements, deadlines !!! mukha na kong TANGA SA malalaki kong EYEBAGS!!!! waaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!

i hate it!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

punyeta!

tangina talaga!!!!!!!!!!!

~Out~

9/29/2005

haaay.. kakapagod.. ngayon lang ako ulit naka hawak ng computer.. im so relaxed right now..
sobrang stressed ako simula pa nung saturday for our docu! tapos pahinga ko lang nung sunday na umuwi ako sa bahay..

saturday - nagpunta ako sa kadiwa ng sobrang aga kasama si mark. bumalik kami don ng hapon para mag research ng mga tindera para sa interview. pumunta rin kami sa barangay hall.. haay..

monday- nagkita kami ni pepet sa 711 around 8:30am.. ayon inintay lang namin ng onti si anton pero dumerecho na rin kami sa kadiwa around 9:10am.. nakatayo lang kami at pagalala sa buong kadiwa kaka hunt ng mga bumbay na nagpaputang.. nakakainis nga lang kasi ako lang ang kumikilos sa pagtatanong.. nahihiya daw kasi si anton at pepet. oh well.. may mga hinabol akong mga bumbay pero ayaw nilang makipag usap ng matagal.. siguro dahil nga busy sila.. tapos hapon, dumating si sky, nagpunta na kami sa templo ng mga hindu sa may Gate 3.at JACKPOT talaga kami! may mga naka tambay na bumbay sa templo , mga naglalaro ng cards.. ayon, pumasok muna kami sa templo nila.. tapos nakipag usap na kami sa mga bumbay.. may nakilala kami doon at sinama kami sa bahay nila sa bayan. buti mabait siya. at JACKPOT na naman, naka REVO pa! wahah!ang kulit sa loob ng bahay nila, pinapanood nila puro sa india, hindi kami maka relate nila sky at karlo! wahah! pero enjoy naman..

tuesday- nagpunta kami sa bahay ng bumbay na nakilala namin. yung bayaw niya ang sasamahan namin sa paniningil nun sa palengke.. umagang umaga na naman yon! mga 9am.. maaga akong nagising nun! bad trip pa ko kay mark! kasi ang tagal niyang dumating nun.. haaay... tapos ayon nga, si pepet ang camera man, kami ni sky ang kasama.. sumama rin si karlo at mark.. natapos na namin ang lahat ng interview, footages ng paniningil ng bumbay.. haay! grabe! ang daming pera nung bumbay! as in! lahat na ata ng bulsa sa damit at pantalon niya may pera! wahah!!!tapos nagpunta na kami sa bahay ni anton.. i was expecting na maaga ang tapos ng editing namin.. shit! wala akong kadala dalang mga damit! ayon, nag overnight kami sa pag edit! punyeta! waaaa!!! at P55.00 na lang ang pera ko mula ng tuesday hanggang sa natapos na ang editing namin (thursday)...

wednesday- pina polish na ang docu namin.. tapos nagsulat na rin ng voice over.. nakapag download na rin ng music.. akala namin mapapasa namin ng maaga kaso nagka problema na naman.. grabe!na i burn na yung unang CD kaso nung sinalang na sa vcd player, waaaa, walang sounds. ayon inulit at hinek muna ni karlo. yung pagod namin, pagpupuyat namin, biglang madadagdagan pa dahil hindi namin naipasa on time! pero buti iniurong ni sir hanggang thursday.. sobrang puyat na puyat na kami! ako nga, konting pikit ko lang dun habang sinasamahan ko si sky sa pag eedit, walanghiya, tulog agad ako! wahah! sobrang tuloy tuloy kasi ang pagpupuyat namin! tapos ako ang huling natulog.. grabe si pet, sinakop yung buong sofa bed! wahah! sa sahig tuloy natulog sa tabi ko si mark.. lakas pa maghilik nung dalawa eh nasa gitna pa naman nila ako! heheheh! :)

