10/06/2005
kanina, lahat ng mga masterpieces ng mga JOURNALISM students ay ipinalabas na sa Jose Basa bandang 11 am. nakakainip dahil ang tagal ipalabas ng documentary namin. heheheh.. pangatlo kasi kami sa huli.
para akong nabunutan nang isang tinik ngayon sa aking sarili.. nakakangiti na ko nang maayos. nakakapag saya na ko.. pero marami pa rin akong kailangang gawin..
THINGS TO DO:
kailangan ko nang mag present ng chapters 1-3 namin tomorrow. tapos kailangan kong gumawa ng assignment ko sa Elem Stat. tapos i have to write a script para sa Educational Broadcasting namin. Plus, i have to make a reaction paper from Chapters 1- 11! Goodness! sino ba naman ang hindi maloloko niyan!
natapos namin ang pag re edit ng maaga ng docu namin na ipinalabas na rin nga kanina. kaso na late kami ng gising.. eh kailangan naming pumasok ng 10am sa Chemistry namin dahil kailangan naming maka kuha ng special quizzes para makahabol kami sa grade. pero sa sobrang pagod at puyat, ayon, 9:30 na kami nagising.. si mark pa nga ang nanggising sa min eh. anywayz, ayon, good luck na lang sa amin sa Chemsitry grade sa finals. haaay..
------------------
buti pa si sis, vacation na niya sa Tuesday.. ako meron pang pasok dahil may exams pa ko.. 2 lang pero sa dorm pa rin ako tutulog from sunday to friday! heheheh.... wala lang.. para makasama ko ng matagal si Mark...
------------------
mahal na mahal kita mark!
salamat sa lahat..
-----------------
i wanna thank Ms. Salvan also for being so patient teaching me on my thesis.
----------------
Goodluck sa amin sa Video Post editing! P720.00 ang ambagan namin dahil P5000.00 ang package deal na kinuha nila.. ewan ko.. ang labo.. pero sana naman maging maganda naman ang kalalabasan dahil ANG MAHAL NUN!
~out~
10/04/2005
ayoko ng ganito na lahat na lang pare pareho ng deadlines.. pero that OUR LIFE! being a
student, kailangan talagang maging responsable sa mga paper works.. nagyon ko lang naranasan yon lahat lahat..
nararamdaman ko na ang pagiging isang 4th yr.. kaka galing ko lang sa department namin, nagpa consult ako sa adviser ko at nagpa validate ng survey questions ko sa isang professor.. ayon, okay naman daw. kaso ang problema, parang may nakagawa na raw ng topic na yon.. waaaa!!! pano na ko???.. baka ma revised na ko! wawa naman ako....
nakatulong naman silang pareho para mas maintindihan ko ang study ko.. sobrang nagpapasalamat ako sa kanilang dalawa..
mamaya makikipagkita ako kay george para ibigay na ang shotlists ng docu naman namin sa Video post production namin.. haay buhay naman talaga! ang hirap!
sabi ko nga sa parents ko, gusto ko nang gumraduate kasi ang hirap ng ganito.. umaasa ako sa magulang ko, tapos ang daming gastusin.. buti sana kung tapos na ako at may trabaho na ako na maayos.
gusto ko na talagang maka graduate! shit talaga!
nakakahiya na nga sa parents ko kasi puro pera na lang... wala na kong ginawa kung hindi padagdagan ang allowance ko kasi ang daming gastusin!
pero ganyan talaga....
at alam ko, may katapusan lahat to...
at MAKAKA GRADUATE NA RIN AKO SA WAKAS!!!!
GOOD LUCK SA MGA JOURNALISM 4TH YEAR!!
~out~
10/03/2005
gawd.. lapit na ang mga deadlines pero eto pa rin ako.. wala lang.. walang paki alam.. waaa!!!!
naiinis pa ko kay anton kasi hindi niya agad nakuha kay rey yung VHS tape eh kahapon ko pa tinetext yun sa kanya na wag niyang kalimutan! hay nako! kainis! pano na yun! eh kung magkikita lang kami ngayon ni rey eh di sana ako na lang ang kumuha eh ang usapan nila, magkikita sila ngayon! bakit pa kasi ako umasa sa kanya eh alam ko naman na baka malimutan niya! shit talagang buhay to!
i wanna die!
shit!!!!
tapos bukas may quiz pa kami s CHEMISTRY! PUCHA! tangina naman! kainis! puro na lang haggardness!! waaaa!!! punyeta talaga! i hate my life! i hate FINALS!!!!!
lots of requirements, deadlines !!! mukha na kong TANGA SA malalaki kong EYEBAGS!!!! waaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!
i hate it!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
punyeta!
tangina talaga!!!!!!!!!!!
~Out~
9/29/2005
sobrang stressed ako simula pa nung saturday for our docu! tapos pahinga ko lang nung sunday na umuwi ako sa bahay..
saturday - nagpunta ako sa kadiwa ng sobrang aga kasama si mark. bumalik kami don ng hapon para mag research ng mga tindera para sa interview. pumunta rin kami sa barangay hall.. haay..
monday- nagkita kami ni pepet sa 711 around 8:30am.. ayon inintay lang namin ng onti si anton pero dumerecho na rin kami sa kadiwa around 9:10am.. nakatayo lang kami at pagalala sa buong kadiwa kaka hunt ng mga bumbay na nagpaputang.. nakakainis nga lang kasi ako lang ang kumikilos sa pagtatanong.. nahihiya daw kasi si anton at pepet. oh well.. may mga hinabol akong mga bumbay pero ayaw nilang makipag usap ng matagal.. siguro dahil nga busy sila.. tapos hapon, dumating si sky, nagpunta na kami sa templo ng mga hindu sa may Gate 3.at JACKPOT talaga kami! may mga naka tambay na bumbay sa templo , mga naglalaro ng cards.. ayon, pumasok muna kami sa templo nila.. tapos nakipag usap na kami sa mga bumbay.. may nakilala kami doon at sinama kami sa bahay nila sa bayan. buti mabait siya. at JACKPOT na naman, naka REVO pa! wahah!ang kulit sa loob ng bahay nila, pinapanood nila puro sa india, hindi kami maka relate nila sky at karlo! wahah! pero enjoy naman..
tuesday- nagpunta kami sa bahay ng bumbay na nakilala namin. yung bayaw niya ang sasamahan namin sa paniningil nun sa palengke.. umagang umaga na naman yon! mga 9am.. maaga akong nagising nun! bad trip pa ko kay mark! kasi ang tagal niyang dumating nun.. haaay... tapos ayon nga, si pepet ang camera man, kami ni sky ang kasama.. sumama rin si karlo at mark.. natapos na namin ang lahat ng interview, footages ng paniningil ng bumbay.. haay! grabe! ang daming pera nung bumbay! as in! lahat na ata ng bulsa sa damit at pantalon niya may pera! wahah!!!tapos nagpunta na kami sa bahay ni anton.. i was expecting na maaga ang tapos ng editing namin.. shit! wala akong kadala dalang mga damit! ayon, nag overnight kami sa pag edit! punyeta! waaaa!!! at P55.00 na lang ang pera ko mula ng tuesday hanggang sa natapos na ang editing namin (thursday)...
wednesday- pina polish na ang docu namin.. tapos nagsulat na rin ng voice over.. nakapag download na rin ng music.. akala namin mapapasa namin ng maaga kaso nagka problema na naman.. grabe!na i burn na yung unang CD kaso nung sinalang na sa vcd player, waaaa, walang sounds. ayon inulit at hinek muna ni karlo. yung pagod namin, pagpupuyat namin, biglang madadagdagan pa dahil hindi namin naipasa on time! pero buti iniurong ni sir hanggang thursday.. sobrang puyat na puyat na kami! ako nga, konting pikit ko lang dun habang sinasamahan ko si sky sa pag eedit, walanghiya, tulog agad ako! wahah! sobrang tuloy tuloy kasi ang pagpupuyat namin! tapos ako ang huling natulog.. grabe si pet, sinakop yung buong sofa bed! wahah! sa sahig tuloy natulog sa tabi ko si mark.. lakas pa maghilik nung dalawa eh nasa gitna pa naman nila ako! heheheh! :)
thursday- hindi ko tanda yung oras pero ginising ako ni sky para itanong kung na i burn ko na yung CD.. eh hindi naman ako marunong nun eh. tska nahiya naman akong gisingin nun si karlo dahil laging napuputol ang tulog nun kakatawag ko para magpatulong sa computer. tapos ayon bumangon na kaming lahat. pinanood muna nila sky yung docu at tiningnan ang bedding bawat footages.. ayos naman daw. heheheh, aba ako ang huling natulog sa kanila para igawa ng music yung footage sa loob ng bahay ng mga bumbay ah! heheheh.. :) tapos nun umuwi muna si pepet at sky. binurn na nila karlo yung cd.. yung isa tumataon at yung isa naman eh maayos.. pero okay na yon! at least may nagawa na kami at polish na yun ng maigi! :) sabay sabay kami nila anton, mark at karlo palabas.. binaba ni anton si karlo sa isang kanto.. ewan ko kung saang lugar yun. heheheh! :) sabi ko kay anton, gawin na niya ang pinaka mabilis niyang pagmamaneho ng kotse niya para makahabol kami sa chemistry namin. grabe, habang natutulog ako sa likod, feeling ko tumatalbog talbog ako! wahah! :) at awa naman ng Diyos, naipasa na rin sa wakas ang docu namin! hay nako, pag nag comment yung prof namin dun baka mapatay na namin siya dahil sobrang effort na ibinigay namin sa pag gawa ng docu na yon! heheheh :)
nakapasok naman ako at nakahabol sa chemistry, late nga lang ng 30 minutes! :) tapos hindi na naman ako nakinig sa stat namin, gumawa kasi kami ni icko ng ipinasa ng mga kaklase ko nung tuesday eh diba hindi nga ako nakapasok dahil shooting day namin yun.. waaaaah!!!! may ipinapagawa pa naman dun as assignment namin. waaa!!!!!good luck sa akin! heheheh................ :)
hay salamat! okay na ang docu namin, at okay na rin yung pag urong ko sa interview sa abs cbn para sa ojt. im such a dork para ireject yun noh. kaso i have to. hindi ako nakapag pasa ng mga requirements kasi hindi ko nga balak mag ojt. ang problema pa don, PERA na naman. sobra! bayad ng mahigit P1,600.00 para sa processing ng papeles sa ojt. eh what if matanggap ako dun, eh di dorm ako.. eh magkano na naman yun. nag aaway na nga kami ng tatay ko dahil gusto niyang malaman kung magkano ang dorm na uupahan namin(kung mag o ojt ako). aba malay ko! aba, gusto ba naman niyang alamin ko! what the! eh hello, pano ko malalaman yun eh NANDITO AKO SA DASMARIÑAS, TATAY!!!HELLO!!!! pero mabuti na rin yung hindi muna ako mag ojt. pahinga, para makapag relax na rin ako. okay lang kung summer grad ako.. at least yun, may maiipon na si tatay diba?..... hay.. ang hirap talaga pag wala pera. buti na lang at wala akong nagastos ng 1 araw at kalahati dahil sa pag eedit namin...wahah!
haay. docu naman sa video post prod naman at thesis presentation ang aasikasuhin ko. waaa!!!!!!!!!! good luck!
miss my parents, my doggie, my sister..... haay! :(
sobrang stressed! gusto ko munang umuwi! hindi ko alam na wala palang pasok bukas. nakapambahay na ko nung sinabi ni mark! waaaa!!!!
oh by the way, sobrang pagod namin ni mark, ang sarap ng tulog namin mula 2 hanggang 6pm! wahah!!!!!! :)
happy 14 months mahal ko!!!!!!!!!!!
~out!~
9/23/2005
sana hindi magalit ang mga tao sa paligid ko pag hindi ko agad nagawa lahat ng mga assignments ko within the group.. haaay...
sana matapos na lahat to..
maraming gastos.. maraming hirap.. maraming nagkakasakitan...
God please help me!!!!!!!!