thursday- hindi ko tanda yung oras pero ginising ako ni sky para itanong kung na i burn ko na yung CD.. eh hindi naman ako marunong nun eh. tska nahiya naman akong gisingin nun si karlo dahil laging napuputol ang tulog nun kakatawag ko para magpatulong sa computer. tapos ayon bumangon na kaming lahat. pinanood muna nila sky yung docu at tiningnan ang bedding bawat footages.. ayos naman daw. heheheh, aba ako ang huling natulog sa kanila para igawa ng music yung footage sa loob ng bahay ng mga bumbay ah! heheheh.. :) tapos nun umuwi muna si pepet at sky. binurn na nila karlo yung cd.. yung isa tumataon at yung isa naman eh maayos.. pero okay na yon! at least may nagawa na kami at polish na yun ng maigi! :) sabay sabay kami nila anton, mark at karlo palabas.. binaba ni anton si karlo sa isang kanto.. ewan ko kung saang lugar yun. heheheh! :) sabi ko kay anton, gawin na niya ang pinaka mabilis niyang pagmamaneho ng kotse niya para makahabol kami sa chemistry namin. grabe, habang natutulog ako sa likod, feeling ko tumatalbog talbog ako! wahah! :) at awa naman ng Diyos, naipasa na rin sa wakas ang docu namin! hay nako, pag nag comment yung prof namin dun baka mapatay na namin siya dahil sobrang effort na ibinigay namin sa pag gawa ng docu na yon! heheheh :)

nakapasok naman ako at nakahabol sa chemistry, late nga lang ng 30 minutes! :) tapos hindi na naman ako nakinig sa stat namin, gumawa kasi kami ni icko ng ipinasa ng mga kaklase ko nung tuesday eh diba hindi nga ako nakapasok dahil shooting day namin yun.. waaaaah!!!! may ipinapagawa pa naman dun as assignment namin. waaa!!!!!good luck sa akin! heheheh................ :)

hay salamat! okay na ang docu namin, at okay na rin yung pag urong ko sa interview sa abs cbn para sa ojt. im such a dork para ireject yun noh. kaso i have to. hindi ako nakapag pasa ng mga requirements kasi hindi ko nga balak mag ojt. ang problema pa don, PERA na naman. sobra! bayad ng mahigit P1,600.00 para sa processing ng papeles sa ojt. eh what if matanggap ako dun, eh di dorm ako.. eh magkano na naman yun. nag aaway na nga kami ng tatay ko dahil gusto niyang malaman kung magkano ang dorm na uupahan namin(kung mag o ojt ako). aba malay ko! aba, gusto ba naman niyang alamin ko! what the! eh hello, pano ko malalaman yun eh NANDITO AKO SA DASMARIÑAS, TATAY!!!HELLO!!!! pero mabuti na rin yung hindi muna ako mag ojt. pahinga, para makapag relax na rin ako. okay lang kung summer grad ako.. at least yun, may maiipon na si tatay diba?..... hay.. ang hirap talaga pag wala pera. buti na lang at wala akong nagastos ng 1 araw at kalahati dahil sa pag eedit namin...wahah!
haay. docu naman sa video post prod naman at thesis presentation ang aasikasuhin ko. waaa!!!!!!!!!! good luck!

miss my parents, my doggie, my sister..... haay! :(
sobrang stressed! gusto ko munang umuwi! hindi ko alam na wala palang pasok bukas. nakapambahay na ko nung sinabi ni mark! waaaa!!!!

oh by the way, sobrang pagod namin ni mark, ang sarap ng tulog namin mula 2 hanggang 6pm! wahah!!!!!! :)
happy 14 months mahal ko!!!!!!!!!!!

~out!~

9/23/2005

nakakaloka na.. wala lang.. dami ko pa ring iniisip... dami ko pang hindi nagagawa...

sana hindi magalit ang mga tao sa paligid ko pag hindi ko agad nagawa lahat ng mga assignments ko within the group.. haaay...

sana matapos na lahat to..

maraming gastos.. maraming hirap.. maraming nagkakasakitan...

God please help me!!!!!!!!