~out~
9/22/2005
anywayz.. buhay.. daming trials... dami kong nakikilalang ibat ibang tao na may ibat ibang problema... naisip ko, HABANG SINASABI NIYO ANG PROBLEMA NIYO SA KIN, feeling ko nadadala ko rin yung mga pains niyo.. heheheh... but thats okay..
sobrang dami ng iniisip ko that i even cant concentrate with my studies! i cant read, study well! this is shit! mga subjects na complicated, lalo pang ginagawang komplikado ng mga professors! mga minors na nakaka bore, lalo pa nilang ginagawang walang kwenta! saan pa kami sisipagin niyan?!
sobrang nakakatamad na... dami ko pang kailangang gawin..
gusto kong maiayos ang buhay ko....
im starting to fade...
my boyfriend is becoming aloof on me.. hes not sweet anymore.. parang bumabalik na naman yung dati na dapat kong sabihin yung dapat niyang gawin... he doesnt hug me unless i say so. how i miss those nights when mark and i spent the whole time in front of mama maria waiting for the time to strike at 12am.. heheheh.. monthsary kasi namin yun.. we were always running around playing TAG... we were like children hungry for games and attention.. i just dont know why this happens right now.. i wanna make him fall in love with me THAT MUCH again..
but how?
i cannot measure that feelings in his heart right now..
i dont know if he's just waiting for the time for me to leave him.. but sorry for him, i wont leave! ^_^ coz i love that guy so much!
i gave him the whole me! i aint gonna let him leave that fast.....
but im hoping that one time he will realize that i am worth loving for... coz i loved him so much! and i promise every breath i take is only for him.. (sniff, drama)....
with this situation, other feels different... i mean others right now cannot find their love... i pitty those people who has been left behind by their loved ones.. alam niyo, marami pa niyang iba.. alam ko naging martir din kayo gaya ko at gaya ng boyfriend ko.. stay strong.. God loves you.. hold on..
mahal na mahal kita mark anthony arieta tesalona!
~out~
9/20/2005
well, marami akong ikukuwento..
matt gould(joe schmo show) knew already that he was in a fake-reality TV.. heheheh.. i like the way he expresses his feelings towards his friends in the show. grabe, mamimiss ko ang show niya! naiiyak nga ako nung alam ko nang patapos na ang show na.. well, sa pagkaka alam ko, maraming pinagpilian bilang JOE SCHMO pero lucky for him at siya ang napili.. lucky rin ang mga staff ng show na yun dahil si matta ng pinili nila.. hindi sila nagkamali.. nag work lahat.. nagustuhan ng mga actors and actresses si matt.. super naging effetive lahat ng ginawa nilang script para kay matt na sobrang nadadala ang emotions niya.. also, mga viewers nila.. lalo na ko... kahit alam kong pinagkaka isahan siya, hindi ako nagsasawang panoorin ang show nila.. coz i just love Matt! :D
sana may continuation pa yung interview kay matt...
-------------------
last saturday, mark and i went to a party (maxxene's bday) sa may paliparan malapit sa GMA cavite.. tapos medyo galit galitan kami ni mark so nagpaka lasing ako.. ayon, nabangag ako.. as in hilong hilo ako.. so we went inside the house, sa salas ako nakaupo.. mark left dahil magyoyosi raw siya.. tapos mayamaya, may nararamdaman akong dumidiit sa may .. alam niyo na... sa ano ko... so pagmulat ko ng mata ko, ayon, may lalakeng naka yellow na dumaan. lintek minura mura ko siya! tapos umiiyak na ko sobra! tapos tinawag ko si mark.. tapos ayon naglapitan na lahat.. eh sabihin na nating lasing ako.. pero alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid ko! hello, kung magpapapansin ako, eh hindi naman yung panget na naka yellow pipiliin ko! kadiri kaya! malas lang niya dahil ako ang nakatapat niya! tanginang yan! hindi ko alam kung pano ko napatahan ang sarili ko sa pagiyak... grabe! nadere derecho ko nga yung kape na mainit eh! cool, huh.. heheheh...
per mayamaya okay na rin ako.. nagising ako, 12 am na... dun na lang kami pinatulog sa bahay nung nanay ng baby na may bday.. ayon, pinagkasya namin ni mark ang sarili namin sa maliit na folding bed.. heheheh.. pinagkasya talaga... buti nakatulog pa rin kami.. para nga kaming sardinas sa salas eh.. halos bawat sulok may mga nakahiga.. heheheh...
------------------------------------
sa stat, leche.. ang hirap! good luck na lang sa kin! waaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!
~OUT~
9/11/2005
i dont know how to start my story about what happened at m home when i celebrated my bday yesterday night.. it didnt went well..
a friend came from calamba just to attend my bday.. well, i really want her to be there n my bday...she was with her boyfriend.. my bestfriends Mich and my sister Maggie came too.. i was with Nieko when i came at home...
my friend i was talking about wants to be with her boyfriend wants to sleep together... but the rules in my house is BAWAL ANG MAGKASAMA ANG BABAE AT LALAKE SA PAGTULOG... so i asked her why she wants t sleep with her guy.. she reasoned out that she just want to mak sure that her boyfriend will sleep well. later she changed her mind and asking me to be with them in the sala, with the boys.... pero ayon na nga eh, hindi pede yun...
my friend and i argued a lot and every body in the house hears us... basta ako, ayoko lang sumama ang tingin ng nanay ko sa mga kaibigan ko... alam ni magie kung pano kabilis tumakbo ang isip nang nanay at tatay ko... pero nagmatigas pa rin siya...
kasi sa salas walang fan,sa tabi ng salas namin, space na may katabing dining table... may fan.... dun gusto ni nanay na patulugin ang boyfriend ng kaibigan ko. since sinabihan na ni nanay si mark na dun sa bahay siya matulo, eh di pinatulg ko na lang rin siya dun para may kasama yung bf ng friend ko sa pagtulog... pero ang dahilan niya, baka raw makasagabal.. pero ano namang kaso dun eh si nanay na nga ang nagsabi nun... gusto n friend ko, magkatabi kami sa folding bed at yung dalawa eh sa upuan at sa sofa... eh ayaw na nga nilang matulo..eh pano naman ako??.. gusto ko na ring magpahinga.. hindi k naman sila pedeng tulugan dahil bisita ko sila.. nung una gusto nilang umuwi pero the heck, 12 am na nun at hindi sila papayagan ng parents ko dahil nga gabi na at alam ng parents n friend ko eh nasamin siya.. eh what if something happened to them?? kargo namin yun diba??...
ano bang masama sa pagtulog ko kasama ang friend ko sa kwarto ko??.. eh bakit kasi hindi niya maiwan an bf niya! , hindi siya sanay.. eh ganun din naman ako eh..
kung baga, igalang na lang sana niya ang patakaran nang parents ko sa loob ng bahay namin...diba???... siguro kung ako lang ang nasa bahay, pede yung ganun... pero pinaglalaban pa rin niya... at nakipag debate pa siya kay nanay.. nakakahiya.... per ma mali rin ang nanay ko dahil sh judged my friend agad... mali nga naman yun.. pero mas doble ang mali ng kaibigan ko...
per sa lahat, ako ang mas may kasalanan .... hindi naging maganda ang araw na yon...
may phobia na ko sa paghahanda para sa bday ko... lagi na lang may nangyayaring hindi maganda... ayoko nang maghanda sa susunod....
mahal kita nieko! sensya na sa nangyari ha... salamat sa lahat! mahal na mahal kita! mwah!
~out~
9/07/2005
ewan ko if nagfefeeling lang ako na stressed ako or what.. pero wala lang.. ang hirap ng ganito.. finals na wala pa ring update sa thesis ko..
hirap pa ng buhay.. grabe!
i met the 3 pazis kanina and im happy.. later , may editing na kami para sa docu field namin ... yugn ginawa namin sa taal..
my sister texted me a lot of quotes.. so happy for those message... i really love my best friend! ewan ko, parang hindi ako magiging AKO ngayon kung hindi siya naging parte ng buhay ko..
my nieko, well, ayon, nanood ngayon ng DATING DAAn.. what the! dito sa shop.. trip lang nila ng mga friends niya.. kadiri! heheheh...
ewan ko pa sa bday ko if i will still make a celebration.. parang wala akong karapatang mag celebrate despite of all those problems i am experiencing right now. pero im still hoping na may dumalo pa rin naman kahit papano except my goody good friends sa bahay na sure nang pupunta ....
haaay.. magkano na naman kaya ang magagastos namin sa editing. leche... waaa! hope i will not be broke again! kakainis!
i was with jem for about 3-4 hours i think.. basta! we played WORD RACER .... hehehe.. nanalo ko at first pero bumawi rin siya agad! daya.. heheheh... tapos we stayed at my dorm... tambay.. nakakapanibago yung dorm ko ngayon... kasama ko na kasi si rosa.. si mommy rosa.. :) pero ayos lang naman eh... kaso naninibago pa lang .. lalo na nasa taas ako natutulog.. (double deck)..
i miss my nieko.. i only had few times being with him... wala lang... naglalaro siya kasi eh.. ayoko na namang pigilan kasi baka mag away na naman kami.. bahala na siya.. basta bigyan lang niya ko ng time diba?....
haaay.. matapos lang lahat ng deadlines ko! waaa! magpapakasaya talaga ako! grabe!
tanginang chemistry yan! ang hirap! ang laki pa ng hahabulin ko para pumasa ako! leche! complicated na nga ang subject niya, lalo pang pinapahirap. feeling ko nga, mas stressed pa ko sa class niya kesa sa mga majors ko eh! tangina!
hay! that's it..
ayoko na mag type...
wala na kasi akong masabi eh.. heheheheh...
basta.. lapit na bday ko!
oh, hey! happy bday to aldrich (sept.8) and rona (Sept. 19)
happy bday sa ting lahat!
~out~
9/05/2005
abbie, you have to take care of the rushes.. dont always scratch it or something that it will be irritated..
nieko! mahal kita! sorry kanina kasi nagka salisihan tayo! :) thanks sa pagsundo! mahal kita!
i miss my sister... love yah sis!
mich (another best friend) texted me.. saying she loves me and that she misses me alot... haay.. i am too busy that i couldve even make a call and talk to her.. sigh... i miss that girl.. hope she'll come on saturday in my house where i will celebrate my bday!
guys! please come on my bday that i will make it by saturday so that everyone could come! pede kayo mag over night! promise! sarap magluto nanay ko! yumyum!
~out~
9/04/2005
i love that guy so much!
anywayz, he's here with me.. playing Gunbound...
i was supposed to work with my Resume and Application Form as our assignment in English Proficiency.. well, KATAMADAN ang pina iral at ngayon... i just wanna stare at my nieko... heheheh..
ei honey! what's with the post??..... ano yun, nakikipag away sayo because of a guy? ang she even told you that he will tell her guy friends to rape you??... GOSH, swerte ng mga lalake na yon pag ikaw! and if ever siya naman ang ipapa rape mo, like what youve said, baka ayawan pa siya! WAHAHA!
i miss my sister so much.. im with her the whole night.. well, we were waiting for THE JOE SCHMO SHOW! stupid of me, nalimutan ko ang time slot pag madaling araw.. grabe, napuyat kami dahil dun! wala naman kaming napanood.. ayon..... nanood na lang kami ng NAPAKA BADUY NA OTSO OTSO PAMELA MELA ONE! yucky! pero no choice eh.. wala ring maganda sa Cable... waaaa!!!!!! tawa lang kami ng tawa.. baduy kasi! wahah!
i miss that girl so much.. kaya nung napalabas na yung joe schmo show kanina, pareho naming sinubaybayan! we love it! heheheh...
abbie is so irresistable in the picture sa SEVENTEEN! very girly! ganda! hope she'll win! i know that!
i love you mark! so much!