~out~

9/22/2005

ganyan ang buhay.... kanina nagkaron kami ng symposium about journalist/ broadcaster .. at may mga speaker pa kami na nasa propesyon... well, i love hearing stuff about media and everything.. medyo naging makulit nga lang ako sa huli sa open forum.. heheheh.. kasi nga medyo nagustuhan ko yung mga speech nila..

anywayz.. buhay.. daming trials... dami kong nakikilalang ibat ibang tao na may ibat ibang problema... naisip ko, HABANG SINASABI NIYO ANG PROBLEMA NIYO SA KIN, feeling ko nadadala ko rin yung mga pains niyo.. heheheh... but thats okay..

sobrang dami ng iniisip ko that i even cant concentrate with my studies! i cant read, study well! this is shit! mga subjects na complicated, lalo pang ginagawang komplikado ng mga professors! mga minors na nakaka bore, lalo pa nilang ginagawang walang kwenta! saan pa kami sisipagin niyan?!

sobrang nakakatamad na... dami ko pang kailangang gawin..

gusto kong maiayos ang buhay ko....

im starting to fade...

my boyfriend is becoming aloof on me.. hes not sweet anymore.. parang bumabalik na naman yung dati na dapat kong sabihin yung dapat niyang gawin... he doesnt hug me unless i say so. how i miss those nights when mark and i spent the whole time in front of mama maria waiting for the time to strike at 12am.. heheheh.. monthsary kasi namin yun.. we were always running around playing TAG... we were like children hungry for games and attention.. i just dont know why this happens right now.. i wanna make him fall in love with me THAT MUCH again..

but how?

i cannot measure that feelings in his heart right now..

i dont know if he's just waiting for the time for me to leave him.. but sorry for him, i wont leave! ^_^ coz i love that guy so much!

i gave him the whole me! i aint gonna let him leave that fast.....

but im hoping that one time he will realize that i am worth loving for... coz i loved him so much! and i promise every breath i take is only for him.. (sniff, drama)....

with this situation, other feels different... i mean others right now cannot find their love... i pitty those people who has been left behind by their loved ones.. alam niyo, marami pa niyang iba.. alam ko naging martir din kayo gaya ko at gaya ng boyfriend ko.. stay strong.. God loves you.. hold on..

mahal na mahal kita mark anthony arieta tesalona!

~out~

9/20/2005

hey.. long time no blog huh.. heheheh.. wala lang.. medyo busy eh..

well, marami akong ikukuwento..

matt gould(joe schmo show) knew already that he was in a fake-reality TV.. heheheh.. i like the way he expresses his feelings towards his friends in the show. grabe, mamimiss ko ang show niya! naiiyak nga ako nung alam ko nang patapos na ang show na.. well, sa pagkaka alam ko, maraming pinagpilian bilang JOE SCHMO pero lucky for him at siya ang napili.. lucky rin ang mga staff ng show na yun dahil si matta ng pinili nila.. hindi sila nagkamali.. nag work lahat.. nagustuhan ng mga actors and actresses si matt.. super naging effetive lahat ng ginawa nilang script para kay matt na sobrang nadadala ang emotions niya.. also, mga viewers nila.. lalo na ko... kahit alam kong pinagkaka isahan siya, hindi ako nagsasawang panoorin ang show nila.. coz i just love Matt! :D

sana may continuation pa yung interview kay matt...

-------------------

last saturday, mark and i went to a party (maxxene's bday) sa may paliparan malapit sa GMA cavite.. tapos medyo galit galitan kami ni mark so nagpaka lasing ako.. ayon, nabangag ako.. as in hilong hilo ako.. so we went inside the house, sa salas ako nakaupo.. mark left dahil magyoyosi raw siya.. tapos mayamaya, may nararamdaman akong dumidiit sa may .. alam niyo na... sa ano ko... so pagmulat ko ng mata ko, ayon, may lalakeng naka yellow na dumaan. lintek minura mura ko siya! tapos umiiyak na ko sobra! tapos tinawag ko si mark.. tapos ayon naglapitan na lahat.. eh sabihin na nating lasing ako.. pero alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid ko! hello, kung magpapapansin ako, eh hindi naman yung panget na naka yellow pipiliin ko! kadiri kaya! malas lang niya dahil ako ang nakatapat niya! tanginang yan! hindi ko alam kung pano ko napatahan ang sarili ko sa pagiyak... grabe! nadere derecho ko nga yung kape na mainit eh! cool, huh.. heheheh...

per mayamaya okay na rin ako.. nagising ako, 12 am na... dun na lang kami pinatulog sa bahay nung nanay ng baby na may bday.. ayon, pinagkasya namin ni mark ang sarili namin sa maliit na folding bed.. heheheh.. pinagkasya talaga... buti nakatulog pa rin kami.. para nga kaming sardinas sa salas eh.. halos bawat sulok may mga nakahiga.. heheheh...