~out~
9/01/2005
wag ka naman ganyan! oo, mali na ko.. pero nagpahinga lang ako dahil nag ayos din ako ng kama ko dahil lilipat na sa kwarto ko ang ka dorm mate ko.. alam mo naman yun diba? ikaw ba makakapag review ka ba kapag pagod ka? hindi diba?... ako pa kaya....
ewan ko.. basta alam ko, mahal na mahal kita... kaya wag mo ko gantuhin... dahil sinunod naman kita, natulog na agad ako.. hindi na ko nagising ng madaling araw para mag review.. kaya GOODLUCK sa kin sa result ng exams ko... sabi mo kasi, wag ko sanayin ang sarili ko sa pag rereview??... am i correct??... well, sa kin kasi mas maganda kung may na scan ka na lectures eh.. mahirap ang aasa ka lang sa stock knowledge...
alam mo naman na mahal kita diba??
bakit mo ko kailangang iwasan? ipag tabuyan??
ano ba talaga ang problema mo sa kin?? wala lang... ganon??
pwede ba naman yun?
hindi!
masaya ako pag nakikita kitang naka ngiti.. kahit papano nawawala ang sakit sa kin... kasi alam ko masaya ka...
pero naiisip mo ba ang magiging resulta ng ganito lang tayo sa kin??....
hindi... dahil hindi mo ko iniisip...
mahal kita! yun lang ang alam ko... kaya kahit nagmumukha na kong tanga, ayos lang.. ganun ako eh.. pero wag mo naman lalong ipag duldulan sa kin na parang wala kang paki alam sa kin..
sabihin mo sa kin, ano bang nagawa ko sayo??
wala naman diba? yon din ang sagot mo sa kin kanina ..
wala naman palang dahilan, bakit ka ganyan??
nahihirapan ako sa sitwasyon natin na ganito..
pero masaya ka na hindi mo ko kinakausap.. na nilalayuan mo ko... na binabara mo ko pag kinakausap kita..
mahal mo pa ba ako?
bakit ganito na tayo??
anong nagawa kong pagkukulang para mangyari sa tin to??...
ayaw mo naman ako harapin... bakit??... ayaw mo ko makausap??..
para mo na ring sinabi na wala ka ng pakialam sa kin...
ano ba!
kausapin mo ko! tao rin ako! may pakiramdam!
ang alam ko, nagtlo lang tayo kagabi, yun lang.. pero im not expecting that it will end like this..
nahihirapan ako..
kausapin mo ko....
masaya ka sa mga kaibigan mo.. nakikita ko kung gano mo sila pinapahalagahan..
kung pano mo pinaparamdam na mahal mo sila...
pero pano naman ako???
ganito na lang tayo??
ayoko ng ganito , alam mo yon..
pero bakit parati na lang ganito ang ginagawa mo sa kin....
minsan ba ginawa ko sayo na ipagtabuyan kita?? hindi naman diba?
dahil ayaw kong umiwas ka sa kin at ayokong lumayo ka...
pero bakit parang ang dali mong gawin sa kin to??
ano bang problema mo sa kin.. sabihin mo.... wag ganito....
mahal kita..
ako, mahal mo pa ba??...
........... ............. ................
lalo ko tuloy naiisip na wala na kong magandang nagagawa sa lahat nang tao ....
.......... ......... .......
masama ba kong tao para iwasan mo??? sagutin mo ko!
mahal kita...............
pero bakit mo ko ginaganito?????
naging pangit ba kong kasama sa loob ng isang taon at isang buwan??...
mahal na mahal kita....
sana lang kausapin mo ko ng ayos... wag ganito....
~out~
alam kong gago na ko, tanga na ko... kaya wag mo nang dagdagan pa.. sabihin mo sa kin kung anong meron!
pero kahit anong mangyari, alam mo naman na nandito pa rin ako para sayo!
~out~
8/31/2005
buysit! kakainis sa dorm! walang tubig! nasa kalagitnaan na ko ng pag aanlaw ko ng dalawang beses, dun pa nawala ang tubig! tapos sasabihin nung may ari na sabay sabay kasi naligo at gumamit ng cr! like hello! natural, eh tatlo ang banyo dun! at maraming nakatira sa dorm! tanga ba siya!?! ano ba yan!
pero ayos na... refreshed na rin naman ako kahit papano...
now, im just waiting for mark to get done with his exam for 10-11am.. ayon...
hay... dami kong iniisip na gawin! ngayon, may na accomplsh na naman ako kahit papano,
first, natapos na namin ang video post documentary namin which is the TAAL ADVENTURE...
second, i already talked to cza and we will meet at 2pm to make the dramatization for my chemistry project... well, hindi ko na siya mapapa edit... mahal kasi yun.. basta gagandahan ko na lang ang presentation...
buti na lang, next week pa ang exam sa comm res.. i have still time to study the freakin quantitative research topic! wahah! ^_^
i saw lhydz kanina while i was waiting for mark sa labas.. ayon, miss ko na siya.. grabe! well, whenever im with her, sobrang astig! heheheh.. daming chika, lagi kaming nagtatawanan! sobra! lufet! heheh.. sa classroom, sobrang pasaway kaming dalawa... heheheh... mamimiss ko siya kapag natapos na ang sem na to... hindi ko na siya magiging classmate eh.. waaaa!!!! :(
----------------------------------------
daming may problema sa pera! isa na ko dun!heheh.. lagi naman eh... eh pano ba naman, nagbibigay ng lecture ang prof namin, sa portal pa, eh siyempre hindi ka naman makakapag aral ng hindi mo ipi print yon diba?... siyempre, bayad sa pa print, bayad pa sa pag rent ng PC! what the heck! tapos katakawan ko pa !bad trip naman kasi tong tyan na to, ang hilig kumain! tapos lagi pa ko bumibili ng C2! addict sa C2 wahah!!!!!
ummm...... malapit nang matapos ang midterm, the next thing i will know, tapos na rin ang finals.. grabe, mas haggard kami nun! hopefully, matapos ko ang 4th yr ko ng maayos.. i mean walang problema.. pero for sure naman, magiging maayos ang lahat.. im praying to God na sana hindi niya ko pabayaan...
-----------------------------------------------------
i love you nieko! sobrang mahal na mahal kita! happy 1 yr and 1 month po!!!! mahal na mahal kita sobra!
------------------------------------------------------
para sa sarili ko.. masasabi ko lang, sana makayanan ko lahat ng trials na dumadating sa buhay ko.. oo, mas marami pang problema sa mundo.. kaya makakayanan ko to!
sa mga kaibigan ko, mahal ko kayong lahat.. walang duda... basta mahalin niyo rin ako.. ^_^
kay maggie, i will always be there for you, promise! love kita eh! siyempre, bestfriend kita! miss na kita!
~out~
8/30/2005
grabe! buti na lang walang exam ngayon sa comm res namin! kundi lagot ako! punyeta! gumawa ako ng script ko para sa chem proj namin! sa sept 6 na kasi pasahan nun! leche! tapos naiisip ko pa marami pa kong dapat gawin! hindi pa ko nakakapag review sa lahat! punyeta!
ano bang gagawin ko! sana matapos na to! hindi pa ko nakakabayad dahil sa sobrang haba ng pila! kung makakakuha ako ng exam ngayon, okay.. kaso wala akong permit... tapos mamaya, ill be meeting Czarina para maging talent ko sa chem proj ko nga... ayon...
hay! good luck sa kin sa chem! leche!
haaay buhay nga naman! sakit pa rin nang katawan ko! ng legs ko!!!! waaaaah!!!!!
mahal ko! tulungan mo ko mag bayad ha! please?? wala ka naman exam ngayon eh! please po!!!!
haaay....
hayaan na natin... lapit na naman ang finals, nararamdaman ko na ang hangin ng graduation.. pero hindi pa ko makakapag march this March.. sana matapos ko na ang OJT ko sa summer.... sana nga!
haay! lahat ng to may dahilan.. lahat ng ito ay may katapusan... kaya ako'y pilit na magsisikap...
8/29/2005
mmmm... im still tired... saturday, i went home. then on sunday, i gotta get back here sa dasma at 6am, sa alam ko... my nanay woke me up at 5am and hurried me.. grabe! well, kaka enjoy naman ang byahe namin ni nanay.. we kept on chatting and laughing.. heheheh.. cool noh??... kaka miss na tuloy siya... tapos ayon, we we rode a jeep pa binan and gma.. tapos dasma... tapos sa la salle.. kakapagod! as in! and then we came here at 6:30 am... we ate at the lugawan sa labas.. kulang pa nga yun eh.. kaka bitin! tanga ko, hindi ko naisip na magugutom kami sa pagpunta namin dun.. ang tagal ni mark.. siya na lang ang hinihintay namin.. galit na nga si nanay eh.. kaso i have to wait for him.. napag usapan na kasi namin na sasama siya. at isa pa, 13 months namin kahapon.. at kailangan talaga na kasama siya pra lam niyo na, icelebrate namin yun... heheheh... galit na galit na si nanay nun .. at nung dumating na siya.. naka kunot pa rin ang noo ni nanay.. ako naman,nasigawan ko agad siya.. sabi ko, bakit ngayon ka lang? galit na si nanay! mag sorry ka! ayon.. nag kinausap niya si nanay at nag sorry siya.. sa jeep, nilibre niya kami.. kasama namin si joyce at mark david.. nagkita kita kami sa 7 11 dito sa may school eh.. ayon... nung bumaba na kami , nauuna na ko sa lahat.. si mark naman, kinakausap si nanay.. aba, bumabawi ah! heheheh... parang sila ang nga ang mag nanay pag magkasama eh.. heheheh...
tapos pag dating sa 7 11 sa highway sa dasma, wala pa si george.. siya na lang ang hinihintay.. ayon... yosi muna...
may van na dala ang kasama namin dahil friend niya yung may ari at siya rin ang driver... ayon... sa likod ng driver seat, nakaupo dun si hermie, lovely at george.. tapos sumuno, ako, si mark at si aya.. sa likod naman si mark david, joyce at abi... so excited na kami lahat until sa dulo pala, nagkanda ligaw na kame.. hindi nila alam kung saan ang daan papuntang talisay batangas.. weird.. heheheh.. anywayz, si george, laging naka on ang camera siyempre... naka docu na yon.. heheheh...
tapos sa byahe, naglalaro kami ni mark.. ang aking nieko... natatawa pa nga sila sa min kasi sweet namin MAGBUGBUGAN... heheheh... tapos ayon... nung pababa na kami pa talisay, grabe, nakakatakot! ang tarik kasi! tapos nangamoy pa yung break ng van! pagbaba namin! grabe! umuusok! takot nga ako eh kasi baka mawalan ng break.. delikado...
pag dating namin dun... daming dumalubong na mga nag aalok na mag boating... hinahabol kami... parang sa mga resort sa batangas din na unahan sa costumer pag nag aalok sila... until nakipark lang kami saglit.. yun pala, bawal yun.. business is business... dun kami nakipark, sa kanila na rin daw kami kukuha ng bangka.... mejo nagkaron pa ng aberya sa kin dahil shiyet! P300 per person ang bangka back and fort! eh P600 lang ang dala ko! as in! buti na lang sinobrahan ni nanay yung baon ko at kumuha ako ng P100 sa budget ko! leche nga eh.. ayon, tinawagan ko muna sila nanay.. sinabi ko na nasa batangas na kame.. sinabi ko rin yung problem ko na wala na ko per.. si mark naman, nagpapa iwan para hindi daw maubos ang pera ko.. hello! hindi naman pede yun kasi siya lang maiiwan! okay lang raw sa kanya yun.. eh hindi nga pede yun eh!
tapos mayamaya tumawag ulit sila nanay.. sabi niya ibigay ko na raw yung P600... manghiram daw muna ko ng P200.. ayon, kinapalan ko na mukha ko... kay aya ako nanghiram.. buti na lang, may mga dala pa silang pera..
pagdating sa boat.. hinati kami sa dalawang grupo... 11 persons kami eh... parang tean A at team B! HEHEHEH... team A: len, hermie, mark, mark david at joyce... team B: george, lovely, yung 2 friends ni hermie, si aya at si abi... nauna na kami sa pag andar...
habang nasa boat kame, nakaka relax ang view.. although nakakatakot kasi siyempre, nasa tubig kami eh... ayon, nagsimula na kami sa pag interview sa isa sa mga tourist guide sa boat.... tapos kinuhanan din namin yung mga volcanos... grabe, dami pala nun! pero isa pa lang ang pumuputok ata.. ewan ko.. basta lahat ata ng sulok may mga usok! grabe!