------------------------------------

sa stat, leche.. ang hirap! good luck na lang sa kin! waaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!

~OUT~

9/11/2005

"HAPPY" BDAY LEN!

i dont know how to start my story about what happened at m home when i celebrated my bday yesterday night.. it didnt went well..

a friend came from calamba just to attend my bday.. well, i really want her to be there n my bday...she was with her boyfriend.. my bestfriends Mich and my sister Maggie came too.. i was with Nieko when i came at home...

my friend i was talking about wants to be with her boyfriend wants to sleep together... but the rules in my house is BAWAL ANG MAGKASAMA ANG BABAE AT LALAKE SA PAGTULOG... so i asked her why she wants t sleep with her guy.. she reasoned out that she just want to mak sure that her boyfriend will sleep well. later she changed her mind and asking me to be with them in the sala, with the boys.... pero ayon na nga eh, hindi pede yun...

my friend and i argued a lot and every body in the house hears us... basta ako, ayoko lang sumama ang tingin ng nanay ko sa mga kaibigan ko... alam ni magie kung pano kabilis tumakbo ang isip nang nanay at tatay ko... pero nagmatigas pa rin siya...

kasi sa salas walang fan,sa tabi ng salas namin, space na may katabing dining table... may fan.... dun gusto ni nanay na patulugin ang boyfriend ng kaibigan ko. since sinabihan na ni nanay si mark na dun sa bahay siya matulo, eh di pinatulg ko na lang rin siya dun para may kasama yung bf ng friend ko sa pagtulog... pero ang dahilan niya, baka raw makasagabal.. pero ano namang kaso dun eh si nanay na nga ang nagsabi nun... gusto n friend ko, magkatabi kami sa folding bed at yung dalawa eh sa upuan at sa sofa... eh ayaw na nga nilang matulo..eh pano naman ako??.. gusto ko na ring magpahinga.. hindi k naman sila pedeng tulugan dahil bisita ko sila.. nung una gusto nilang umuwi pero the heck, 12 am na nun at hindi sila papayagan ng parents ko dahil nga gabi na at alam ng parents n friend ko eh nasamin siya.. eh what if something happened to them?? kargo namin yun diba??...

ano bang masama sa pagtulog ko kasama ang friend ko sa kwarto ko??.. eh bakit kasi hindi niya maiwan an bf niya! , hindi siya sanay.. eh ganun din naman ako eh..

kung baga, igalang na lang sana niya ang patakaran nang parents ko sa loob ng bahay namin...diba???... siguro kung ako lang ang nasa bahay, pede yung ganun... pero pinaglalaban pa rin niya... at nakipag debate pa siya kay nanay.. nakakahiya.... per ma mali rin ang nanay ko dahil sh judged my friend agad... mali nga naman yun.. pero mas doble ang mali ng kaibigan ko...

per sa lahat, ako ang mas may kasalanan .... hindi naging maganda ang araw na yon...

may phobia na ko sa paghahanda para sa bday ko... lagi na lang may nangyayaring hindi maganda... ayoko nang maghanda sa susunod....

mahal kita nieko! sensya na sa nangyari ha... salamat sa lahat! mahal na mahal kita! mwah!