nakadating na kame sa kabilang baryo.. sa paanan na yun ng isang bulkan.. nalimutan ko na nga lang ang name ng bulkan na yon.. tapos dami sa min sumalubong! at hiniritan pa kame ng P20 sa pagtawid sa tulay! ang lupit noh! tulay lang , may bayad pa! tapos yung sumbrero, may nirerent silang P20 ... tapos iba pala yung mag to tour sa min sa bulkan! at hindi ang mga kasama namin sa bangka! kairita! tapos nag cr kame.. at alam niyo ba na after nun, may lumapit sa min na mga bata at may bayad daw ang cr! punyeta! lahat na lang may bayad! mukha ba silang pera! at hindi ko pa sure kung saan mapupunta ang bayad namin na P5 sa mga bata dahil nag aagawan pa sila.. meaning, baka mapunta lang sa kanila yun at hindi sa parents nila...
kumain kami. sa hirap ng buhay ko na P200 na lang ang laman ng bulsa ko, miunabuti ko na lang na isang ulam na lang ang kunin ko at dalawang kanin... tig isa kami ni mark.. since ganun ang ginawa ni george at hermie.. ayon... tapos ang soda ba naman dun ehP30! lupet noh! leche! layo kasi sa kabihasnan eh!
may mga na interview na kaming mga tao dun... mga tourists, mga nag nenegosyo dun.. nakakainis nga lang yung lalake na magkakabayo, ayaw pa makisama... dapat iinterviewhin namin siya ni joyce eh nag iinarte, nilayasan ko nga!bad trip!
tapos ayon.... nagusap usap kami kung kukuha kami ng tourist guide.. eh ang mahal! hindi na lang.. eh kung kaya naman namin mag isa diba??....
so ayon.. very adventurous ang ginawa namin... nagsimula kaming maglakad i think around 10 -11 ata... kakapagod... at eto pa, nalimutan ko na maglalakad pala kami at aakyat sa bulkan eh yosi ako ng yosi! heheheh.. ayon, hingal na hingal ako.... eto si mark david naman, yosi pa rin ! heheheh.... tapos ako ang in charge sa adventure footage namin.. nakakahiya nga eh.. kasi habang nag sho shoot ako, naririnig ang hingal ko sa camera.. leche naman kasi ang taas eh!
daming beses na akong nadulas... naka 9 times akong nadulas kasama na ang untog sa kubo.. back and fort na yon...
pag dating sa pinaka itaas na! sa sobrang pagod ko, hindi ko na appreciate agad ang view.. nasabi ko eto na yon??... eh kasi nakakainis ang taas eh! tapos kahit gusto kong uminom, tangina naman ang presyo ng inumin eh! P30! eh may nasa P160 na lang ang pera ko! ayon.. tingin na lang kami ni mark sa view.. naaawa ako sa sarili ko.. naiinis ako dahil hindi ko naisip na maraming gastos! dapat humingi pa ko ng marami! ayon, naki inom na lang kami kala joyce at mark david ng pepsi.. leche, nakakahiya! pero mayamaya, ayon, nauhaw na kami pareho.. bumili na rin kami... pepsi P30! grabe! tangina! kasalo ko dun si mark, naki inom din si mark david. ayon... bitin kami.. heheheh.. pero ayos lang.. nakihingi rin naman kasi ako sa kanila nung una.. at nakaka relax lalo ang view habang nag yoyosi kami sa taas! hehehe.. kita namin yung mga kumukulong part ng bulkan.. hindi ko lang alam kung ano yung mga nasa baba na puti at naglalakad.. e ang init dun, pano nabubuhay ang mga hayop dun??....
ayon, nag greet kami ni mark sa isat isa dahil 13 months na kame kahapon.. saya! :D binati kami ng groupmates namin! ganda ng date namin, sa taal pa!
naisip ko, kailangang may P1000 ka sa bulsa para maka survive ka!
may mga kabayo na pedeng sakyan.. ang mahal naman! at nakakaawa at nakakatakot sakyan yon dahil siyempre, matarik yun eh!
nag interview pa sila ng tourists dun.. at dun din kami nag shoot nang opinions namin....
may nangyari pa nga na mejo umaambon, tapos pumunta sila mark david, joyce, george at hermie sa kabilang side ng bundok nung nakita ni joyce na tumataas ang buhok ni hermie... eh dahil daw yun sa static... eh nagpack up agad si george dahil nakaka attract daw yun sa lightning... delikado pa sila...
bumaba kami ng 4:10pm... inabot kami ng 5:30 sa pagbaba dahil nag stop over kami sa may gitna.. nagpahinga at the same time, dun kinuha ang shoot nila george at mark david... nakita namin yung mga umuusok na bato.. ganda nga eh.. dami ring mga Raven! takot nga si hermie eh.. nanunuka daw kasi yun.. eh ang alam ko, mga patay ang kinakain nila... naisip daw kasi niya yung sa passion of the Christ...
tapos habang nasa malayo sila , nasa may umuusok naman kaming bato ni nieko... kinukuhanan ko sarili namin.. siyempre, memorable yun! monthsary namin yun eh! saya!
tapos inabot kami ng ambon.. buti na lang medyo tumila... habang nagbabangka na kami inabot ng malakas na ambon.. nakita ko pa ang sunset... ganda...
galing talaga ni God noh para magaw niya yung magagandang view na yun... ang tahimik kaya sa bulkan.. kakarindi... pero ayos lang kasi kaka relax namn eh...
this is unforgetable! astig! ganda! memories of our monthsary! 13 months na kame! whoohoo!!! saya ko!
okay.. enough of this.. pagod na ko mag kwento...
mamaya sa dorm ko kakain si abbie... :) wala kasi kami parehong kasama sa dorm..
happy 13 months po dadibabynieko! love you so much!
mwah!
bravo BRoadJOUNRNalers!
~out~
8/28/2005
8/26/2005
a) average
b) low class
c) high class
d) social climber
naiisip ko to palagi at naitatanong ko sa sarili ko kung saan nga ba ako nakalagay sa apat na choices na to.. ngayon, nag aaral ako sa isang maganda at isa sa pinaka tanyag na unibersidad sa buong mundo, ang Ateneo de Manila.
minsan sa isang pagtitipon, akoy tatanungin kung saan ako nag aaral at anong kurso ang aking kinukuha. lahat sila ay namamangha kapag naririnig nila ang pangalan nang nasabing unibersidad. lahat sila ay magsasabi na marahil ako raw ay isang anak mayaman o di kaya ay isang matalinong bata. hindi na ako makapalag o makapag labas man lang nang isang salita dahil sa sunod sunod nilang haka-haka.
oo, ako nga ay isang estudyante nang marangyang unibersidad na iyon. lahat halos nang nakakasalamuha ko ay puro mayayaman at may mga utak. pero tuloy pa rin sa pagtatanong ang isip ko kung totoo ba na lahat nang estudyante rito ay may binatbat?
minsan, ako'y nakaupo sa isang tabi at nakatuon ang aking paningin sa mga masasayang estudyanteng dumaraan sa aking harapan. may mga binata na ang gagara nang mga kasuotan, may mga signature ang kanilang mga kagamitan. may isa pa akong napansin na isang dalaga, terno ang kanyang makukulay na kasuotan subalit napaisip ako na mukhang hindi ata babagay ang ganitong damit para ipang-pasok niya. mayamaya ay napatingin ako sa isang tabi, isang simpleng babae na tahimik na nagbabasa nang kanyang libro. nakita ko ang kanyang kupas na sneakers at simpleng damit. bakas sa kanyang itsura ang pagiging isang mahirap. biglang sumagi sa isipan ko ang mga nasabi noon nang aking mga nakasalamuha na lahat nang estudyante sa Ateneo de Manila ay mayayaman!
naguluhan ako.. napaisip nang malalim.. hindi man ako mayaman at hindi naman ganon kahirap, bakit rin ako nakakapag aral sa isang magandang eskuwelahan? simple lamang ang sagot ko, marunong ang aking mga magulang na mag ipon nang pera para sa kinabukasan naming mga anak nila. nagiging maluwag na para sa amin kapag bayaran na nang tuition fees.
hindi man nga ako ganun kahirap sa buhay pero bakit naiilang pa rin ako sa mga taong lahat nang bagay ay kanilang nakukuha? siguro'y awa na lang sa sarili ko ang aking naiisip. alam kong mali ito subalit hindi ba't nakakababa nang sarili sa tuwing makikita mo ang iyong kakilala na may magarang sasakyan at kagamitan? marahil ay nararamdaman niyo rin ito.
sa hirap nang buhay ngayon, may mga kabataan na kahit anong kagustuhan nilang makuha ang isang bagay ay hindi nila ito makamit dahil sa kawalan nang pera. nakakaawa silang pagmasdan habang pinagtitinginan sila nang mga estudyante mula ulo hanggang paa at saka magbubulungan at magtatawanan.
ito bang uri meron sa mga unibersidad ngayon dito? ito ba ang natututunan nang mga kabataan ngayon?
may mga kabataan naman ngayon na sunod ang kanilang mga layaw. ito ang mga tao na nasanay sa karangyaan at kasarapan sa buhay. masasabi kong suwerte ang ganitong klase nang kabuhayan. ngunit hindi lahat sila ay masaya.. nagagawa lang nila ang mag ubos nang pera dahil ito lamang ang makakapag pasaya sa kanila.
sabi nga nang isang karakter sa isang pelikula: "life is not being popular but being yourself" .
sa hinaba haba nang aking pananaliksik tungkol sa kalagayan nang isang estudyante, nalaman ko rin na hindi mahalaga kung ikaw ay isang mayaman o mahirap bagkus ay magsikap kang makapag tapos nang iyong pag aaral at saka ka magpaka layaw! basta ikaw ay marunong makisama at magpakumbaba.
sana ay inyong nagustuhan ang aking salaysay.. salamat..
-anonymous-
¦ÖxŦ
yup.. ako na ang may gawa... sorry na nga eh.. hindi ko sadyang masabi yon.. sorry na.. eh kasi mahilig kang mang iwan.. oo, nasa mali na ko.. nag inarte na ko and all that.. pero sasama naman talaga ako eh. gusto ko pa nga na kasama ka sa panonood ng pearl harbor with our blockmates! ano ka ba! sorry na nga eh! mahal kita! mwah!
--------
i dont know what is the meaning of BIRD BRAIN until a friend said it means, BOBO; UTAK IBON... wala lang.. naisip ko, parang over the limitations na yon.. i mean foul na yon to say that to a person especially kapag alam mo na isa siya sa .. alam niyo na.. isa sa mga running Honor Students sa college namin.. well, hindi naman ako sumasawsaw sa conflict ng iba.. wala lang.. comment ko lang to.. sana hindi sumama ang isipin niyo.. concern lang ako.. you know.. mahirap maka graduate kapag may ganitong issue.. baka lumala pa.. dapat mag usap kayo ng seryoso, no back fightings at all.. nagulat talaga ako nung nabasa ko yun.. alam niyo, dapat pag usapan niyo yan.. walang magagawa ang parinigan dito sa blog.. oo, may rights kayo at wala kaming paki sa sasabihin niyo sa blog.. pero diba, may mga nag vivisit, may makakabasa.. tendency, may mag rereact.. isa na ko dun... hindi ako nakikialam.. concern lang ako.... wala akong kakampihan...
-------------
we watched pearl harbor. bad trip lang.. na badtrip din kasi yung prof namin eh.. pinatigil na niya yung movie kasi may maingay sa classroom... eh ayon, nandun pa lang kami sa scene na inamin na nung nurse kay ben afleck na pregnant siya kay joch hartnet.. im so depressed! kainis... hindi ko pa kasi napapanood yun! unlucky for me... haaay.. ayon.. good luck sa min sa assignment namin! waaaahh!!!!!
~out~
8/23/2005
nakakatamad magsulat ..
kakatampo lang ang boyfriend ko... hindi niya ko napansin na dumaan sa harap niya... kung san san kasi tumitingin...
pero wala yun... tapos na yun eh.. mahal ko yun...
masaya ako... sa retreat.. with my friends....
pero nalalabuan pa rin ako.. wala lang...
basta mahal ko si mark.. and my friends and family!
~out~