~out~

9/07/2005

sobrang stressed...

ewan ko if nagfefeeling lang ako na stressed ako or what.. pero wala lang.. ang hirap ng ganito.. finals na wala pa ring update sa thesis ko..

hirap pa ng buhay.. grabe!

i met the 3 pazis kanina and im happy.. later , may editing na kami para sa docu field namin ... yugn ginawa namin sa taal..

my sister texted me a lot of quotes.. so happy for those message... i really love my best friend! ewan ko, parang hindi ako magiging AKO ngayon kung hindi siya naging parte ng buhay ko..

my nieko, well, ayon, nanood ngayon ng DATING DAAn.. what the! dito sa shop.. trip lang nila ng mga friends niya.. kadiri! heheheh...

ewan ko pa sa bday ko if i will still make a celebration.. parang wala akong karapatang mag celebrate despite of all those problems i am experiencing right now. pero im still hoping na may dumalo pa rin naman kahit papano except my goody good friends sa bahay na sure nang pupunta ....

haaay.. magkano na naman kaya ang magagastos namin sa editing. leche... waaa! hope i will not be broke again! kakainis!

i was with jem for about 3-4 hours i think.. basta! we played WORD RACER .... hehehe.. nanalo ko at first pero bumawi rin siya agad! daya.. heheheh... tapos we stayed at my dorm... tambay.. nakakapanibago yung dorm ko ngayon... kasama ko na kasi si rosa.. si mommy rosa.. :) pero ayos lang naman eh... kaso naninibago pa lang .. lalo na nasa taas ako natutulog.. (double deck)..

i miss my nieko.. i only had few times being with him... wala lang... naglalaro siya kasi eh.. ayoko na namang pigilan kasi baka mag away na naman kami.. bahala na siya.. basta bigyan lang niya ko ng time diba?....

haaay.. matapos lang lahat ng deadlines ko! waaa! magpapakasaya talaga ako! grabe!

tanginang chemistry yan! ang hirap! ang laki pa ng hahabulin ko para pumasa ako! leche! complicated na nga ang subject niya, lalo pang pinapahirap. feeling ko nga, mas stressed pa ko sa class niya kesa sa mga majors ko eh! tangina!

hay! that's it..

ayoko na mag type...

wala na kasi akong masabi eh.. heheheheh...

basta.. lapit na bday ko!

oh, hey! happy bday to aldrich (sept.8) and rona (Sept. 19)

happy bday sa ting lahat!

~out~

9/05/2005

im happy for peepo.. finally! nagka gf na rin siya after how many years! wahah!

abbie, you have to take care of the rushes.. dont always scratch it or something that it will be irritated..

nieko! mahal kita! sorry kanina kasi nagka salisihan tayo! :) thanks sa pagsundo! mahal kita!

i miss my sister... love yah sis!

mich (another best friend) texted me.. saying she loves me and that she misses me alot... haay.. i am too busy that i couldve even make a call and talk to her.. sigh... i miss that girl.. hope she'll come on saturday in my house where i will celebrate my bday!

guys! please come on my bday that i will make it by saturday so that everyone could come! pede kayo mag over night! promise! sarap magluto nanay ko! yumyum!

~out~

9/04/2005

okay na kami ni mark.. finally!

i love that guy so much!

anywayz, he's here with me.. playing Gunbound...

i was supposed to work with my Resume and Application Form as our assignment in English Proficiency.. well, KATAMADAN ang pina iral at ngayon... i just wanna stare at my nieko... heheheh..

ei honey! what's with the post??..... ano yun, nakikipag away sayo because of a guy? ang she even told you that he will tell her guy friends to rape you??... GOSH, swerte ng mga lalake na yon pag ikaw! and if ever siya naman ang ipapa rape mo, like what youve said, baka ayawan pa siya! WAHAHA!

i miss my sister so much.. im with her the whole night.. well, we were waiting for THE JOE SCHMO SHOW! stupid of me, nalimutan ko ang time slot pag madaling araw.. grabe, napuyat kami dahil dun! wala naman kaming napanood.. ayon..... nanood na lang kami ng NAPAKA BADUY NA OTSO OTSO PAMELA MELA ONE! yucky! pero no choice eh.. wala ring maganda sa Cable... waaaa!!!!!! tawa lang kami ng tawa.. baduy kasi! wahah!

i miss that girl so much.. kaya nung napalabas na yung joe schmo show kanina, pareho naming sinubaybayan! we love it! heheheh...

abbie is so irresistable in the picture sa SEVENTEEN! very girly! ganda! hope she'll win! i know that!

i love you mark! so much!

~out~

9/01/2005

hindi ko alam kung papano magsisimula... wala akong maisip na itanong sa sarili ko kung ano ba ang nagawa ko para hindi mo ko pansinin... many people saw that..yung hindi namtin pagkikibuan... pero saan??... anong pagkukulang ko??? dahil lang ba sa hindi ko agad pag rereview ng mas maaga at ginusto kong magpahinga muna?? pagod din ako sa byahe kaya mas minabuti kong magparelax muna... naisip ko na mas magandang mag aral ng lectures kung madaling araw... yun ba ang kinagagalit mo? ang pagputol ko ng tulog ko?

wag ka naman ganyan! oo, mali na ko.. pero nagpahinga lang ako dahil nag ayos din ako ng kama ko dahil lilipat na sa kwarto ko ang ka dorm mate ko.. alam mo naman yun diba? ikaw ba makakapag review ka ba kapag pagod ka? hindi diba?... ako pa kaya....

ewan ko.. basta alam ko, mahal na mahal kita... kaya wag mo ko gantuhin... dahil sinunod naman kita, natulog na agad ako.. hindi na ko nagising ng madaling araw para mag review.. kaya GOODLUCK sa kin sa result ng exams ko... sabi mo kasi, wag ko sanayin ang sarili ko sa pag rereview??... am i correct??... well, sa kin kasi mas maganda kung may na scan ka na lectures eh.. mahirap ang aasa ka lang sa stock knowledge...

alam mo naman na mahal kita diba??

bakit mo ko kailangang iwasan? ipag tabuyan??

ano ba talaga ang problema mo sa kin?? wala lang... ganon??

pwede ba naman yun?

hindi!

masaya ako pag nakikita kitang naka ngiti.. kahit papano nawawala ang sakit sa kin... kasi alam ko masaya ka...

pero naiisip mo ba ang magiging resulta ng ganito lang tayo sa kin??....

hindi... dahil hindi mo ko iniisip...

mahal kita! yun lang ang alam ko... kaya kahit nagmumukha na kong tanga, ayos lang.. ganun ako eh.. pero wag mo naman lalong ipag duldulan sa kin na parang wala kang paki alam sa kin..

sabihin mo sa kin, ano bang nagawa ko sayo??

wala naman diba? yon din ang sagot mo sa kin kanina ..

wala naman palang dahilan, bakit ka ganyan??

nahihirapan ako sa sitwasyon natin na ganito..

pero masaya ka na hindi mo ko kinakausap.. na nilalayuan mo ko... na binabara mo ko pag kinakausap kita..

mahal mo pa ba ako?

bakit ganito na tayo??

anong nagawa kong pagkukulang para mangyari sa tin to??...

ayaw mo naman ako harapin... bakit??... ayaw mo ko makausap??..

para mo na ring sinabi na wala ka ng pakialam sa kin...

ano ba!

kausapin mo ko! tao rin ako! may pakiramdam!

ang alam ko, nagtlo lang tayo kagabi, yun lang.. pero im not expecting that it will end like this..

nahihirapan ako..

kausapin mo ko....

masaya ka sa mga kaibigan mo.. nakikita ko kung gano mo sila pinapahalagahan..

kung pano mo pinaparamdam na mahal mo sila...

pero pano naman ako???

ganito na lang tayo??

ayoko ng ganito , alam mo yon..

pero bakit parati na lang ganito ang ginagawa mo sa kin....

minsan ba ginawa ko sayo na ipagtabuyan kita?? hindi naman diba?

dahil ayaw kong umiwas ka sa kin at ayokong lumayo ka...

pero bakit parang ang dali mong gawin sa kin to??

ano bang problema mo sa kin.. sabihin mo.... wag ganito....

mahal kita..

ako, mahal mo pa ba??...

........... ............. ................

lalo ko tuloy naiisip na wala na kong magandang nagagawa sa lahat nang tao ....

.......... ......... .......

masama ba kong tao para iwasan mo??? sagutin mo ko!

mahal kita...............

pero bakit mo ko ginaganito?????

naging pangit ba kong kasama sa loob ng isang taon at isang buwan??...

mahal na mahal kita....

sana lang kausapin mo ko ng ayos... wag ganito....

~out~